Halos isang oras na rin siguro ang nakakalipas simula nang umalis si Cougar. Nang tingnan ni Trevan ang oras sa kulay itim na relong nakasabit sa itaas ng pinto na papasok sa maliit na kusina ay nakita niyang halos mag-alas nuebe na ng gabi.Isang bungalow house na nasa labas ng Manila ang pinagdalhan sa kanya ni Cougar. Hindi iyon tago pero hindi rin gaanong matao. Dito daw muna siya pansamantala habang may inaayos ito. Babalikan daw siya ng kaibigan niya pagkalipas ng tatlong araw. Bago ito umalis ay siniguro muna ni Cougar na may sapat siyang suplay na pagkain at iba pang mga kailangan para sa loob ng tatlong araw. Nag-take out na rin sila ng hapunan kanina sa nadaanan nilang fast food restaurant. Binilinan din siya nito na huwag lumabas kapag hindi kailangan at huwag basta-basta magbubukas ng pinto kapag may kumakatok. Tawagan din daw niya kaagad ito kapag may nangyari o emergency.Napahugot ng buntong-hininga si Trevan. Ngayon pa lang ay namimiss na niya ang mga babies niya. And w
Sa isang kilalang club sa kahabaan ng Malate ay naroroon ang isang kilalang negosyanteng intsik na si Mr. Teng. He owns a hotel chains in the country and some resorts. He is well-known in business industries at marami rin siyang charity foundation na tinutulungan. Kilala siya ng lahat bilang isang pilantropo at matulunging negosyante.But that was what everyone knew dahil ang totoo ay isa si Mr. Teng sa mahigpit na karibal ng Octagon and Lion Guerrero doesn't want him to live anymore.Behind his handsome and smiling face is a devil. Behind those laughs is an evil plan. Magaling siyang magpanggap. Magaling umarte at magaling magtago ng totoong katauhan. Akala ng lahat ay tumutulong siya ngunit sa bawat perang lumalabas sa bulsa niya ay triple ang balik sa kanya."Mr. Teng, bukas na ang dating ng shipment ng mga order nating karne mula sa kausap nating supplier sa ibang bansa." turan ng isa mga lalaking kasama niya sa loob ng VIP room sa club na iyon.Ang sinasabi nito ay ang mga karne n
"WHO'S WITH YOU?" "Bob," walang anumang sagot ni Adrielle kay Reaper. Tinawagan niya ito kagabi para sabihing ihanda nito ang ilang mga kailangan niya dahil luluwas siya ng Manila. Nang malaman nito iyon ay kaagad nitong sinabi na magkita sila.Nagsalubong naman ang mga kilay ni Reaper. "Why is he with you?" bakas ang pagka-disgusto sa tinig tanong niya kay Adrielle. Lumingon si Reaper sa isang bahagi ng Manila Bay kung saan naroon nakatayo si Bob. Umigting ang kanyang mga panga at kumuyom ang mga palad bago niya ibinalik ang pansin nang magsalita si Adrielle."Bodyguard ko siya, malamang ay kasama ko siya kahit saan ako magpunta," naka-irap na tugon ni Adrielle sa kaibigang kakaiba ang ikinikilos. "Parang ikaw, kung nasaan si Russ ay naroon ka rin naman, hindi ba?" aniya pang sinabayan ng paghalukipkip. Head bodyguard ni Russet si Reaper at sa kasalukuyan ay nasa Maynila ang kapatid niya dahil may ipinapagawa rin dito ang Daddy nila."But—""Let us not talk about Bob, Reap," putol
BAGOT na tumayo nang tuwid si Cougar mula sa pagkakasandal sa bintana ng sasakyang dala nila ni Adrielle. Tinapunan niya ng tingin si Adrielle na nasa kalayuan kasama si Reaper. Sa pagkakaalam niya ay kababata at matalik na kaibigan ito ng babae. Bahagyang naningkit ang kanyang mga Mata habang palihim itong pinagmamasdan. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito at ng head bodyguard ni Russet.Papunta sana sila sa Recto kung saan nakatira ang Ninang nito pero nagpadaan muna ito sa Manila Bay dahil may usapan daw ito at si Reaper na magkita roon.Mahigit dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nang pagtangkaan nito ang buhay ni Trevan. At isang palaisipan sa kanya kung bakit hindi nito itinuloy ang balak. Basta ang sabi daw nito sa kaibigan niya ay ipagpasalamat daw ni Trevan ang ikalawang buhay sa kapatid nito. Sino sa pitong mga kapatid nito ang tinutukoy nito at bakit?Mabuti na lang at naisipan niyang bumalik sa bahay na pinagdalhan niya kay Trevan dahil naiwanan niya roon ang
