Share

Pang-apat

Kumikinang ng madaming stars ang mga mata ko sa titulong aking hawak.

Ang Transfer of Title ng Las Isla Delilah! Naroroon ang pangalan ko at lahat ng papers ay nasa akin na! Halos sumayaw na ko sa tuwa at habang niyayakap ko ang aking sarili.

“Do you love my surprise?”

Isang maamong tiger ang lumingkis sa aking likuran at niyakap ako mula roon. My eyes and heart smiled widely sa laking tuwang natatanggap ko ngayong kagigising ko pa lamang.

Nilingon ko siya and I saw his eyes are firing with hearts at alam kong kagaya ko ay lubos ang saya sa aking nakikita.

“Yes! Definitely! Super! Love, thank you!”

“So, what’s your final decision then?”

Natulala ako sa sunod sunod na tanong niya. Kahapon ay sinamahan ko siyang mag-ribbon cutting ng kaniyang bagong business na Burnout Red sa Tondo. Doon na niya nakwentong gusto niya akong dalhin papuntang Japan. Pero kagabi pa lang namin napag-usapan iyon ah at hindi pa ako pumapayag!

Hinalikan lamang niya ako sa pisngi at saka ako tinawanan. Iniwan niya agad ako sa aking kinatatayuan at nagtungo kay manang na naghatid ng aming breakfast. May ibinulong siya roon at agad na tumalima at umalis si Manang.

“Boxing tournament and Japan, right?”, pagpapaalala niya sa akin. “Gusto mo ba magshopping na din tayo?”

“That fast? Nabook mo na?”

Mabilis na tanong ko na ikinalaki ng ngiti niya. Hinalikan niya lamang akong muli saka ipinatong ang breakfast table na may nalahandang pagkain na namin.

“Yes. Aalis na tayo mamaya. Na-pack ko na rin mga gamit mo. Bibili na lang tayo roon ng kulang.

“What? Ang bilis! Hindi pa ako pumapayag.”

Pag-aangal ko na ikinangiti niya lalo. Kinuha na nito ang cellphone niya saka ipinakita ang usapan nila ni Ben na siyang nag-apprubara ng pag-alis ko.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang huli kong makausap si Ben patungkol sa investment ni Mike at isang linggo na ring nakakalipas nang makarating kami rito sa Japan.

Naalala ko pa nung unang apak ko rito dahil sobrang lamig na talaga at hindi na kinakaya ng jacket ko. Kaya naman minadali na ni Mike ang pagbili ng winter jackets ko at ibang kailangan gaya ng mga pagkain at iba pang gamit namin rito sa binili niyang bahay.

“Magkano bili mo rito?”

Sa ilang beses na may nangyayari sa Amin ay iyan na siguro ang nakakalokang tanong ko. Bakit ba mas nagiging kampante na ko sa kaniya at hindi na ako nahihiya?

“Mura Lang. Mas mahal ka.” Kumindat pa ang loko at pabirong natawa. Nakakainis kaya sinamaan ko lamang siya nang tingin habang busy sa paglamutak sa mga nakahandang pagkain.

Maaga siyang nagising kanina para magluto ng breakfast namin ngunit paggising ko ay tapos na siya kumain at ngayon ay aalis na siya dahil may meeting pa sila ng kasosyo niya sa isa sa mga businesses niya rito sa Japan. Sa sobrang yaman niya ay hindi ko na kinakaya. Akala pa nga ay gagabihin na siya makakauwi mamaya pero sisikapin raw niyang makauwi ng maaga.

“Iiwan mo ko rito? Di mo ko isasama?”

Ewan ko pero natutuwa na Kong magpabebe sa kaniya. Kung ganito ba naman kayaman, why not hindi ba? Besides nasa akin na ang Las Isla Delilah ang Isa sa mga pinakamamahal kong Isla. What more kaya kung bigyan din niya ko ng sarili kong business rito diba? Whoops!

“Uuwi ako mamaya. Marami pa tayong gagawin diba?”

Hinalikan na lamang niya ako at ganoon rin ang ginawa ko. Halos maulit na ang nangyari sa amin kagabi sa sobrang pagkamiss namin sa labi ng isa't – isa. Bago it nagpaalam ay ibinilin na niya ako sa mga kasmbahay niya rito. Sa gulat ko ay napatalon ako sa gulat nang magsilaputan ang mga iyo sa akin bago makalabas ng bahay si Mike.

May mga kasambahay pero siya ang nagluto?

Ngumiti lamang ako ng palihim habang pinagmamasdan ako ng mga ito sa aking tabi. Tinanong nila ako kung anong kailangan ko ngunit sinabi ko na lamang na sabihan na lamang nila ako pag nakauwi na ang asawa ko.

Totoo naman hindi ba? Asawa ko na si Mike at sa akin na lamang siya.

Hinanap ko agad ang aking cellphone at nakita ko iyon sa may tabi ng aking maliit na channel bag. Tinawagan ko agad si Ben at ibinalita ang mga nangyari sa akin.

“Seriously? So anong plano mo?”

“Edi itutuloy ko na ito. Maraming isla pa ang kailangan kong bawiin mula sa mga pinagbentahan ko. Kapag bumalik na sa akin ulit ang mga iyon ay ititigil ko na ang ugnayan ko kay Mike.”

Sunod – sunod kong sabi ngunit sa loob loob ko ay alam kong nagugustuhan ko na ang mga nangyayari sa Amin ni Mike ngunit may kasunduan kami at kailangang iyon ang mangyari. Besides mas imprtante iyon kesa rito.

“Pano yun edi papabuntis ka nga?”, nag-aalala nitong tanong. Isa na si Ben sa mga nakakalaam sa nakaraan namin ni Mike kaya sigurado akong alam niyang may nararamdaman pa din ako sa kaniya.

“Oo, iyon ang napagkasunduan diba? Basta ang akin lang, maisalba ko ang kompanya, mabawi ang mga nalugi at maging maayos na ang lahat. Susubukan ko muna siyang pilitin na ipagpaliban iyon dahil aakitin ko muna siya para ibigay na niya lahat ng gusto ko.”

Mabilis lamang ang pag-uusap namin ni Ben at wala nang naging kasunod yon. Buong araw ko namang hawak ang cellphone ko at inaabangan ang pagdating ni Mike na mabilis na pumasok agad sa kwarto namin.

“Lovee!!!! “

Mabibilis na halik ang bumungad sa akin. Alas syete pa lamang ng gabi ay umuwi na agad ito. Binuhat niya ako agad at pumasa ere na ang hawak kong cellphone na siyang nagpangiti sa kaniya. Ang kaniyang panlalaking pabango ang sumakop sa aking pagkatao. Nakakaadik ang amoy niyang iyon.

“Wait. Hmmm. Love!”

Naputol agad ang halikan namin na siyang ikinasimangot niya.

"Di ka pa kumain. Kumain ka muna."

“Push. Kaya nga kakain pa lang ngayon. Tapos na ko sa work. Tayo naman!”

Ngumiti agad ako sa narinig. Mukhang mala-late na naman akong magigising bukas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status