Share

FEAR

Halos isang oras na rin siguro ang nakakalipas simula nang umalis si Cougar. Nang tingnan ni Trevan ang oras sa kulay itim na relong nakasabit sa itaas ng pinto na papasok sa maliit na kusina ay nakita niyang halos mag-alas nuebe na ng gabi.

Isang bungalow house na nasa labas ng Manila ang pinagdalhan sa kanya ni Cougar. Hindi iyon tago pero hindi rin gaanong matao. Dito daw muna siya pansamantala habang may inaayos ito. Babalikan daw siya ng kaibigan niya pagkalipas ng tatlong araw. Bago ito umalis ay siniguro muna ni Cougar na may sapat siyang suplay na pagkain at iba pang mga kailangan para sa loob ng tatlong araw. Nag-take out na rin sila ng hapunan kanina sa nadaanan nilang fast food restaurant. Binilinan din siya nito na huwag lumabas kapag hindi kailangan at huwag basta-basta magbubukas ng pinto kapag may kumakatok. Tawagan din daw niya kaagad ito kapag may nangyari o emergency.

Napahugot ng buntong-hininga si Trevan. Ngayon pa lang ay namimiss na niya ang mga babies niya. And w
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status