Isinipa-sipa ko pa ang dalawang paa hanggang sa matanggal na ang suot kong itim na sapatos. Patuloy na bumagsak ang luha ko dahil sa hiya. Pinanood lang nila akong tatlo. Hindi nila ako nilapitan para patahanin or kahit na damayan. Dumurog pa iyon sa puso ko. Siguro ay tinakwil na nila ako at ikinakahiya na rin nilang kaibigan. Ang lahat ng iyon ay hindi ko naman intensyon.“OMG!” maya-maya ay bulalas ni Glyzel, agad na tinakpan pa ang bibig na parang di makapaniwala habang ang mga mata nito ay nakalapat sa akin. “Kung ganun ay totoo talaga ang lahat ng iyon? Walang halong biro o sasabihing prank lang?” Sobrang late ng reaction ng gaga pero hindi ko makuhang matawa sa kanya. Nadudurog ang puso ko sa ginawang panghuhulog ni Josefa. Naturingan ko pa siyang bestfriend. Higit pa nga na mas pinagkakatiwalaan ko siya at mahal kumpara sa dalawang kaibigan namin tapos ganito lang ang gagawin niya sa akin? Ihuhulog? Ipapahiya? Sana pinagtakpan na lang niya ako.“Kaya pala todo rin ang explana
Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong ng about kay Chaeus. Hindi ko kasi ito nakikita sa breakfast at ganundin sa dinner. Bagay na imposibleng mangyari dahil kilala ko ang ugali ni Chaeus. Kung busy lang ito sa site, makikita ko pa rin sana. Unless nagtatago siya para magpa-miss sa akin. Ganun na lang ang gulat ko sa sagot ni Azalea.“Hindi mo alam na umalis siya ng bansa, Hilary?” puno ng pagtatakang balik-tanong ni Azalea. Umiling ako, magtatanong ba ako sa kanila kung alam kong umalis ang Tukmol? Ang bungol talaga. Magandang babae nga, kaso mukhang walang utak. Hindi niya ginagamit ang common sense.“Nagpaalam sa amin na susundan niya raw si Lailani. Isang araw after niyang umalis ng bansa. Hindi ko alam kung may pinag-awayan sila kaya hindi mapalagay ang Kuya Chaeus mo at sinundan na lang ito para suyuin. Niloko ko ngang magpakasal na sila para magkasama na.”Tumango-tango lang ako. Itinuloy ang pagkain. Medyo kampante na sa nalaman. Akala ko
Lumipas pa ang mga araw hanggang sa naging buwan na ang bilang noon. Pinili kong huwag na lang siyang pansinin na hindi kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman. Nalibang ako sa bagong batch ng mga manliligaw. Suportado ako dito ng mga kaibigan. Nang sumapit ang araw ng mga puso at magkaroon ng okasyon sa school namin ng araw na iyon ay ang dami kong natanggap na bouquet at box ng chocolates.“Ang famous ah? Pahingi naman kahit na isa.” pagbibiro ni Shanael habang nakatingin sa mga iyon na nakalagay lang naman sa aking upuan.Sa dami ay halos wala na akong mauupuan.“Pumili ka na, kung alin diyan ang gusto mo.” sakay ko na malakas lang ikinatawa ng gaga.To be honest ay hindi lang ako ang maraming natanggap. Mayroon din sila. Pati nga si Glyzel kaya naman panay ang sulyap ng class adviser namin sa pwesto nito kahit na mayroong klase. I could tell from his eyes ang selos na nadarama.“Utang na loob Hilary, huwag mong itatapon ang mga iyan. Please appreciate the effort ng mga nagbigay.”
