Share

Chapter 5

"Totoo nga," pangungumbinsi ko sa kanila. "Umiyak pa nga. Alam mo 'yung reaksyon na para kang binagsakan ng mundo? Nakita ko 'yan sa kaniya kanina."

"Alam mo namang ang hirap paniwalaan niyan," blangkong sabi ni Lowelyn at nagkamot ng ulo. Kung sabagay, 'di ko rin naman sila masisisi. Saksi kaming lahat kung gaano kawalanghiya si Ytang, kaya ang hirap paniwalaan na umiyak siya dahil sa isang lalaki. "Saksi ka, Prens, na kahit kailan 'di natin siya nakitang umiyak kahit noong nabagsakan ang ulo niya ng timbang may tubig -- tumawa pa nga."

Napaayos ako ng tayo. Minsan lang kung mag-seryoso si Lowelyn sa isang usapan, madalas kasi'y ginagawa niyang katuwa-tuwa ang mga bagay-bagay. Marahil ay pareho lang kami ng nararamdaman, na dahil sa nakasanayan naming parating malakas si Ytang ay imposible na para sa 'min ang umiyak siya. Pero, nakita ko talaga kanina ang reaksyon ni Ytang, at big deal talaga 'yun sa 'kin.

"Umalis nalang tayo," walang kangiti-ngiting sabad ni Joyce at humakbang ng dalawang beses, nagkikibit ng balikat. "Kailangan niya ng oras para makapag-isip-isip."

"'Di ba mas maganda kung nasa tabi niya tayo?" mahinang tanong ni Lowelyn, halata ang lungkot sa boses. Walang gana niya na ngang nilagay ang phone pabalik sa bulsa niya. "Para ma-feel niyang may karamay siya."

Kung normal lang 'ata ang araw na 'to ay baka asarin ko sila sa pagiging seryoso, pero hindi, e'. Pati nga ako'y nawalan na rin ng gana na maglakad pa. Parang gusto ko nalang humiga sa kinatatayuan kong 'to at mag-isip ng paraan para mapagaan namin ang loob ni Ytang. 'Di ako expert sa ganitong bagay, pero sigurado namang kahit kaunti ay may maitutulong din ako.

"Punta nalang muna ako sa P*******t," walang gana kong sabi, hawak-hawak ang phone. "Maghahanap ako ng pictures ng mga lalaki, kasi baka mapangiti si Ytang kapag pinakita natin sa kaniya."

"Mas maganda kung puntahan na natin siya ngayon!" nagpapadyak-padyak na sigaw ni Lowelyn at akma na sanang tatalikod para tuluyang buksan ang pintuan nang hilain siya ni Joyce pabalik sa dati nitong puwesto. "Mas maganda kung may katabi siya!" malungkot niyang sabi kay Joyce.

"Let's just give her more space," ani ni Joyce, kagaya namin ay nasa mga mata rin ang lungkot. "She needs that, for being alone is the best thing to realize something. Mamaya nalang natin siya kausapin."

"Pero papaano kung hanggang mamaya, e', 'di pa rin siya okay? Ano na ang gagawin natin?" litong tanong ni Lowelyn at panay pa ang baling sa 'kin na para bang humihingi ng tulong. "What if umiiyak pa rin siya hanggang ngayon?"

"Trust me, papasalamatan niya tayo mamaya," simpleng sabi ni Joyce at akma na sanang tatalikod pero napahinto lang nang maramdaman na 'di pa rin kami umiimik ni Lowelyn. Tumingin 'to sa 'kin saka malalim na buntong-hininga. Wala akong mapili kung ano ba dapat ang gawin. May point din naman kasi si Joyce, na kailangan na may ma-realize si Ytang, at mangyayari lang 'yan kapag hahayaan namin siyang mag-isa, pero ginagambala kasi ako ni Lowelyn. Gusto ko na rin tuloy na yakapin si Ytang ngayon din.

Ganoon na nga lang ang pag-ayos ko ng tayo nang bumukas ang pinto, at bumungad sa 'min ang blangkong mukha ni Ytang, pero nang makita niya kami'y kaagad na lumiwanag ang mukha niya. Nagtatalun-talon pa nga 'to na para bang nanalo sa lotto.

"Wait, wait, wait!" kinikilig pa 'tong napasigaw. "Balak niyo kong i-house raid 'no? Hoy, Lowelyn, balak mo, 'no?"

"Ha?" garalgal na sagot ni Lowelyn, para 'tong nahuli sa isang kasalanan. "Pinagsasabi mo riyan? Mag-tooth brush ka nga, baho ng bunganga!" Nag-asaran na nga ang dalawa, at nagkatinginan nalang kami ni Joyce saka parehong napailing. Nakakalito si Ytang, ang galing niyang umakto na okay ang lahat kahit na hindi. Hayst, nakakalito.

"Tara!" sigaw ni Ytang at humakbang. May kinuha 'tong lock sa bulsa at sinarado ang pinto ng bahay. 'Di nagtagal ay nakangisi na 'tong humarap at isa-isa kaming tiningnan. Naghanap naman ako ng lungkot sa mga mata niya, pero wala naman akong nakitang kakaiba. Napabuntong-hininga nalang ako. "Gala tayo!"

