Share

Chapter 3

It feels like a dream. Never kong in-expect na magugustuhan n'ya ako dahil never din namang naging maganda ang trato ko sa kanya. Either I'll be a sarcastic bitch or a quiet one when he's talking to me. Sobrang hindi lang kapani-paniwala lalo na kapag inaalala ko ang mga nangyari noon.

I noticed the gradual movement of the drumsticks on my hand as he walked towards my direction. Wala akong ibang naiisip noong mga oras na 'yon kung hindi ang paraan kung paano n'ya ako tingnan. Anong… gagawin ko?

The tremor got even worsen when he's finally a few inches away. Why am I being like this? 

"Gail..." His eyes, they are so beautiful. I think it's the most innocent and beautiful pearls I've ever laid my eyes upon. It's captivating in such a way that you won't have any choices on what he asks you but say yes. "Please, gusto kong ligawan ka…"

And when I nodded with that, without further ado, he hugged me tightly. The kind of hug I'm always craving for. The kind of hug I've never experienced for the past few years. The kind of hug that tells how worthy I am. 

Doon na namasa ang aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit ang gaan sa pakiramdam. I never expected he feels that way. Sino ba ako? 

I tried to wipe my tears, then a few moments later, he released me and that's when I build up my courage to ask him, "Bakit ako?"

His nose crinkled, lips curved, as he pinched my cheeks. "Ikaw e. Walang dahilan, basta ikaw," he said, giggling. 

That made me speechless, until, I heard our bandmates approaching.

"Nyay! Nilalanggam na kayo! Mahiya naman kayo sa mga single!" nandidiring sabi ni Brix. 

Tinawanan lamang ito ni Prime at saka muling humarap sa akin. "Ihahatid na kita ha?"

I hesitated at first. I don't know, but I have this weird feeling that tells me to stop him from what he wanted to do. Parang gusto ko munang mapag-isa at i-proseso ang nangyayari. 

"U-uhm, sure."

Nagpasalamat at nagbigay ng closing remarks ang organizer ng event bilang pagtatapos. Matapos 'yon ay nagligpit na kami ng gamit para umuwi. 

When we descended from backstage, I noticed our fellow musicians packing up, some of them looked at us as we departed from the event place, some even nodded as if they are indirectly telling 'You did well', and a few are busy chit-chatting.

I wonder, what makes them keep going? Is it their family? Their friends? Their bandmates? Or their selves? 

"So paano? Una na kami sa inyo?"

Napangiwi si Brix sa sinabi ni Prime nang marating namin ang kinaroroonan ng mga sasakyan na wari'y may kalokohan na namang gustong sabihin. 

"Oy 'wag! Bata pa kayo!" 

Then, he burst out of laughter. Kahit kailan talaga itong lalaking ito, ang daming alam. 

Maya maya pa ay pumasok na rin si Brix sa loob ng sasakyan ni Ephraim kasabay ng pag-angkas ko sa motor ni Prime. Then I remembered Shillem was with me a while ago. Napalingon ako sa event place at napansing iilan na lamang ang naroon. I tried checking my phone and good thing I got a text from her. 

Shillem:

Sis, tumawag si Dad, may emergency daw. Pasensya na talaga huhu. PERO BABAE KINIKILIG AKO SA INYO NI PRIME! Ang unfair! Magkwento ka 'pag nagkita tayo haaa? Love you! 

These past few days, naging sobrang abala kami sa pagpapractice kaya hindi ko na masyadong nakakausap si Shillem. I miss how effusive she is whenever she's telling me about random stuff. Nakaka-miss ang nakakabaliw at nakahahawa n'yang tawa. 

~

Sakay ng motorsiklo ni Prime, binagtas namin ang daang ngayo'y hindi na mahulugan ng karayom. The rumbling sound of vehicles is hitting my core, the lights are so radiant, it hurts my eyes, and the throbbing sensation I feel given the fact that I'm facing his bulky back, formed an explosion that might destroy me any minute soon.

"Okay ka lang ba?" I think he noticed that I was a bit upset. 

"I'm fine," I said, but I think he was not convinced about it. 

He decided to stop nearby a 24-hour open fast-food chain. Nang makababa ay agad na humampas sa aking balat ang malamig na hangin. Niyakap ko ang aking sarili. Napansin naman n'ya 'yon at hindi ako nakagalaw sa sunod n'yang ginawa. 