Kinabukasan ng gabing umamin ay muling sumabay si Chaeus sa amin ng breakfast. Alam kong tuloy-tuloy na iyon na parang walang nangyari. Pinili niya ang bumalik sa dati. Hindi ko sinabi sa kanya na narinig ko ang confession niya. Minabuti ko na lang ang magpanggap na walang alam sa nararamdaman niya. Mas okay na iyon, para hindi rin kami maging awkward. Naging talkative siyang muli. Makulit na ulit. Ganunpaman ang galaw niya ay halatang may nagbago sa kanya. Malaki iyon. Hindi masaya ang mga mata niya na sa tuwing tititigan ko iyon, nakikita ko ang kakaibang lungkot na bumabalot.“Ano na Chaeus? Wala pa rin bang balita? Kailan pa ang plano niyong magpakasal ni Lailani?” ungkat ni Azalea tungkol sa pag-aasawa nito.Nag-angat ng tingin si Chaeus. Lumapat iyon sa akin saglit. Nginitian ko siya bilang pagsuporta. Tama naman siya, kahit gaano namin kagusto ang bawat isa hindi pa rin kami pwede. Hindi pa rin kami pwedeng magmahalan ng lantad gaya ng ibang taong nagmamahalan ng wagas at tapa
Saglit akong nanigas at napayakap sa sarili paglabas ko ng gate ng campus. Nanindig na ang mga balahibo ko. Sleeveless pa naman ang suot ko. Sinalubong lang naman ako ng malamig na ihip ng hangin na samahan pang galing iyon ng dagat. Doon ko pa lang naalalang nakalimutan ang cardigan na kunin sa bag ni Shanael. Ayoko naman ng bumalik sa loob. Baka matagalan pa ako, tiyak maiinip na si Chaeus sa paghihintay.Sa sarili mismong covered court ng aming school ginanap ang party, sa may bandang likod iyon malapit sa principal office kaya medyo tago ito sa hangin. Sa banda doon ay hindi dama. Idagdag pa na pinagpawisan kami kakasayaw at marami ang student sa loob kaya mainit. At ngayong nakalabas na ako, nanunuot ito sa aking buto. Nagpalinga-linga na ako sa mga naka-park na kotse. Hinahanap ang pamilyar na sasakyan. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap. Kinuha ni Chaeus ang atensyon ko sa pagtaas ng kanyang isang kamay hindi kalayuan sa aking banda. Nasa labas siya ng kotse. Gaya ng naka
Kulang na lang ay mapunit ang labi ko sa lapad ng ngiti. Halos umaabot ito sa magkabilang tainga ng marinig iyong sabihin niya. Paano ko ba mae-explain sa salita lang ang feeling na para akong nakalutang sa alapaap ng mga sandaling iyon? Kulang ang salitang kinikilig ako at masaya para mailarawan ang totoong kahulugan. “Oo na, magdadahan-dahan na ako. Grabe! Sobrang ganda naman dito!” pasigaw na sagot ko, nagpaikot-ikot na habang nakadipa. “Ang daming mga bituin sa langit, oh! Tingnan mo sila Chaeus. Ilang milyon kaya ang bilang nila? Mukhang hindi milyon, baka sobra pa sa bilyon. Para silang mga buhay na perlas na nasisinagan ng liwanag ng buwan!” tingala kong hindi na maitago ang kilig at saya sa boses ko ng mga sandaling iyon.Kung sinabi niya lamang sa akin ng maaga na plano niya pa lang pumunta dito, mas pipiliin ko pang sumama sa kanya patungo dito kasama siya keysa umattend ako ng party sa school. Mahaba pa ang panahong magkasama kami. Sayang!“What time is the meteor shower,
Nanlambot na ang dalawang tuhod ko sa narinig. Parang na-blangko bigla ang utak ko at ayaw na nitong mag-function. Hiniling ko rin naman na magustuhan niya ako, pero hindi naman iyong ganitong tipo ang bilis.Ano iyon? Sobrang lakas ko sa itaas at nagkaroon ako agad ng answered prayer? Ganun ako kalakas kay Lord?Teka lang naman. Hinay-hinay naman ang revelation ay hindi ko pa ma-take.Baka mamaya imagination ko lang ang lahat ng ito. Nakakahiya, Hilary! So iyong pagiging assumera ko ay di pala masama, kasi nag-manifest agad. Dapat masaya ako dahil iyong nararamdaman ko para sa Tukmol ay nasuklian. Kaso, paano ba maging masaya? Kahit naman pareho kami ng nadarama, hindi rin kami pwede. Kasal ang parents namin. Oras na malaman nila ito, baka atakehin sila. Oo, masama akong anak. Pasaway. Pero never sumagi sa isip kong aabot sa ganito. Sabi ko dati ay aagawin ko ang atensyon ng anak ni Azalea para makaganti ako sa pang-aagaw niya sa akin kay Daddy pero ‘di ko naman intended pati ang pu
Dilat ang mata ko buong magdamag. Paano pagkauwi namin ay hindi rin naman ako agad nakatulog. Medyo nagkaroon pa nga ako ng regrets na nag-aya na agad umuwi. Dapat pala ay hindi na muna. Dapat sinulit ko ng kasama siya tutal wala ‘ring pasok sa school kinabukasan. Saka ko lamang iyon naisip ng nasa bahay na. “Ayan Hilary, padalus-dalos ka kasi ng desisyon! Hindi ka nag-iisip muna.”Habang pabalandrang nakahiga sa kama ay binalik-balikan ko sa isip ang ginawang paghalik ni Chaeus sa akin. Ni hindi pa ako nakakabihis ng damit. Parang sinisilaban ang mukha ko ng maalala na ang mga sandaling iyon. Itinaas ko sa ere ang dalawang paa at isinipa-sipa sa hangin. Kilig na kilig na naman ngayon ang buong katawan. Dapat talaga ay sinulit ko na iyon eh! Niyakap ko pa siya nang mahigpit. Pagkakataon ko na iyon. Pinalagpas ko pa. Dangan lang at hindi ako marunong humalik. Kung nagkataon ay baka mas tumagal pa ang halikan. Kainis, hindi ko rin iyon nasuklian. “Paano ka naman matututo, Hilary ay w