Share

Simula

“What a bullshit!”

Hinilot ko agad ang aking sentido dahil sa aking nakikita ngayon. I never expected this! Talagang ginagago ako ng lalaking iyon!

“Sorry Ma'am, Wala pong ibinilin si Boss Mike na may Nathashia Altare na pupunta rito.”

Winasiwas agad ng men in black na iyon ang kanyang kamay saka itinuro iyon sa aking likuran hudyat na hindi kami pwedeng pumasok roon. Sa itsura pa lang ng mga tauhan ni Mike ay hindi sila basta basta. Halatang mga trained ang mga ito sa laki ng katawan at sa gilid ay may alaga pang K9.

Hindi ito maari! How could he? Kahit pa ipakita ko ang sulat na galing sa lalaking iyon ay tinawanan lamang nilang lahat. Pati ang mga lady guards niyang nasa likod na di na mabilang sa dami ay nakitawa din. Ang sabi ay marami na daw gumagaya sa kaniyang sulat at karamihan ay mga kagaya kong mga desperada at naging babae niya.

The last sentence hurts more at wala akong masasabi roon. Pero WALA akong pakealam. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang tulong niya ay di na ko pupunta rito. Hindi ako dapat ang ginagago rito. Kaagad na lumapit sa akin si Nike at may binulong sa tenga ko. Tumaas naman ang kilay ni Baland sa akin. Ngumiti agad ako sa narinig saka namin sinimulan ang laban.

“Line 1 and 2 secure the place! Inaaatake tayo!”

Malalakas na announcements ang aming mga naririnig habang nakikipagsuntukan sa sangkatutak na guards rito. Buti na lamang ay wala silang mga baril. Kung hindi ay baka kanina pa kami nakalupasay dito. Nagsilabasan bigla ang mga men in Black na kanina pa palang nagtatago sa paligid. Napanganga ako sa gulat.

Ang dami nila!

“Ben! Papuntahin mo ang Force A!” ani ko habang hawak ang isang bagay na nasa aking nasa tenga.

“Copy.” aniya ni Ben sa kabilang linya.

“We need more here! “

Malakas na sigaw ni Baland. Napalingon agad ako sa kinatatayuan niya at doon ay mag-isa niyang nilalabanan ng suntok ang mga men in black. Ganoon din si Nike at iba ko pang sinama. Mabilis naming sinalubong ng suntok ang mga paparating! Dapat pala ay nakinig ako kay Ben. His findings are all true! Mukhang mauubos ang mga tauhan ko rito.

Pero I trained them well. At kahit madami sila, mas magagaling kami! Baka nga magiging punching bag lamang sila ngayon. Ngunit sa gulat ko ay hindi lamang mga baril ang hawak nila. Meron din silang balisong!

Kaagad kong iniwasan ang mga iyon. Good thing ay mga babae lamang ang kalaban ko at hindi nagtatangkang lumapit ang mga lalaki. Nag-alangan pa ako sa kakayahan ko.

One year ago na simula noong nag-ensayo akong kalabanin si Ben gamit ang matalim na bagay.

Mabilis ko agad tinadyakan ang mga babaeng iyon saka pinilipit ang mga kamay at paa nila para mahulog ang mga balisong na hawak nila.

“Ano bang gusto mong mangyari ha? Bawal nga kayo rito diba? Gusto mo bang mamatay? Kahit pa sinabihan na kaming wag kayong patayin ay gagawin ko pa din. Walang sinuman ang makakalapit kay Mike!”

Umuusok agad ang ilong ng babaeng guard na ito sa akin. Sa tindig pa lamang niya ay halatang, siya ang leader rito. Marami na ding sugatan sa mga kasama niya pero ang isang to ay tingin ko'y hindi basta basta. Hindi ako tinitigilan.

Who cares diba? Kahit lunukin na niya ng buo ang Mike na iyon. Wala akong pake! I just need his billions. That’s it! Nothing more.

“Wala kana doon! Get out of my way!”

Malakas na suntok at tadyak agad ang aking ginawa saka ko siya biglang tinutukan ng baril. Nakakainis!

Wala na siyang magagawa dahil hawak ko na siya. Paglingon ko sa paligid ay ganoon din ang ginawa nila Nike at Baland. Hawak na rin nila ang bawat pinuno ng mga guards rito.

Dumating na din pala ang pinadalang Force A ni Ben. I sighed. Buti na lamang at mabilis na natalo ang mga guards na ito.

“We wouldn’t kill you all. Hayaan niyo lamang kaming makapasok. That’s it!”

Malakas na sigaw ni Nike na siyang ikinatuon ng atensyon sa akin ng mga kalaban.

“Sige. Pero siya lamang ang papasok”

Ngumuso sa direksyon ko lalaking hawak hawak ni Nike sa ulo at kamay.

Pumuputok pa ang bibig nito dahil sa malakas na pagkakasuntok na natamo. Malaki ang pagangatawan at nagpupumiglas pa. Tinignan ko pa ang ibang kasamahan niya at ganoon din ang natamo. Halos lumuwa na ng dugo ang mga mukha at labi nila. Omy! Mukhang napasobra yata kami.

Sa narinig ay ngumiti agad sa akin ang dalawang body guards ko hudyat na aantayin nila ako rito bago maghating gabi kagaya ng pinag-usapan.

