Share

Pangatlo

“Gaga ka talaga! Ang tanga mo! Alam mo yon? Sarap mong ibalik sa womb ni Tita Shei!”

Ngumuso lamang ako habang tinatanggap ang mga sinasabi sa akin ni Krish.

Paggising ko, wala na sa tabi ko ang gagong iyon. Baka nasa baba o baka iniwan na talaga ako rito. I can’t help my myself look in the mirror beside me.

Wasted. Pity. Loser.

Halos bumuhos na ang mga luha ko nang maalala ko ang mga pinaggagagawa ko kagabi. Hindi ko akalaing matatangay ako ng mga halik niya. Has he still has na effect on me? Siya ba ganoon din ba sa akin?

Akala ko ay aayon lahat ng plano ko kay Mike ngunit parang ako yata ang umaayon sa mga gusto niya. I hate this. Tama si Ben, I should have taken Plan B.

Ang tanga ko!

I called my bestie Krish pero halos kainin na ako ng mga words of wisdom niya dahil sa mga nalaman niya.

“Ano iiyak ka na lang diyan? Sis naman! Sabi ko diba, tutulungan kita? Ano itong pinasok mo? He has a fiancee! Si Leizl, remember? Gosh!”

Halos manginig ako sa nalaman ko. I know Leizl, she’s in the dancing club way back in high school and she has been one of my friends pero hindi ko alam na sila pa.

“I don’t know na sila pa. Really? Is that true? E bakit inofferan ako ni Mike ng…..”

Napahinto ako sa aking pagsasalita nakita kong pumasok ng kwarto si Mike.

“Hello Tash? Babe?”

“I’ll call you later babe.” Mabilis na sabi ko at pinutol ang linya.

Pagkapatay ko ng phone ay agad na hinanap ng mata ko si Mike. Sa labis na gulat ko ay napatalon pa ako sa kinahihigaan ko. Nakatopless lamang ito halatang galing sa shower

“Woahhh! Nakakagulat ka! Bat di mo ko tinawag?”

Sa inis ko ay binato ko siya ng unan pero nang-iinis pa ang loko at sinalo lamang ng kanang kamay niya ang unan.

Nakakainis!

“Paano kita tatawagin e may katawag ka? Babeeee… “ Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa panggagaya niya sa akin kaya inirapan ko na lamang siya.

“Kala ko umuwi ka na. Bakit andito ka pa?”

Aburidong aburido pa ang mukha nito parang pinapalayas na niya ako sa inaasta niya. Naglakad ito patungo sa lamesa at kumuha ng wine. Umagang – umaga, wine?

“Aba baka nakakalimutan mong may napagkasunduan na tayo! Napirmahan mo na ba?”

May pang hahamong ngumiti ako sa kaniya. Binalik lang din niya iyon sa akin saka nanunuyang nagsabing, “Walang pipirmahang kontrata mo. Kontrata ko ang pipirmahang natin.”

Ngumisi lamang ito sa akin saka inilapag sa legs ko ang isang papel na hawak niya.

“SIGN IT bago pa magbago isip ko.”

Buo at may awtoridad ang boses niya. Tinignan ko iyon at binasa ang mga nakasulat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. So hindi siya nagbibiro sa sinabi niya kagabi?

“What’s this? Gagawin mo kong taga ire ng anak mo in exchange of billions and property? Are you crazy?”

Sa labis na inis ko ay matatalim na tingin agad ang ibinato ko sa kaniya. Ngunit hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi ito ang ipinunta ko rito. I have businesses and problems na gustong ayusin na sa lalong madaling panahon. Ang pagiging ina ay wala pa sa isip ko.

Alam ko namang sobrang mayaman na siya pero this one is so unreal.

“What’s wrong? Iyan lamang ang hinihingi kong kapalit sa paggamit mo sa akin diba? I mean, you dragging me in your problems. What do you think of me?”

Halos hindi na maipinta sa mukha ko ang gulat at dismaya sa narinig. Gusto kong maiyak pero hindi ko magawa. Wala talaga siyang pinagbago. Hindi talaga siya basta magpapagamit lang. Ano ba itong pinasok ko?

Pati ang nakatakip na tela sa aking katawan ay hindi ko na naalalang iangat sa dami ng iniisip ko. My body is exposed in front of him.

Hindi niya pinansin ang aking mga sinabi at muli akong nilapitan.

“Love, we made love already. Ituloy na natin. Besides you already agreed kagabi diba. Just sign the contract, you’ll have the shares, money, and you’re mine.”

Isang halik agad ang dumampi sa aking tenga. Nakakakiliti. Nakakawala sa sarili. Nakakabaliw ang bawat paghalik niya.

“Ahhh. Mike…Let’s ..talk about this!”

Pagpupumiglas ko ngunit masyadong malakas ang mga braso niya at sa huli ay nakikiliti at nababaliw na ako sa ginagawa niya.

“We’re talking already.”

His kisses are all over my neck. Hindi na ko makapalag sa ginagawa niya. He’s ruling me. He’s ordering me to follow. But no!!!

