Share

Chapter 02

Pagkauwi ko sa bahay galing sa kompanyang ‘yon, naabutan ko ang apat na nasa sala. Natigil sila sa panonood at sa akin napunta ang atensiyon nila ng magsimula ako maglakad palapit sa kanila.

“You’re here na!” excited na bati sa akin ni Cali, samantalang ako naman ay bagot na naupo sa sofa pagkapatong ko ng mga pinamili ko sa center table.

“Hala? Ba’t gan’yan ang itsura mo? ‘Di ka ba natanggap?” nag-aalalang tanong naman ni Kylie.

“Saan ba siya nag-audition?” si Made naman ang sunod na nagsalita.

“Anong audition pinagsasabi mo d’yan?” tanong sa kaniya pabalik ni Kylie.

“Sabi mo kasi ‘di siya natanggap. Saan ba kasi siya nag-audition? Poster making contest? Quiz Bee? Spelling Bee? O kaya naman sa Slogan making contest? Ba’t ‘di mo ‘ko sinama Gian sana nag-audition din ako.” Pagpapaliwanag niya at pagrereklamo sa akin.

“Shunga ka beh? ‘Di kailangan ng audition sa gano’n.” asik pabalik ni Kylie.

“Wow ha? Bakit naman tayo sasali sa gano’n? Eh ‘di naman tayo nag-aaral.”

“Kausapin mo ‘yang hawak mong remote baka sakaling magkaintindihan kayo.” Napatingin naman si Made sa hawak n’yang remote sabay napatawa.

“HAHAHAHA! Sa ating dalawa ikaw pala ang mas shunga! Bakit ko naman kakausapin ‘to, eh ‘di naman ito nakakapagsalita!” natatawang puna niya.

Napatapik na lang si Kylie sa sarili n’yang noo halatang nawawalan nang pasensya kay Made.

“Akala ko ba effective ‘yong tinuro mo kay Gian, Cali?” nakataas ang kilay na sabat ni Ele.

“Eh? Baka hindi mo kasi sinunod ng maayos ‘yong tinuro ko sa ’yo ha, Gian?” puntirya ni Cali sa akin.

“Pinagsasabi niyo d’yan?” nagtatakang tanong ko sa kanila.

“Hindi ka natanggap ‘no?” tanong ni Kylie, nasa akin ang atensiyon nilang apat, magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Made.

“Saan ka ba nag-audi-” pero hindi niya naituloy ang sasabihin ng takpan ni Ele ang bunganga niya, napakamot na lang uli siya sa ulo at nanahimik, takot kasi siya kay Ele dahil sa pagiging maangas nito parati, akala mo palaging may kaaway.

“Natanggap ako, okay?” pag-amin ko sa kanila. Nakahinga naman sila ng maluwag pagkasabi ko no’n pero hindi pa rin sapat kay Cali ang sagot ko.

“Sure ka?” tanong nito, tumango naman ako habang nakatitig sa sahig.

“Oo nga! Bukas na nga ako magsisimula, eh. Saka ‘di mo ba nakikita ‘yang pinamili ko ‘di ba sabi mo pag natanggap ako ay bumili na ako ng mga susuotin ko,” dagdag ko pa habang nag-iisip ako, nakita ko naman na napatango siya sa sinabi ko.

“Bakit kasi gan’yan itsura mo? Parang hindi ka masaya na nakapasa ka.” pagpapaliwanag ni Kylie.

“May iniisip lang ako,” sinabi ko na sa kanila ang gumugulo sa isipan ko.

“Ano naman ‘yon?” boryong tanong ni Ele, nahiga naman siya sa sofa na ginawang unan ang dalawang kamay niya.

Pinaliwanag ko naman sa kanila kung bakit ako ganito, hindi pa rin kasi ako makapaniwalang tanggap ako samantalang kanina ay parang gusto na niya akong ilibing ng buhay, isa pa ay bakit siya biglang pinagpawisan, hindi mapakali at sunod-sunod na lumunok.

Pagkatapos ko namang magkwento ay biglang napatakip si Cali ng bibig. “Oh my god!” gulat na sigaw niya na napatayo pa. “Really?” paninigurado niya at tumango naman ako.

“Sign ‘yon bes!” nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya pagkasabi no’n.

“Anong sign?” naguguluhang tanong ko naman.

“Ako alam ko!” napatingin kaming lahat kay Made ng bigla s'yang sumabat itinaas pa ang isang kamay na akala mo may recitation. “Yan iyong ano ‘di ba. Uhmm.

