Share

Kabanata 31

"Saan ba kami nagkulang sa pagpapalaki sa'yo, Ramona?!" napahilamos na sa kaniyang mukha si Sister Si. "Saan ba kami nagkamali, Ramona?! Bakit nagkaganito ka?!"

"H-hindi ko na rin po alam, Sister Si..." Humihikbi kong sabi. "S-sa akin po ang problema... Ako po ang may kasalanan ng lahat."

Nanatili ako sa gilid. Napayuko bigla. Hindi ko kayang nakikita sa mga mata ng mga madre ang pangingilid ng luha. Lahat ng mga madre ay narito. Nakatingin sila sa ibang direksyon. Kita ang pagkakadismaya sa nangyari.

Hindi na talaga matatago ang pagbubuntis ko. Lumalaki na ang tiyan ko, napapadalas na rin ang pagiging maselan ko sa pagkain at ang morning sickness ko. Ang lala. Hindi ko na magawang makontrol. Maduduwal nalang ako basta-basta sa kalagitnaan ng paghuhugas, nattrigger kapag may naaamoy akong hindi kaaya-aya. Kaya rin ako nabuko ng mga madre.

"Nasaan na ngayon ang magaling na apo ni Father Theodore? Aba, Ramona! Hindi pwedeng ikaw lang ang umako ng responsibilidad na 'yan! Kailangang tu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status