Share

Kabanata 36

Tahimik lang akong nagbabasa ng kuwento ni CLGF nang biglang may kumatok sa pinto ng hotel room. Mabilis kong binaba ang cellphone at pinagbuksan ang kumatok. Isang hotel crew. Ngumiti siya pagkakita sa akin. "Good morning, Maam! Room service!"

"Oh." Ngumiti ako pabalik at nagbaba ng tingin sa dala-dala niyang tray ng pagkain. "Salamat. Ilagay mo na lang diyan sa kama."

Humakbang siya papasok at nilagay ang tray sa ibabaw ng maliit ng mesa na dala-dala niya rin kanina. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa akin. Sinara ko ang pinto at nag-unat-unat. Ilang oras din akong nagbabasa sa phone at nangangawit na ang kamay ko.

Lumapit ako sa entrada ng balkonahe at hinawi ang kurtina. Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw sa mata ko. Ngayon ko lang napansing tuluyan nang umakyat ang araw sa silangan.

Hinayaan kong nakahawi ang kurtina sa balkonahe para pumasok sa loob ang sinag ng araw. Saka ako dumulog sa pagkain at prenteng nag-agahan. Ilang minuto pagkatapos kong kumain ay dumating ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status