He's almost kissing my forehead when he approached to let me wear his leather jacket. I hate this, for Pete's sake! My heart, it's raging! It was like it is trying to come out of my ribcage!

"Nilalamig ka pa ba?" Honestly, I want to thank him, I want to tell him I'm not and I'm enjoying the scent of his jacket but he's still too close, I can't even think properly. His visage entices me, so I just nodded. Naramdaman n'ya sigurong naiilang ako kaya niyaya na rin n'ya ako agad. 

Hindi ito ang unang beses na hinatid n'ya ako. Sa tuwing may mga events kami, s'ya ang naghahatid sa akin. Hindi na bago pero hindi ko pa rin maiwasang mailang sa kan'ya. 

"Uhm, salamat sa paghatid Prime," I said, sheepishly. "So... Uhm, bye. Good night. Pasok na ako." I said, smiling. I wanted to tell him how happy I am today but I'm still on the verge of processing what just happened. He then smiled at me and waved goodbye. 

Nang makarating ako sa loob, doon ko pa lamang narinig ang tunog ng kanyang motorsiklo na unti-unting naglaho pagkalipas ng ilang segundo. 

Bumungad sa akin ang pigura ng isang lalaki. A middle-aged man, has a dark complexion, sharp look, and moderately wrinkled face brought by ages. Prente s'yang nakaupo at nanonood ng telebisyon. I can tell he's watching a football game. When he noticed my presence, he unceremoniously turned off the television. 

"Bakit ngayon ka lang Even Gail?" I hate it when Dad calls me by my full name. Usually kapag gano'n, asahan mo nang sermon ang sunod.

I looked at him and I saw how ferocious his eyes were. Tila gusto akong sunugin ng mga matang 'yon.

"Tumugtog lang po kami, Dad."

"Hindi ba sinabi ko sa'yong may family dinner tayo?!" Napapikit ako ng mariin sa biglaan n'yang pagsigaw. 

He gritted his teeth. His jaw tightened and he balled his fist. He'd gone fuming mad and this is nostalgic to me. Matagal na mula noong nasaksihan ko ito at alam kong hindi ito maganda. 

"Sorry, Dad. Mahalaga lang po 'to sa'kin dahil minsan lang magka-"

He laughed, ridiculously. "Hindi ba kami mahalaga sa'yo? Kami ang pamilya mo Even Gail," he paused, "Hindi ba sinabi kong umalis ka na sa bandang 'yon?" 

My eyebrows furrowed at that thought. "Dad, hindi ko pwedeng pabayaan 'yung bandang ako mismo ang bumuo," sinusubukan kong hindi s'ya pagtaasan ng boses. 

For an instance I'm calmed but the next thing he said pushed me to the limit.

"Umalis ka na sa bandang 'yon, ayaw mo man o gusto! Walang kwenta ang pagbabanda! Don't try me Even Gail, makikita mo ang hinahanap mo.”

Nagpanting ang tainga ko sa kan’yang sinabi. Ni minsan ba nagkaroon man lang s'ya ng pakialam sa mga bagay na gusto kong gawin? 

"You know what Dad, the reason why Mom left you is because you're always manipulating people!" Hindi ko na napigilang pagtaasan s'ya ng boses. 

Then, I felt a sudden pain in my cheeks. 

He slapped me. 

"How dare you say tha-"

"Dad, sawang sawa na ako. Hindi ko gusto 'yung mga gusto mo para sa akin. Please, hayaan mo akong gawin ang mga gusto ko. Kung hindi ka papayag, mas mabuti pang… umalis na lang ako sa pamamahay na 'to..."

"You'll regret it..." 

I sarcastically smile at what he just uttered and with all the courage I have, I looked at his fiery eyes, I managed to overcome the chills it gives me. Nagawa ko pa ring 'yong titigan. "Mas pagsisisihan ko kung mananatili pa ako dito..."

Nanlaki ang kanyang mga mata, tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. Kung noon ayos lang na ginagano'n n'ya ako, ngayon hindi na. 

No'ng mga panahong nahihirapan ako, ni minsan ba tinanong n'ya man lang kung nakaka-kain pa ako ng maayos? Kung nakaka-tulog ba ako? Hindi. Hindi dahil masyado s'yang abala sa negosyo n'ya. At ngayon sinasabi n'yang pamilya ko sila? Mas nakakatawa pa 'yon sa mga biro ni Brix. Anong pamilya ang sinasabi n'ya?

