Share

Kabanata 32

"Kumusta na itong pogi kong apo?" Puno ng galak na sabi ni Father Theodore habang kinakarga ang kaniyang apo sa tuhod. Araw ng sabado. Araw ng kaniyang pagbisita. "Ang gwapo-gwapo! Mana sa tatay!" Masigla nitong sabi.

Tumawa ang bata lalo. Umupo ako sa kaniyang harap. Para makita ang nakangiting mukha ng aking anak na tuwang-tuwa habang karga-karga ng kaniyang Lolo Theodore.

"Ano ang gusto ng apo ko na iyan? Ibibigay kaagad ng Lolo Theodore!" tumatawa-tawa pa rin ang bata na para bang kinikiliti. "Gusto ba ng apo ko ng bahay? Ng lupa?" humalakhak lalo ang aking anak.

Boses palang ng pari ay tuwang-tuwa na siya. Sa kaniya lang ito tumatawa ng ganiyan. Kapag sa amin hindi naman, lalong-lalo na sa mga madre. Minsan, iniisip ko nga, siguro, sabik lang ang anak ko sa aruga at kalinga ng isang ama.

"Aba! Gusto ng apo ko! Ano pa ang gusto ng poging si Akihiro?" tanong ulit ng pari.

Sa murang edad, hinahanap na rin kaya nito ang presensya ng kaniyang ama? Ang masaklap nga lang, wala eh, wala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status