Share

Pang lima

“Sakura ang tawag sa mga iyan.”

Ngumiti siya sa akin habang ang mga mata nito ay nakatuon sa bulaklak na inilalagay niya sa aking tenga.

Tinignan ko agad ang aking sariling repleksiyon sa aking cellphone, bagay na bagay ang bulaklak sa aking bagsak at kulot na buhok.

Panahon ngayon ng Sakura kaya dagsa ang maraming tao rito sa Sakura Park kung saan maraming mga nakatanim na sakura at lahat ay hirik na sa pink na bulaklak. Karamihan sa mga turistang naririto ay galing pa sa ibang bansa. Kahit umaga pa lamang ay puno na ang pila at kailangan talagang mag-antay ng ilang oras para makapunta sa susunod na tagpuan.

Halos dalawang araw lamang ang business meeting niya rito sa Japan ngunit umabot na kami ng dalawang linggo rito ay hindi pa din kami umuuwi.

Halos pamamasyal ang laging ginagawa namin at hindi ko rin akalaing matutuwa ako sa mga pasikretong paandar niya.

Nang dumating na ang maliit na shuttle na aming sasakyan ay iginaya niya ako papasok sa loob. Maliit lamang iyon na dalawa o tatlo ang kayang ilulan.

“Saan tayo pupunta?’, ngumuso ako habang pilit na hinuhuli ang mga mata niya. Kakaiba ang mga mata niya ngayong araw at hindi ko din mabasa kung anong pinaplano niya. Iiwan niya ba ko rito saka siya uuwi na ng Pilipinas?

Hindi naman siguro. I never been in Japan before dahil for me , Japan is for couples only. Pero does it mean, we're couples? For real?

“We'll see.” Tipid niyang sabi saka ako hinalikan sa labi.

Habang umaandar ang shuttle ay hindi ko mapigilang yumakap sa mga braso niya habang tinititigan ang mga puno sa baba. Ang shuttle ay tatawid galing sa bundok kung saan kami nanggaling papunta sa pangatlong bundok. Doon daw ang venue na susunod naming pupuntahan according sa ticket na aming binayaran.

Balot na balot ako sa tatlong jacket kong suot ngunit parang walang talab ang mga iyon. Hindi naman niya mapigilang tumawa habang pinapanood ako.

“Nilalamig ka pa niyan?”

Tinignan niya ko ng nakakalokong tingin at doon ko napagtantong, mahigpit na mahigpit akong nakayakap sa katawan niya.

Paano ba naman ay natatakot talaga ako. Sa taas ba namang 3,000 ft ay nakakalula talaga, feeling ko nga ay masusuka na ako.

"Natatakot ako."

"Ah kaya pala. Halika nga rito."

Umirap agad ako sa kawalan nang ibalik nito ang yakap sa akin. Pinilit kong pigilan ang aking kilig lalo nang bigyan niya ko ng halik sa noo. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang kanyang yakap hanggang sa makarating kami.

"Nakakainis!"

Ngumuso agad ako sabay hawak sa magkabila kong pisngi. Ang lamig lamig kanina mula sa shuttle pero ngayon, feeling ko tuloy ang init init!

Mula a malayo ay tinignan kong muli si Mike. Sumulyap pa ito sa akin saka sumenyas na mag-antay ako saglit. Sabagay madaming bumibili at nakapila pa siya.

Nang di na siya nakatingin ay inilabas ko agad ang aking cellphone. I need updates! Kailangan ko na palang makausap si Ben. Matagal na din simula noong huli kong usap sa kaniya.

Buti na lamang ay may signal rito sa waiting area kung saan kami binaba nung shuttle.

"Hi ! Where are you? I think, you need to go home na. Dumating kanina mula U.S ang kapatid mong si Chloe."

What? Anong gagawin niya rito? Umirap ako sa kawalan at saka siya sinagot. Hindi ganitong update ang gusto kong marinig sa mga oras na ito.

"What is she doing here? What does she need? She's not my real sister tho, anak lamang siya sa labas."

Mula sa kabilang linya ay napatigil si Ben sa kaniyang susunod na sasabihin. Napapaisip. Kalaunan ay sinabi niya pa rin ito.

"She's asking for his inheretance."

"What?!"

Sa bigla ko ay napalakas ang aking boses. Napatingin agad ang ilan sa aking biglaang pagtayo at pagsigaw. Halos pati sila at natigil sa kanilang masasayang pagtawa. Humingi agad ako ng paumanhin at nagpasalamat sa dalawang babaeng lumapit para magtanong.

Ang kapal ng mukha niyang manghingi ng mana pagkatapos niyang waldasin at traydorin si Papa. And also me!

Nakuha agad ng atensyon ko si Mike. Pinagmasdan ko siyang nagallakad pabalik at papunta sa akin habang hawak ang tatlong spicy ice cream.

"I'll talk to you later." Walang buhay kong sabi saka ibinaba na ang telepono.

Nagbago agad ang ekspresyon niya nang mapansin ang reaksyon ng aking mga mukha. Nagmadali itong naglakad papalapit sa akin.

"What happened love?"

Hinuli agad niya ang mga mata ko saka ako mabilis na hinalikan sa labi. Pinakatitigan niya ulit ako habang hinahanap ang mga sagot sa mga mata ko.

Naririto kami ngayon sa Mt. Fuji at the best ang view rito ngunit hindi ko na maibalik ang masayang reaksyon ko pagkatapos kong malamang bumalik na ang taong kinamumuhian ko at ngayon ay kaagaw ko na sa mga Isla.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status