Share

Hired by the CEO
Hired by the CEO
Author: Writer_of_yourstory

Prologue

TARGET UNLOCK!

Ang kanina'y busangot kong mukha ay unti-unting napalitan ng malaking ngisi at galak habang paulit-ulit na binabasa ang sulat na mula sa aking target.

Ngumuso akong muli at tinapos ang naudlot kong pag-lilipstick. Masaya kong pinatungan ng red matte lipstick ang natural na redish kong lips.

I never knew this will be easy!

I bet he’s still in love with me! I knew it!

Pinakatitgan kong muli ang sarili ko sa salamin. Heart shape face, white complexion, eyebrows on fleek at matangos na ilong. Everything is perfect! Bagay na bagay talaga sa aking maputing kompleksyon ang pulang kulay. Ang bawat paggalaw ng labi ko ay nagpapahiwatig ng matinding galak na hindi ko kailanman inaasahan. Inilagay ko agad ang sulat sa aking bag at muling naglakad lakad habang tinitignan ang buong outfit ko sa salamin.

What a good news to celebrate!

Hindi ako makapaniwalang sa isang sulat ko lang ay tutugon na agad ang ex boyfriend kong matagal ko nang di nakakausap. Sabagay, boys are boys!

“Ma'am, ano na pong sabi? Did he reject the offer?”

Magkasalubong na kilay agad ang iginawad ko sa lalaking nasa harapan ko.

He's Benedict, my most loyal secretary. I mean PERSONAL secretary. He’s been working here for a year or more than? Sabay lamang kaming grumaduate ng college noon since parehas naman kami ng university na pinasukan. Ipinakilala siya sa akin dati ng kaklase ko noong high school days. Matunog ang pangalan niya lalo sa field niyang investigator. But thankfully, pumayag siyang magtrabaho sa akin. An investigator slash secretary to be exact. A total package.

“Of course not! Ako pa ba?”, bulalas ko agad na malaki pa ang ngiti na siyang ikinagulat niya. Sa sobrang saya ko ay halos gusto ko nang tumalon sa aking kinatatayuan. Finally, mababawi ko na din ang mga nawala sa akin. Abot kamay ko na. Malapit na Tash!

Pero kailangan kong pagplanuhan ang mga dapat kong gawin. I need more convincing powers. I need Mike here. I need his billions.

“Gusto niyang makipag-usap sa akin. Alam mo na kung ano ang gagawin diba?”

Pagtaas ng kilay ko ay tumango lamang siya. Hindi maitago sa mga mata ni Ben ang isang bagay na kanina pa niya sinasabi sa akin.

Mike Doncic is a very dangerous man to play with. But I’m more than dangerous! Ngayon pa nga lang na sa isang sulat ko ay kumagat na ang loko. Paano pa kaya pag inakit ko na siya?

We have been for twenty years sa aming business. We are always on top pero hindi namin inakalang mangyayari ito sa amin. May family's business at pati na din ang aking naipundar na resorts business ay biglaang nalugi nang di namin namamalayan. At first, ang alam lang namin ay nanakawan kami. Next thing, bigla kaming nawalan ng half of our investors.

They all surprisingly pulled out of their stocks sa company na siyang ikinaiinis ko. Next thing, sira na kami sa publiko. May malaking utang na sa investors. My family is in madness and devastated dahil di na alam kung paano kami makakabayad sa utang at makakabawi sa net losses namin. Pati na din ang imahe ni Dad bilang politician ay nadamay na din.

Simula noon ay naibenta ko na ang ibang Islang pagmamay-ari namin. Naibenta ko na din ang Las Islas Trespanse, ito ang isa sa pinakamalaking resorts namin. Sobrang nanlumo na ko dahil nawala na nga ito ay madami pa ding nakaabang na utang ang aming pamilya. Kung hindi lang sana nagback out ang mga shareholders ng aming kompanya ay hindi ko sana iyan mabebenta. And worst, nabenta ko na din ang Isla de Delilah na siyang pinamana sa akin ng aking Lolo.

Kaya naman nang nalaman kong dumating mula Europa si Mike ay naisipan ko agad na humingi ng tulong sa kaniya. I mean, he's rich not just rich! He's a bachelor billionaire! He’s the most popular businessman in leasing industry. Always on top sa magazines. Even modeling ay pinasok na niya at nitong nakaraang araw ay nasa musuem exhibit siya. I bet nagplaplano na siyang mag-invest doon. Sa sobrang dami ng pera niya ay hindi naman na siguro ganoon kalaking bagay ang hinihingi ko diba?

I sighed. I need to convince him.

Tumunog agad ang aking telepono saka ako muling tumingin sa aking repleksiyon sa salamin. Mula doon ay nakita kong bumukas ang white glass door ng aking opisina at iniluwa roon ang dalawa kong bodyguards na pormadong pormado sa black attires nila.

“Ms. Tash, handa na po ang sasakyan.”

Ngumiti agad sila sa akin saka inilahad sa aking palad ang isang white brown envelope. Kinuha ko iyon at saka tinignan. Sumilay ang ngiti ko sa aking nakita, mukhang handa na ang lahat.

“Ma’am, mahirap kumbinsihin ang isang Mike Doncic. Sa plan B na lamang tayo. Trust me.”

Tumigil kami sa paglalakad at agad kong nilingon si Ben. Ang mukha niya ay punong – puno ng pag-aalala. He knows things about me and Mike and alam kong pati rin siya ay alanganin sa gusto kong mangyari.

Pero desperada na ako. I don’t want na pati ang Isla Keren ay maibenta ko na din. I NEED TO DO THIS. Kung hindi ay baka wala nang matirang Isla sa aming pamilya.

“Kalma Ben. I know what I’m doing. Just do what I ordered you to do.”

Tipid ko siyang nginitian at itinuro ang isang device na nasa aking kanang tenga saka iniwan na siyang tulala roon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status