SALAMAT SA PAGBABASA ❤️💕
[Gian and Chloe]LAHAT ng nasa ibabaw ng mesa ay pinatatapon ni Gian. "Tanģ ina!" Sinipa niya ang anumang makita niya.Si Noli na inutusan n'yang kumuha ng mas marami pang impormasyon sa Pentagon Dark Association ay biglaan na lamang nawala na parang bula! Ngayon ay wala na siyang mata sa loob ng organisasyon.Talagang matitinik ang mga ito at nagawa agad na alisin ang espiya niya. Nagtaas-baba ang dibdib ng binata sa labis na galit. Kung hindi siya makakapasok sa organisasyon na 'yon ay walang katiyakan na makukuha niya si Letlet."Arghh! Putà talaga!" Nanghihina na napa-upo siya sa lapag."What happened-""Shut up, bitch!" Singhal ni Gian kay Chloe na kararating lang. "Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag kang magpapakita muna sa akin?!" Napa-atras si Chloe ng makita kung gaano kadilim ang mukha ni Gian. "Gusto ko lang naman malaman kung may plano ka na ba?" Bigla nalang ang pagtulo ng luha sa mata ng dalaga. "Si dad inatake sa puso dahil sa sama ng loob. My
[Letlet]TUMINGIN siya sa madilim na kalangitan. Napangiwi siya ng maramdaman ang malalaking patak ng ulan sa mukha. "Kainis naman!" Mabilis na tumakbo siya sa waiting shed para sumilong. Hindi pa naman siya nagdala ng payong kanina dahil maganda naman ang panahon. Tapos uulan pala.Pinanood niya ang mga pagdaan ng maraming sasakyan sa kalsada habang naghihintay ng pagtila ng ulan. Nang tumila ang ulan ay agad na sumakay siya ng dyip ng may dumaan. Halos bente minuto din ang inabot bago siya nakauwi sa inuupahan n'yang boarding house. Pagbukas niya ng pinto ng maliit n'yang kwarto ay agad na bumungad sa kanya ang kaibigan na si Birang na nangunguyakoy pa habang nanonood ng korean drama sa cellphone. Pagbukas kasi ng pinto ng kwarto ay bubungad agad ang double deck bed. Maliit lang kasi ang inuupahan niya. Pagpasok ay agad na bubungad ang higaan niya at maliit na mesa. Wala nga siyang upuan kaya sa sahig lang siya kumakain."Nandito ka na naman?" Paglapag ng bag ay kumuha siya ng damit
[Letlet]"Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa'yo?" Tanong ni Gian habang sumisimsim ng kape. Inaalok siya nito ng trabaho bilang assistant nito. Mas malaki daw ang sahod at ililipat din siya sa mas magandang apartment. "Ang totoo n'yan ay hindi pa ako makapagdesisyon ngayon. Pwede bang bigyan mo ba ako ng time?" Sa anim na buwan nila dito sa Maynila ni Birang ay medyo marunong na sila mag-english. Hindi naman gano'n kagaling- kaunting alam lang.Tumango-tango si Gian. "Just call me anytime sa oras na nagpasya ka na, hmm?" Nakangiting tumango siya rito."Naku, wag ka ng umasa na aalis si Letlet sa work niya." Naka-ismid na wika ni Birang. "Hindi aalis 'yan sa trabaho niya. Iyong inaalok nga ni Vicencio na trabaho sa kanya ay tinanggihan niya. Mas gusto niya kasi doon dahil wala siyang pasok tuwing sabado at linggo. Kaya mas marami siyang oras para hanapin si La-"Pinasakan niya ng karne ng baka ang bibig ni Birang. Kahit kailan talaga ay ang daldal nito.Natigilan siya ng hawakan
[Letlet]"HINDI ka pwedeng pumasok, Ma'am." Pigil ng guard sa kanya ng tangkain n'yang pumasok sa gusali na pag-aari ni Lance. "Ha? Bakit hindi pwede, manong guard? Eh, noong nakaraan lang ay galing ako dito?" Nagtatakang tanong niya. Ilang beses na siyang bumalik dito pero hindi naman siya pinagbabawalan pumasok.Kumamot sa ulo ang guard. "Pasensya na, Ma'am, sumusunod lang ako sa utos." Ani nito. Anim na gwardiya ang bantay kaya naman hindi talaga siya makapasok.Itatanong na sana niya kung sino ang nag-utos ng makita ang pagdating ng limang magkakasunod na sasakyan. Mayamaya pa ay may nagsidating ulit na iba pang mga sasakyan na agad n'yang nakilala.Mga reporters!Agad na binalot na nagsuot siya ng itim na face mask at sumbrero para itago ang mukha. Baka kasi makilala siya ng mga ito. Bumaba ang mga kalalakihan sakay ng apat na van. Lahat ay nakasuot ng kulay itim at naglalakihan ang katawan. Hinarangan ng mga ito ang mga reporters na nagpupumilit lumapit sa kulay pulang kotse.
