1k FOLLOWERS đ
[Letlet]"Ito, Letlet, tikman mo." Nilagyan ni Gian ng isang malaking alimango ang plato niya."Salamat, Gian." Nakangiting sambit niya."Mas masarap 'to, Letlet." Naglagay naman si Lucian ng malaking pusit sa plato niya."Salamat, Kuya Lucian." Aniya rin rito ng nakangiti.Nang susubo na siya ng kanin ay naglagay na naman si Gian ng malaking sugpo sa plato niya, at hindi naman nagpatalo si Lucian, naglagay din ito ng mas malaking sugpo sa kanyang plato.Bakit parang nagpapaligsahan ang mga 'to? O akala lang niya 'yon?Binuhusan niya ng sabaw ng ginataang lamang dagat ang kanin niya, at saka sumubo ng kanin-tumingin siya sa hipon na hawak ni Lucian na nasa harapan niya."Binalatan ko na para sa'yo, Letlet." Ngumanga siya at isinubo ang hipon."S-Salamat, Kuya Lucian." Nasabi nalang niya. Ano ba ang ginagawa nito? Paano kung makahalata si Gian? "Ito rin, Letlet, binalatan ko na para sa'yo." Tumingin siya sa kamay ni Gian na may hawak ding hipon at gustong isubo sa kanya.Nang tumingin
[Letlet]"Letlet, naman! Ang sabi mo sa akin ay dadalo ka!" Kandahaba ang nguso ni Birang.Narito sila sa kwarto niya at kumakain ng nilagang mani."Wala nga akong maisusuot." Matamlay siyang tumingin rito. "Bakit kasi ang liit ng dibdib mo, hindi tuloy ako makahiram sa'yo ng bestidaâ" Binato siya ng mani ni Birang at pinandilatan siya ng mata."Kasalanan ko ba na ang laki ng dibdib mo?" Umirap ito at saka tumingin sa hinaharap. Napasimangot ito. "Bakit nga ba wala akong dibdib?" Akala niya ay makakasayaw niya si Lucian sa unang pagkakataon, pero hindi pala.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.Nakaalis na si birang, at heto siya, nananamlay na nakahiga sa papag. Tinatamad na tumayo siya ng makarinig ng katok. Si Gian."Para nga pala sa'yo, Letlet." Tumingin siya sa malaking kahon na hawak nito, maging sa paanan nito ay may may dalawang kahon pa. "Pumili ka ng susuotin mo d'yan para bukas." "Teka, wag mong sabihinâ" Umawang ang labi niya sa sobrang tuwa. Ipinasok
[Letlet]Nagmamadali ang bawat hakbang niya habang tinatahak ang daan papunta sa kweba. Dahi huminto na si Birang sa pag-iimbestiga kung sino ang babae ni Lucian ay may panahon na ulit silang magkita ng pinsan niya.At dito nga sila nagkikita sa kweba.Tatlong linggo na silang nagkikita ni Lucian rito sa kweba tuwing gabi. Katulad ng nakaraan ay nagpapakalunod sila sa kandungan ng isa't isa.Pagpasok niya sa kweba ay nilabas niya sa bulsa ang kwintas na gawa sa perlas. Ginawa niya talaga 'to para kay Lucian. Palagi nalang kasi ito ang nagbibigay sa kanilang dalawa.Inabot na siya ng dalawang oras sa paghihintay pero hindi pa rin dumating si Lucian.Nakapagtataka.Kapag kasi magkikita sila ay agad na sumusunod 'to. Kinuha niya ang gasera at tinahak ang daan palabas ng kweba. Pagpatay niya ng gasera ay siya namang takip ng kung sino sa kanyang bibig.Nanlamig ang katawan niya sa takot!Gustuhin man n'yang sumigaw ay hindi niya magawa, hindi rin niya magawa na kalmutin 'to dahil walang ka
[Letlet]'Paano kapag nalaman mong niloloko ka lang ng taong mahal mo?'Hindi mawala ang sinabi ni Gian sa isip niya. Ano ba ang ibig nitong sabihin? Masasagot ba talaga ang tanong niya kapag pumunta siya mamaya sa hardin?Bumuntong-hininga siya at tinuon ang ginagawa sa paglalaba. Lumingon-lingon siya sa paligid para tingnan kung may tao ba o wala. Nang makitang walang ibang tao ay itinaas niya ang salawal ni Lucian at inamoy.Labahan na pero ang bango pa rin! Lalaking-lalaki ang amoy at nakakahalina!"Ano ang ginagawa mo?""Ay tsokoy!" Sa gulat ay naihagis niya ang salawal ni Lucian. "Ano ba, Birang?! Bakit ba nanggugulat ka?!" Nakairap na ani niya.Namewang si Birang. "Hindi ako nanggugulat, no! Sadyang abala ka lang sa pagsinghot ng kung ano d'yan." Naningkit ang mata ni Birang. "Ano nga pala ang sinisinghot mo? Damit ni Gian?"Nanlaki ang mata niya ng makitang inanod ng agos ng tubig ang salawal ni Lucian. Mabilis na tumayo siya at hinabol ang salawal na inanod ng agos."H-Hindi!
