Share

KABANATA 33

Umuwi muna sila sa bahay nito para kunin ang mga gamit niya. Ipinakuha na lang nito sa kasambahay nito ang mga gamit niya at naghintay sila sa labas para hindi na sila bumaba ng kotse. Inalok siya nitong du'n na lang matulog pero magalang na tumanggi siya.

Hindi na muna siya pinagbihis ni Venus nu'ng hinatid siya pauwi. Kinukunan siya nito ng pictures sa labas ng boarding house at sa kalye pa talaga. Mabuti na lang at wala nang masyadong naglalakad nang mga oras na iyon dahil pasado alas dose na ng hatinggabi.

" Bagay na bagay talaga siya sa'yo, Nat. Hindi nga ako nagkamaling sa'yo ipasuot ang gawa ko," nakangiting sabi nito habang panay ang kuha ng larawan sa phone.

Nahihiya man nu'ng una ay itinodo na rin niya ang pagpo-project habang kinukunan siya ng larawan ng babae. Ngayon lang siya parang naging maganda sa tingin niya kaya't dapat ibigay na niya ang lahat sa sariling nilang pictorials ni Venus.

May mga larawang kinukunan din siya nito sa loob ng ko

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status