Share

Kabanata 35

Matapos kong magpaalam kay Ate Rosan ay mabilis akong humakbang palabas. Hindi ko napansing nakasunod sa akin si Lyndon. Natigilan na lang ako nang may marinig akong yabag sa likuran at nang lumingon ako ay nakita ko siyang sumusunod sa akin.

Kumunot ang noo ko. Hindi pa rin ba siya tapos sa ginagawa niya?

Kaya tumakbo ako palayo pero humabol siya! Nag-igting ang bagang ko at naisip na huminto at hintayin siya sa isang eskinita.

Humakulipkip ako. "Let's get it straight to the point. Ano bang pinupunto mo, Lyndon? I said I don't know what happened in that victimless crime, okay? Kahit na ilang beses mo akong tanungin, pareho lang ang sagot ko!"

Huminto siya sa tapat ko. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil nanatili siyang nakatitig sa akin nang walang emosyon sa mga mata. Maya-maya pa ay umikhim siya. "But all evidences are pointing at you, Rishell."

Umirap ako, kumibot ang sulok ng mga labi. "Baka nga gawa-gawa lang 'yong putok ng baril na sinasabi ng dalawang tumestigo." Saka ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status