[Letlet]"K-Kung hindi ikaw si Kuya Lucian... S-Sino ka?" Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang luha."Letlet..." Tanging sambit ng binata."Hindi naman totoo ang narinig ko, di'ba? Hindi mo kami niloloko ni Lola Asun. Di'ba?" Pero imbis sagutin ang kanyang tanong ay puno ng paghingi ng tawad ang mga tingin nito."Patawarin mo ako, Letletâ"Hindi na niya hinintay ang iba pang sasabihin nito. Umalis siya na punong-puno ng luha ang mga mata.Niloko sila ni Lucianâoo nga pala, hindi 'to ang pinsan niya, kundi ibang tao 'to. Hindi siya makapaniwala na ang taong minahal niya ay niloloko na pala siya ng matagal."Letletâ"Isang sampal ang pinadapo niya sa mukha nito ng hawakan nito sa braso. Hinagis din niya sa mukha nito ang mga supot ng breyp na dala niya."Ano pa ang sasabihin mo? Narinig ko na ang lahat!" Umiiyak suminghot niya. "Sa tingin mo ba ay patatawarin ka ni Lola dahil sa pagpapanggap mo?" Mas lalong lumakas ang kanyang pag iyak ng yakapin siya nito."Niloko mo kami.
[Letlet]Bakit ba palagi nalang dito sa bahay nila ang bagsakan ng mga imported? No'ng una si Lance, tapos dumating sina Mang Garry at Gian, tapos ngayon naman ang babaeng 'to?Tumingin siya sa babaeng katabi ni Gian na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Simula kahapon ay hindi na nabago ang tingin nito sa kanyaâeh, kung tusukin niya kaya ang mata nito?Pasalamat ang babaeng 'to at maganda ang araw niya simula kahapon dahil nalaman niya na mahal naman pala talaga siya ni Lance.Pagkatapos nilang ihatid si Birang kahapon sa bahay nito ay hinintay nila ang paggising nito at kinausap at inamin ang tungkol sa kanilaâayon hanggang ngayon ay tulala pa rin.Nagdesisyon din sila na huwag munang ipaalam sa ibang taga-isla ang tungkol sa kanila. Mas mabuti na si Lola Asun muna ang sunod na makaalam para ito na ang magpaliwanag sa lahat."My God! Ang sama naman ng lasa nito!" Reklamo ni Chloe na kinalukot ng kanyang mukha.Tumingin siya kay Lance na nasa tabi niya. Nakangiti na binaba nito ang
[Someone]NAGPUPUYOS sa galit si Chloe. Halos lahat ng kanyang mahawakan ay tinatapon niya. "Stop it, Chloe." Mariing sita ni Gian sa dalaga."No!" Malakas na tili nito. "I would never accept it! Never!" Napupuno ng galit, sakit, at inggit ang puso niya. Hindi siya makapaniwala na inalok ng kasal ni Lance si Letlet.Si Lance Kerford na hindi naniniwala sa kasal ay nagpropose sa isang ignorante at mangmang na babaeng 'yon!"That's why narito ka, Chloe. I called you because I knew that we have the same situation." Lumapit si Gian kay Chloe, with a evilly smile in his face. "Kapag nagawa mong mapaghiwalay sina Lance at Letlet, pareho tayong makikinabang." Pinahid ni Chloe ang luha at tiningnan ng masama si Gian. "Ako lang ba ang kikilos? What about you? Saka ano ba ang nagustuhan niyo sa mangmang na babaeng-arrcchk." Hindi na nagawang magsalita pa ni Chloe bigla itong sakalin ni Gian.Nakaramdam ng takot ang dalaga sa kaharap. Ibang-iba si Gian sa harap ni Letlet. Tila isa itong maamong
INALIS ni Gian ang pang-itaas na saplot ni Letlet. Ang init na nararamdaman niya ay lalong nag-alab lalo pa't makikita na niya ang buong katawan ng dalaga. Subalit ng aalisin na niya ang suot na bra ni Letlet ay siya namang bukas ng pinto at dating ni Lance."Putâng ina!" Bulalas ni Lance. Tila nagdilim ang paligid ng makita niya na nakapatong si Gian sa katawan ng natutulog n'yang nobya.Isang suntok ang pinakawalan ni Lance sa mukha ni Gian. He's furious as hell! He wanted to kill him right now!Nagpambuno silang dalawa hanggang sa makarating sila sa labas. Panay naman ang sigaw ni Chloe habang humihingi ito ng tulong para awatin sila."PapataĂ˝in kitang puČĂ ng ina ka!" Lance was on top of Gian and was punching him in the face one after the other. He doesn't care if Gian died right after this! This bastard deserves it!Nanginginig ang katawan niya sa sobrang galit. Gusto n'ya itong patayin!"Tulong! Awayin niyo sila!" Takot na takot si Chloe habang nakatingin sa dalawang binataâlalo n