“. . . Aquarius, pisces, scorpio, gemini, at libra. Ako kasi sagittarius, kayo ba ano sign niyo?” pagtanong niya pa.

Napabuntong-hininga naman ako, si Kylie ay napasabunot sa buhok, samantalang si Cali ay napatakip ng unan sa mukha at si Ele ay napahilot sa sintido.

“May challenge ako sa ’yo, Made!” biglang pagsalita ni Ele.

“Yay! Gusto ko ‘yan! Sige, ano bang gagawin?” masayang tanong nito.

“May kulangot kasi akong nakuha sa ilong ko kanina tapos pinahtid ko ‘yon sa pader do’n sa taas.” Pagturo niya sa pangalawang palapag. ”Kailangan mo ‘yon hanapin, kapag nahanap mo bibigyan kita ng isang daan. Ano game?”

“Okay! Yes! Magsisimula na ako, ah,” mabilis na umakyat naman si Made sa second floor.

“Anong sign ba kasi ‘yon?” nang mawala na sa paningin namin si Made ay nagtanong na ulit ako kay Cali, hindi pa rin kasi maalis sa isip ko.

“Nagpipigil ‘yon, bes. Gano’n ang mga lalaki kapag nagpipigil. Buti nakalabas ka sa kompanya na hindi pa warak,” natatawang paliwanag niya.

“Anong warak?” mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

“Ang ibig sabihin niya?” sa pagkakataong ‘to si Kylie naman ang magpapalliwanag. “Mabuti raw nakalabas ka sa kompanya na ‘yon na hindi ka natusok ng galit na hotdog!” pagkasabi niya no’n ay napatawa niya rin si Cali gano’n din si Ele na pilit lang ang tawa.

Ano raw? Hindi ko alam kung anong nakakatawa do’n sa sinabi ni Kylie para matawa sila? Wala naman kasing nakakatawa bukod do’n ay hindi ko pa rin naiintindihan kong ano ba talagang ibig-sabihin nila.

“Alam niyo wala ako nakuhang matinong sagot sa inyo,” pag-amin ko.

“Wake up, girl! It’s already 2021 pero ‘yong utak mo naiwan pa yata sa 2010,” nagpipigil na naman ng tawang saad ni Cali.

“You’re 20, right?” maarteng tanong ni Kylie pero imbes na sagotin ko ang tanong niya ay kinunutan ko lang siya ng noo. “Ow God! Masyado ka namang banal, Gian. Baka maging santo ka n’yan, sige ka!” ‘di ko alam kung tinatakot niya ba ako o kung ano.

“Alam mo paminsan-minsan magpaturo ka kay Cali, napag-iiwanan ka na kasi ng panahon.” dagdag niya pa.

“Gusto ata tumandang dalaga at fresh,” sagot din ni Cali kaya naman nag-apir pa ang dalawa, napailing na lang ako sa kanila. Wala talagang matinong sagot ang mga ‘to.

“Aisssh. Wala kayong naitulong, eh,” reklamo ko at isa-isa ko nang kinuha ang mga pinamili ko na nasa center table.

“H’wag niyo namang pahirapan si Gian,” sabat ni Ele. “Ang punto kasi nila Gian,” napatigil ako sa pagkuha ng mga paper bag at inantay ko ang sasabihin ni Ele.

“Ano?”

“Mabuti raw na nakauwi ka rito sa bahay na hindi iika-ika,” isa pa ‘to akala ko naman matino na ang isasagot niya. Inis kong hinablot lahat ng paper bag at umakyat na papunta sa kwarto, bahala sila d’yan lalo lang akong nahirapan sa mga pinagsasabi nila. Narinig ko pa ang pagtawanan nila habang naglalakad ako sa hagdan paakyat.

Nilapag ko na lang din sa single sofa sa loob ng kwarto ko ang mga pinamili kong damit pangtrabaho, s-in-end kasi sa akin ni Cali ang picture ng mga dapat kong suotin kapag naka-hire ko kaya pagkalabas ko ro’n ay dumiretso na ako sa mall, may mga s-in-end siyang nahanap ko ro’n pero ‘yong iba ay wala ‘di na ako naghanap pa ng gaano dahil nakakatamad mag ikot-ikot mag-online shop na lang ako wala pang hussle.

“Gian! Gumising ka na d’yan may pasok ka pa!” napamulat ako ng marinig ko ang malakas na pagkatok ni Cali sa pinto ng kwarto ko, idagdag pa ang malakas na sigaw niya. Sino ba namang hindi magigising sa gano’n.