Lumakad agad ako with pride and honor saka ako pumasok sa malaking pintuan na agad na bumukas. Nagulat pa ako roon pero hindi ko na ipinahalata. Walang katao – tao sa loob. Binuklat ko ang papel na nasa bag ko. Tama naman ang address. Per bakit parang walang nakatira.

Naiwan lahat ng mga bodyguards ko sa labas at ako lamang pati si Ben na sa kabilang linya ang kasangga ko. Medyo madilim ang lugar na siyang ikinakatakot ko. Sabagay ay alas otso na din ng gabi nung matapos ang laban namin.

Dim lights ang bawat ilaw ng buong sala. Magagara ang bawat gamit mula upuan hanggang sa mga paintings na nasa dingding. Gold pa karamihan ang mga nakadisplay. Kinuha ko ang isang mug na nasa mesa. Ginto iyon at nakakatemp kunin.

Gaano na ba siya kayaman ngayon? Wow!

Tinanggal ko agad ang damit na suot ko kanina at lumantad roon ang isang maikling red lingerie na nagcompliment agad sa maputing kutis ko. Ang kulot kong buhok ay itinali ko pataas para mas lalong makita ang aking leeg at mukha na sa tingin ko'y lipstick na lamang ang natira.

Wala na akong oras para magpaganda. Pagod na ang katawan ko sa pakikipaglaban kanina. Ang hawak ko na lamang ngayon ay ang envelope at aking sandals na nasa kanan kong kamay.

Habang naglalakad ay napapalinga ako sa paligid. Nasaan rito ang elevator? Ang sabi nung lalaki kanina ay yun lamang ang tanging daan papunta sa kwarto ni Mike.

“Hanggang alas nuwebe lamang mag-aantay ang ginoo dahil kung hindi ay kami na mismo ang susundo sa iyo pababa.”

Tumaas agad ang kilay ko nang maalala ang sinabi ng men in black na iyon bago ako papasukin. May oras pa talaga? Ganoon ba kadami ang mga babae ng gagong iyon para ipamukha sa aking singit lamang ako sa schedule niya?

Isa pa, hindi ko inaasahang ganito kaweird ang mansyon. Sa nakikita ko ngayon, parang headquarters ng mga rapist o kaya mafia sa mga napapanood ko sa pelikula.

Bulletproof pa ang bawat sulok!

Kainis!

“Ma’am sa kanang side mo may restroom. Naroon ang elevator.”

Mabilis kong tinungo ang sinabi ni Ben. Buti na lamang ay nariyan siya kung hindi ay baka abutan ako ng taon rito kakahanap sa lalaking iyon.

Pinindot ko agad ang up button para makapasok. Pati ang elevator ay nakakatakot. Ang dim ng light. Para akong nasa horror movie sa sobrang dilim.

Pinindot ko agad ang 30th floor at saka biglang bumukas na ang ilaw. Napasigaw ako sa gulat ngunit pinigilan ko agad nang makita ang isang cctv sa aking harapan.

He’s watching me. I knew it! Habang paakyat ng aakyat ang floors ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam na ganito ang magiging reaksyon ko. Matagal ko nang pinaghandaan ito. This is chicken as easy as pie. Maybe it’s unusual na makikita ko na agad siya after years.

Ano na kaya ang itsura niya ngayon? Is he a devil? Or a handsome devil ?

I shrugged.

Pagbukas ng elevator ay maaliwalas na ang paligid. Di gaya kanina ay ngayon, mukhang bahay na talaga ang kinaroroonan ko. Sinalubong agad ako ng isang matangkad at poging lalaki. Ngumiti ito sa akin. At malugod niya akong sinamahan papunta sa dapat kong puntahan.

Pagdating talaga sa mga tauhan niya ay may taste talaga siya no? Men in black with pleasing personalities.

I don’t know where is Mike pero I can’t help myself looking around me. Habang sumusunod ako sa lalaking iyon ay hindi ko maiwasang tignan ang bawat bulaklak sa paligid, the paintings, caricatures, at ang iba pa ay mga malalaking pictures niya na inisketch pa sa charcoal. Sobrang ganda pala rito. It feels like, nasa hotel na bahay ako. So modern yet traditional. Peaceful pero parang malungkot. The air is so fresh! Sumagi agad sa aking isip ang isang alaala. Pati ba naman ang hangin ay kasing bango niya?

“You’re here. Finally.”

Tumindig agad ang balahibo ko sa narinig. Napahinto ang tuhod ko sa gulat. Ang kaniyang labi ay malapit sa aking tenga. Hindi ko inaasahang nasa likuran lang namin siya.

Paglingon ko'y agad niyang hinuli ang aking beywang at hinapit ako papalapit sa kaniya.

“Smells fine even after the fight.” Pilyo siyang ngumiti sa akin saka tumitig sa aking mga mata. Ang lahat ng kuyente sa aking katawan ay nagsitaasan ng muli ko siyang matitigan. Nadagdagan pa iyon nang mas lalo niya inilapit ang sarili at agad akong hinalikan.

“I miss this.”

Para lamang akong wala sa aking sarili na sumunod sa kaniya. Hindi ko na napansin ang lalaking naghatid sa akin kanina. The guy is not around anymore. How could that be? Mas lalo along kinabahan.

It’s weird.

What’s happening to me?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status