WALANG KIBONG bumabas ng sasakyan si Adrielle nang tuluyan silang makarating sa Recto Avenue sa Manila. Hindi na rin niya hinintay na ipagbukas pa siya ni Bob ng sasakyan. Sinuklay niya ng kanyang mga daliri ang nakalugay niyang buhok bago siya tumingala sa signage na nakalagay sa itaas ng club.DAZZLING SWANSumilay ang tipid na ngiti mula sa sulok ng kanyang mga labi nang mabasa niya ang mga letrang nakasulat doon. Ah, matagal na panahon na rin simula nang huli niyang makita ang club na pag-aari ng Ninang Beverly niya. Malaki na ang ipinagbago ng dating maliit lamang na bahay-aliwan. Ang dating luma at tatlong palapag na gusaling katabi ng Dazzling Swan ay wala na roon. Na-extend ang club hanggang sa dating gusali at mayroon na ring parking space sa gilid. Inikot niya sa paligid ang kanyang paningin at muli siyang binalot ng lungkot lalo na nang mapatingin siya sa bahay ni Mang Estong kung saan mayroong maliit na tindahan sa harapan. Tandang-tanda niya pa na paborito nilang dalawa
ALAS SAIS pa lang ng umaga ay gising na si Cougar. Makikipagkita kasi siya kay General Gallego at nabanggit na rin niya kay Adrielle kagabi na may pupuntahan siya ngayong umaga. Pumayag naman ang babae kaya pagsapit ng alas siyete ay nakagayak na siya. Nine o'clock ang usapan nila ng dating deputy director na magkita sa isang restaurant sa Quezon City at nagpasya siyang magcommute na lang. Alam niyang maraming galamay ang mga Guerrero sa Manila kaya ayaw niyang makipagsapalaran. Tiyak niyang may ilan sa mga ito ay kilala ang sasakyan ni Adrielle.Mula sa Recto ay sumakay si Cougar sa isang taxi cab patungo sa Quezon City kung saan sila magkikita ni Genera Gallego. Hindi naman gaanong matraffic palibhasa weekdays bukod pa sa paunti-unti na ring umaayos ang problema sa traffic sa lungsod. Bago sumapit ang alas nuebe ay naroon na siya sa restaurant pero napa-iling na lang si Cougar nang makitang naghihintay na sa kanya ang dating deputy director. Kagaya nang una silang magkita noon sa Ca
KAAGAD na napuno ang ilong ni Adrielle ng mabangong amoy ng paborito niyang noodle soup nang magkasunod silang pumasok ni Cougar sa hindi kalakihang kusina ng bahay ng Ninang niya. Wala pa ring ipinagbago ang bahay maliban sa nadagdag na maliit na terrace sa labas. Napalingon sa kanila ang babaeng kasama sa bahay ng Ninang niya at ni Tita Mabel. "Ay, nandiyan na po pala kayo," kaagad na turan nito bago humakbang patungo sa lagayan ng mga plato. "nainit ko na po 'yong dala ni Sir Bob. Kumain na po kayo. May sinangag rin po, pritong itlog, daing na pusit at bibingka. Ang sabi po kasi ni Tita Mabel ay paborito n'yo raw po ang mga iyon." bahagyang nakangiti na turan nito habang abala sa paglalagay ng dalawang plato at mga kubyertos.Nangislap ang mga mata ni Adrielle dahil sa kanyang narinig. Ang suwerte niya talaga sa kanyang Ninang at Tita Mabel. Mahigit isang dekada siyang nawala sa tabi ng mga ito pero hindi pa rin nila nakakalimutan ang mga paborito niyang pagkain.Mabilis namang i
AMUSED na tiningnan ni Cougar si Adrielle na kasabay niyang naglalakad sa bahaging iyon ng Recto. Dahil nga wala itong dalang damit na pamalit sa suot nito kahapon ay ang extra shirt niya ang ginamit nito. Ugali na niyang magbaon ng extrang damit tuwing umaalis kaya may naipagamit siya kay Adrielle. Hindi siya makapaniwalang hindi nito nakalimutan ang baril nito pero ang sariling damit ay nawaglit sa isip. Kakaiba talaga ito sa lahat ng mga babaeng nakilala niya. Kahit ang ex-girlfriend niyang si Trixia ay palaging may baong damit kahit hindi naman malayo ang pupuntahan. In case daw na may mangyari ay mayroon itong magagamit. Matangkad siya rito bukod pa sa may kalakihan din ang katawan niya kaya nagmukha iyong loose-shirt sa babae. Nakahiram din ito kay Shane ng tsinelas na hindi pa nasusuot ni Tita Mabel samantalang ang may kahabaan nitong buhok ay hinayaan lang nitong nakabagsak at malayang nililipad ng hangin. Medyo kulot iyon kaya nakaka-aliw na pagmasdan at parang ang sarap pa