Wala na akong nagawa pa kung hindi magpatangay sa agos niya. My body wants everything he is doing. I can’t shout myself to not respond but he’s to powerful to prey me.

I'm dead.

“READ THE CONTRACT.”

Nanginginig pa ang mga daliri kong kinuha ang inabot niya. Nakaputing polo na lamang siya ngayon. Hindi nakabutones ang tatlong butones at sobrang sama ng tingin sa akin. Pero bakit kahit ganoon ay gwapo pa din ito. Nagpatuloy siya sa pagsasalita pero hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa labi niya. Dahil ba nakailang halik kami? Kaya nakakaakit ang mga iyon?

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Umiinom na siya ng kape at nakatopless pa din. Hindi pa din siya nagbago. He’s still overly addictive to sex. Prente itong nakaupo sa harap ko at hindi ako tinatantanan ng mga titig niyang mapagmanipula.

“Like I said, isang taon ang kontrata. While carrying my baby, I will give all what you want, the shares, even a company, ten billion money and my love for you hanggang sa pakasalan mo na din ako. Yan lang ang gusto Nathasia kapalit ng hinihingi mo.”

Hindi kagaya kanina ay seryoso na ang tingin nito sa akin. Seryoso na may panlalambing ang boses. Nakakainlove. Nakakaakit ang offer niya. Pero hindi ito ang gusto ko.

“Masyadong malaki na ang offer mo. Shares mo lang sa kompanya ko Mike ang gusto ko. Iyon lang. Sa ibang babae mo na lang alukin iyang gusto mo. Matagal nang tapos ang relasyon natin ”

Diretsyahang sabi ko. Ibinaling ko sa paligid ang mga mata ko. Ayokong makita ang reaksyon ng mga mata niya. Ayoko na magsayang ng oras. Madami pa akong dapat asikasuhin ngayon sa opisina ko at ang pagstay ko dito ay nakakaubos na lalo sa oras ko.

“Okay fine. Nakausap ko pa naman na si Ben na mag-iinvest ako sa kompanya mo. I put my billion there pero dahil sa ayaw mo ay babawiin ko na lamang. Ibibigay ko na lamang itong mga offer ko sa ibang babae. Total madami pa naman diyang iba diba?”

Padabog niyang dinampot ang kontrata saka ako tinalikuran. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nakita kong may mensaheng galing kay Ben.

“Success! He invested! One fourth of debts is paid. Isla Keren is safe!”

Iyan ang nakalagay sa mensahe niya. That fast? Pero kakausap pa lang namin kagabi. So totoo ang sinasabi niya? Naprocess na niya agad?

Naagaw ng pansin ko ang pagtayo ni Mike at pagtangkang pagpilas sa kontrata nang magsalita ako.

“No!!!!! Okay! I’m sorry. Papayag na ako. I’ll do it!”

Napatayo agad ako at mabilis na kinuha ang kontratang hawak niya saka ko pinirmahan ang natitirang pahina nito.

Sapat na ang ginawa niya para pumayag ako. I’ll take his offer.

“Here!” Masayang sabi ko saka ibinigay sa kaniya. Gulat na gulat ang mukha niya. Mukhang hindi makapaniwala sa aking nagawa.

“Okay. The you’re hired. Tara muna doon.”

“Wait.”

Aniya ko saka ko siya mabilis na hinalikan sa labi. Because of him, 70% of my life is safe! Hindi ko na maibebenta ang Keren. Naiiyak pa ako nang sabihin ko iyan. Salamat sa kaniya.

“That’s my thank you kiss!”, masayang sabi ko na ikinagulat niya. Matagal bago siya nakapagsalita at walang atubling hinalikan na din ako sa labi.

“Mmm…ang sarap!!!”, masayang halinghing ko habang nasa shower room kami. O my gosh!!! I never imagined myself na ganito ako masasabik sa mga halik niya.

“You love this? Hmmm,” aniya habang nasa likuran ko at hinalikan ang leeg ko.

“Yes! Let’s do it again! Hmmm”

Parang akong baliw na hindi magkamayaw sa paghalinghing. Nakakasabik ang bawat galaw niya. Hindi na ko makapag-isip ng maayos. Tuluyan na niya akong napasunod sa kaniya.

“Now you’re my mine. Gusto ko lahat ng kilos mo sasabihin mo sa akin. Maliwanag?”

Napalingon agad ako sa kaniya. Meron ba iyon sa kontrata? Parang wala akong nabasa.

“You’re hired right? I have the right to impose rules on us. We will both benefit on this love.”

Kahit na medyo alanganin at nabigla ako ay tumango na lamang ako saka pinagpatuloy ang pakikipaghalikan sa kaniya. Wala na akong pakealam kung anong mangyari pagkatapos nito basta ang alam ko nabawasan na ang problema ko.

Pero sandali, diba may fiancee siya? Totoo kaya iyon? Kung totoo, bakit sa akin niya gusto magkaanak? Pero whatever! Pirmado na ang kontrata. Sorry na lang si Leizl dahil sa ngayon akin muna si Mike. Akin muna lahat ng pera niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status