I tried to collect myself. Ang alam ko lang ngayon, kailangan ko nang gawin 'to. Hindi ko kakayanin pang manatili sa bahay na 'to.

"Alam mo Dad, mula noong umalis si Mommy, hindi ko na naramdaman ulit na kabilang ako sa pamilyang ito," puno ang hinanakit sa boses ko. 

Pinipigilan kong hindi bumagsak ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. 

"Honey, what's happening?" It was Victoria, my stepmother. Nagising siguro s'ya sa ingay. Mabait s'ya, pero hindi ko lang talaga gusto ang presensiya n'ya. Masyado s'yang mabait at hindi 'yon maganda. Wala akong tiwala sa mga taong masyadong mababait. 

Nilagpasan ko s'ya. I ascended the stairs on the way to my room and I started packing up my things. Alam kong mahirap 'tong gagawin ko pero mas lalong hindi ko kayang maatim na manatili pa rito. Kahit ano papasukin ko, bahala na. 

Dala ang mga gamit ko at ang gitarang regalo sa akin ni Mommy noong nag-eleventh birthday ako, lakas loob akong lumabas sa kwarto. Kaya ko 'to. Kailangan kong kayanin. 

Napansin kong tinapunan pa nila ako ng tingin bago ako makalabas. Mukhang ayos na ayos lang naman sa kanila na wala ako, ano? O baka sinuhulan s'ya ni Victoria. 

I was once her little princess. Sabi pa n'ya sa akin noon kahit na dumating pa 'yung time na magpakasal pa ako, ako pa rin 'yung little princess n'ya. Ngayon, ang daming nagbago. Nabubulag na s'ya sa negosyo n'ya.

The tears I'm trying to prevent from falling a while ago, started to roll down to my cheeks. Ang sakit. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Nakakalungkot lang. Kung pwede lang maging bata ulit, humiling na sana ako. 

"Ma'am, saan po tayo?" Labis akong nalulunod sa mga isipin nang narinig ko si manong driver. Sinabi ko sa kanya ang address at kapagkuwan ay itinuon na ang atensyon sa daan. It's ten past twelve, yet the traffic is still heavy. I decided to put my headphones on and put the playlist on shuffle. 

Now playing: Leaves by Ben & Ben

I can think of all the times

You told me not to touch the light

I never thought that you would be the one

I couldn't really justify

How you even thought it could be right

Cause everything we cherished is gone

And in the end can you tell me if

It was worth the try, so I can decide

Leaves will soon grow from the bareness of trees

And all will be alright in time

From waves overgrown come the calmest of seas

And all will be alright in time

Oh you never really love someone until, you learn to forgive

There's part of me wanting to go back. But then, I know this will be for the betterment of everything. I know, all will be alright in time. I'm hoping. 

~

Nakakahiya man ay wala na akong ibang malalapitan maliban sa kan’ya. I entered the elevator of the condominium and pressed number 17. May iilan pa akong nakitang napadaang nakasuot ng business attire na wari ko'y kaka-uwi lang galing sa business trip bago magsara ang pintuan ng elevator. 

Kahihiyan ang namumutawi sa aking loob. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung tama ba 'to. Pero wala akong makuhang sagot. 

Nanginginig ang aking mga kamay ngunit sa kabila nito ay pinilit ko pa ring kumatok. Hindi pa ako nakakatatlong tuktok nang bumukas ito at bumungad sa akin si Shillem na nakasuot na ng pang-tulog na damit. 

No'ng una ay nagulat s'ya ngunit agad din akong pinapasok. Bumungad pa sa akin ang amoy ng bagong lutong pizza. Sakto lang ang laki ng condo n'ya, may dalawang kwarto, dining area, mini-kitchen at living room. Hindi na 'yon bago sa dahil 'di na rin mabilang kung ilang beses akong naparito. 

"Sis! Nakakagulat ka! Anong meron?" kunot noong tanong ni Shillem. Napatigil pa s'ya at saka nanlalaki ang matang napatakip sa bibig. "Naglayas ka?!"

"Uhm, oo."

Nagpaikot-ikot s'ya habang nakahawak sa sentido at tila prinoproseso ang sinabi ko. "Pero bakit? Anong nangyari?"

For the nth time, the liquids betrayed me. And for the next few minutes, I was a cry baby. Needless to say, she came to me, and at that very moment, I've realized I'm so lucky to have her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status