Share

Kabanata 30

Pagkatapos ng insidenteng 'yon ay binilhan ako ng bagong phone ni Papa. Noong una nga ay galit siya dahil kung kailan kailangan ko ng phone ay doon pa nasira. Kung sana gumana raw ang phone ko sa gabing 'yon ay natawagan ko raw sila. Pinagkibit-balikat ko na lang ang sermon ni Papa. At dahil do'n, kaya naghanap siya ng magandang phone na hindi madaling masira.

Tinitigan ko ang bagong phone. Ilang beses na akong nagpalit-palit ng phone simula no'ng nagtungo ako sa dock. Bumuntong-hinga ako at tumingin ulit kay Mama. Hilaw akong ngumiti at kinamot ang batok. Hindi ko alam kung matutuwa o hindi na pumayag siyang magpunta ako ng Bohol.

"Dalawang araw lang ako do'n, Ma. Saka, nandoon naman si Tiden," sabi ko. Pinaalam na ako ni Tiden sa kaniya at alam kong pinagbigyan lang siya ni Mama dahil sa ginawa niyang pag-contact sa kanila nang maligaw ako sa Oslob no'ng isang gabi.

Ilang segundo niya akong tahimik na tinitigan bago nag-iwas ng tingin. "Pumayag ba ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status