[Lance]HE couldn't sleep. "Damn. Bakit gumugulo sa isip ko ang mukha ng babaeng 'yon?" Tinungga niya ang alak na nasa harapan. Narito siya ngayon sa isang ekslusibong bar habang umiinom. Gusto n'yang magpakalasing para makatulog siya. Simula kasi ng makita niya ang babaeng 'yon ay mas lalong naguluhan ang utak at puso niya.Lumalakas ang tibok ng puso niya sa tuwing nakikita niya ito."Fvck!" Nasabunutan niya ang buhok.May mali...Ang huli n'yang naaalala ay sumakay siya ng kanyang yatch--- that's all.Nang nagising siya ay nasa tabi na niya si Chloe at sinasabi ng dalaga na engaged na sila at ikakasal na dapat ang kaso ay na-aksidente siya. At first he thought that was a lie. Kilala niya ang sarili na hindi magpapatali at magmamahal, lalo na kung isa lang din sa mga fling niya ang babaeng 'yon. But everything changed when this fvcking dream came into his head every night.May mahal nga siyang babae- subalit hindi niya nakikita ang mukha nito. Then Chloe said that it was her. Lumin
[Letlet]DALAWANG araw na siyang nagta-trabaho dito at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita si Lance.Sa oras na malaman n'yang kaya hindi ito pumapasok ay dahil kasama nito si Chloe ay uubusin na talaga niya ang buhok ng bruhang 'yon!"Hoy, Letlet! Bitiwan mo nga ako!" Reklamo ni Birang. Napangiwi siya dahil nakasanunot pala siya sa buhok nito. "Bwisit ka! Balak mo bang ubusin ang buhok ko?!" Masama ang tingin sa kanya na sabi ni Birang."Hehe, sorry naman." Aniya.Narito din si Birang sa Kerford building kasama niya. Napapansin niya nitong mga nakaraan ay hindi na ito sumusunod kay Vicencio, na nakapagtataka.Agad na napatayo siya ng tuwid ng makita si Lance na naglalakad, katulad noon ay may mga bodyguards ito. Iniwan ko ang mop kay Birang. "Ikaw na muna ang maglinis dito!" Mabilis na tumakbo siya palapit dito. "Lance———este, Sweetheart Boss Lance!" Nalukot ang mukha nito ng makita siya. Nang lalapit sa kanya ang mga bodyguards nito para pigilan siya ay tinaas ni Lance a
[Letlet]"Dito sa Isla nagsimula tayong magmahalan, Lance." Agad n'yang sabi kay Lance ng makarating sila ng Isla gamit ang private yatch nito.Dalawang linggo na simula ng alukin niya ng date si Lance para tulungan itong bumalik ang alaala nito. Si Chloe ay ipakukulong sana ni Lance dahil sa panloloko dito, pero nakiusap siya kay Lance na huwag nalang dahil nakakaawa naman.Katulad niya ay nagmahal lang naman ito. "Dito tayo nagkakilala? You mean nagpunta ako sa Islang ito?" "A-Ah... kasi... basta malalaman mo rin ang dahilan kapag bumalik na ang alaala mo." Gusto man n'yang sabihin kay Lance ngayon ay hindi niya magawa.Mas mabuti na maalala nalang nito ang tungkol sa bagay na 'yon. Nangako naman ito sa kanya na makikinig ito sa paliwanag niya sa oras na bumalik ang alaala nito. Iyon ang mahalaga...Tumingin siya sa kamay niya na kinuha ni Lance.Iniwas ni Lance ang mukha na tila nahihiya. "G-Gusto ko lang hawakan ang kamay mo. P-Pakiramdam ko kasi ay palagi ko itong ginagawa sa'yo
[Letlet]Nanlalabo ang mata niya sa luha na walang patid sa pag-agos. Hindi na daw siya mahal ni Lance...Magkakasunod na busina ang kanyang narinig subalit hindi niya iyon pinansin."Ano ba?! Magpapakamatay ka ba?!" Galit na sigaw ng isang driver ng kotse ng tumawid siya kahit naka-go signal pa ang signal light sa kalsada.Sunod-sunod na mura pa ang kanyang natanggap mula sa iba pang driver pero wala siyang pakialam at patuloy lang sa paglakad sa gitna habang umiiyak. Umupo siya sa gitna at napahagulhol ng iyak. Wala siyang lakas para humakbang pa. Parang gusto na lamang niya mamatay ngayon. Ano pa ang silbi ng buhay niya ngayong hindi na siya mahal ni Lance?"Fvck! Magpapakamatay ka ba, ha?!" Naramdaman niya ang pag-angat ng kanyang katawan sa ere. "H-Hindi na niya ako mahal, Gian... Ang sabi niya hindi na daw niya ako mahal..." Sumusigok na wika niya habang patuloy sa pagluha.Pinasok siya ni Gian sa kotse nito. "Ano naman kung hindi ka na niya mahal? Dahilan ba 'yon para magpakam