“8:50AM,” pagbanggit ko sa oras ng buksan ko ang cellphone ko, nanlaki naman ang mata ko at mabilis akong napabangon. ‘Di ako p’wedeng ma-late, jusko. Baka unang araw ko pa lang ay paalisin na agad ako, hindi p’wede 'yon ayokong matalo sa usapan.

“Gia-bilisan mo na kaya!” sisigaw pa sana ulit si Cali ng buksan ko na ang pinto.

“Eto na! Pababa na nga ‘di ba.” Tugon ko naman habang dire-diretso akong naglakad pababa ng hagdan.

“Unang araw mo pa lang magpapa-late ka na, sakmalin kita d’yan, eh,” sermon niya pa.

“Wow! Bagay sa ’yo ang suot mo, Ele! Nakakapag-panibago, ah. Nagmukha kang babae ngayon,” nanlaki ang mata ko ng makita ang awrahan ni Ele ngayon.

Kadalasan kasi ng suot niya ay malalaking t-shirt at jogging pants na maluluwag samantalang ngayon ay ang sexy niya, mas lalong lumabas ang ganda niya nakakapagpanibago talaga.

“So, sinasabi mong mukha akong lalaki kapag hindi naka-ganito?” saad naman niya habang kinukulot ang dulo ng buhok niya.

“Hindi. Mas malala pa ro’n,” katwiran ko pa, tinarayan naman niya ako at nagpatuloy na siya sa ginagawa.

Minadali ko na lang ang pagligo ko pagkatapos no'n ay ilang subo lang ang pagkain ko sa almusal, nakakatakot kasing ma-late kaya kailangan kong magmadali.

Nakarating ako sa kompanya ng 10:05, dali-dali kong p-in-ark sa parking lot ang sasakyan ko at lakad-takbo na ang ginawa ko papasok sa kompanya.

“Good morning, Manong guard!” malaki ang ngiti kong bati sa guard.

“Hala? ikaw ‘yong nag-apply kahapon ‘di ba, Miss?” gulat na tanong nito sa akin, tinanguan ko naman siya.

“Nakapasa ka pala! Mabuti naman kung gano’n,” dagdag pa nito.

“Nariyan na ba ‘yong boss niyo?” mahinang tanong ko sa kaniya.

“Kanina pa po, Miss. Mga 9:30 po. Tinanong niya po ako kung narito na raw ba ‘yong bagong secretary niya,” paliwanag ni Manong guard.

“Ano pong sabi niyo?” parang na-hot seat ko na si manong sa tanong ko.

“Sabi ko wala pa, saka ‘di ko alam na ikaw pala ‘yong tinutukoy niya,” pagkasabi niya no’n ay nginitian ko lang siya at nagpaalam na ako.

Kabado ako habang nasa loob ng elevator, namukhaan din ako ng elevator girl dahil hindi niya maalis ang tingin sa akin.

“When are you staring at?” maarteng tanong ko sa kaniya. Oh panes! akala niya siguro ‘di ako p’wedeng maging secretary, don’t me Ate marunong din akong mag-english.

“What ‘yon hindi when!” pagtatama niya akala ko pa naman tama na ‘yon “English-english ka pa mali naman!” katwiran pa niya.

“Duh! Where told you I’m not good in english? Sinadya kong ‘when’ ang gamitin para malaman ko kung marunong ka rin sa english. Well, kahit papaano may alam ka rin pala,” pagdadahilan ko.

“Anong where told you? ‘who’ kaya ‘yon hindi ‘where’. Sige na lumabas ka na nga baka masiraan ako ng bait sa ’yo,” sabi niya pa at tinaboy pa nga ako, sakto kasi ay bumukas na ang elevator.

“Oo na lalabas na!” naiirita kong sagot bakit ba kasi ang bobo ko sa english. Nalilito kasi ako sa pinagkaiba-iba ng what, where, why, when at who na ‘yan. “Sa susunod na balik ko rito magdadala ako ng bomba para pasabugan kita d'yan sa loob,” sigaw ko sa kaniya pagkalabas ko, sakto naman sumarado na ulit ‘yon pagkasabi ko “yawa ka!” dagdag ko ulit kahit sarado na ang elevator.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng office ni Zayne, dinikit ko pa ang tainga ko sa pinto para pakinggan kung ano nangyayari sa loob. Baka kasi may kausap siya o ano naman, oh baka w-in-arning-an niya na rin ang guard na h’wag na akong papasukin dahil late na ako. Sorry ka na lang nasa . . .

“You must be in the company before ten o'clock. You should be earlier than me, Ms. Belarde!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status