"Saan?" excited na tanong ni Lowelyn at umuna pa sa paglalakad kaya napatakbo tuloy kami para maabutan siya. "Dapat nice place, a'!"

"Oo naman," kampanteng sagot ni Ytang. "Sa isang lugar na mahaba."

"Great Wall of China?" sagot ko kaagad kahit 'di pa masyadong sure. "Ang layo no'n! Napaka-imaginative mo talaga, Ytang! Sa China 'yun, e'"

"Next century pa tayo makakapunta roon--" Napatigil sa pagsasalita si Lowelyn nang may grupo ng mga babae ang humarang sa daan. Actually, malaki naman ang pwesto, may right side pa nga pero sinadya lang na banggain kami, at siyempre, kailan pa magpapatalo ang mga katabi ko?

"Hey, baby Hershly," pang-aasar ni Ytang, at nag-stretch pa ng mga braso. Kinakabahan akong napaatras, at si Joyce rin ay nalilito na rin kung ano ang unang gagawin. Kaharap na namin ang grupo ni Hershly. Bagaman apat din sila ay mas mataas sila kaysa sa 'min! Pero mukhang wala dapat akong ikatakot kasi mga aswang 'tong mga kaibigan ko.

Sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin, isa lang ang nangyayari -- away. Kahit kailan kasi ay ayaw talaga magpakumbaba nina Lowelyn at Ytang, at ang kabila ring grupo ay mataas din ang ihi kaya giyera na talaga.

Magandang-maganda si Hershly, lalo na ang pink niyang buhok na natural na sumasayaw kapag gumagalaw siya, ang 'di ko lang talaga gusto ay ang ugali niya. Parati kasi 'tong naghahanap ng away. Sila ang parating unang bumabangga.

"Long time no war, guys," nakangising sabi ni Hershly. Hayst, kahit ganiyan siya ay siyempre nagagandahan pa rin ako sa kaniya. Nasa kaniya na kasi ang lahat: Matangkad 'to, matalino, at talented. Hayst, nang dahil sa pagmamaldita niya'y maraming may galit sa kaniya. "Are you perhaps ready?"

"Opps!" reak ni Lowelyn kaya napatingin ako sa kaniya, mukhang may balak 'tong mapang-asar kasi palihim 'tong ngumingisi. "Nasaan ang dalawang body guards mo? Opps, bakit may eye bags diyan sa mukha mo. Opps, 'bat mas pretty kami kaysa sa inyo?"!" Bumelat pa 'to at kumembot-kembot.

Dahil sa ginawa niya'y mas lalong nainis ang kabilang grupo.

"Frency, tabi ka lang diyan-" nakangiting ani ni Ytang sa 'kin, pero kaagad lang natigilan nang may humablot sa buhok niya. Napasigaw tuloy ako sa sobrang gulat. Gusto kong tumulong, pero alam ko namang wala lang patutunguhan kung makikisali pa 'ko sa kanila.

"Hindi pa rin nagbabago," bulong ni Joyce at umupo sa bakanteng bato sa tabi ko lang. "Kailan kaya sila magma-mature, 'no?"

"Baka next day," kibit-balikat kong tugon, patuloy pa rin ang panlalaki ng mata sa nakikita. Gustong-gusto ko na talagang tumayo at umawat, kasi nakakahiya na lalo na ngayong pinagtitinginan na kaming lahat. "Awatin na natin sila?" alok ko sa kaniya, at tumango naman siya.

Nalilito akong nagkamot ng ulo nang mapansin na wala na 'ata akong ibang maitutulong kundi tingnan na lamang sila. Sina Ytang at Lowelyn kasi ay mukhang tigre na. Ganoon na nga lang ang pagtakip ko sa mga mata ko nang makitang sumuntok si Ytang. 'Di ko na talaga napigilan kaya umawat na 'ko sa gitna.

"Frency!" rinig ko pang tawag ni Joyce. 'Di ko na siya malingon pa dahil pinagigitnaan na talaga 'ko nilang lahat -- 'di na 'ko makagalaw pa.

"Ytang!" tawag ko sa pangalan niya para mapigilan 'to, at napabuntong-hininga na naman nang 'di na 'to nakatugon dahil busy 'to sa pakikipag-away. Kay Lowelyn na naman ako lumingon. "Hoy, Lowelyn, tama na 'yan!"

Napaaray na lamang ako nang may humablot sa buhok ko, una'y natawa pa 'ko kasi akala ko si Joyce ang gumawa no'n, pero nang makita ang isang babae na ka-grupo ni Hershly ay napangiwi ako sa gulat. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak lang naman nang napakahigpit sa buhok ko para makawala sa kaniya, pero parang ako talaga ang target niya.

"Ang sama mo, a'!" Biglang dumating si Joyce kaya kaagad akong nakawala roon sa babae. Natatawa akong napatakip sa bibig nang ma-realize na nasali tuloy si Joyce sa away dahil sa 'kin. "Sa dinami-rami ng tatargetin mo, ang inosente pa talaga!" Mas lalo tuloy akong natawa sa sinabi niya. Para sa 'kin ay nagjojoke siya, pero base sa mukha niya'y seryoso pa siya sa seryoso.

"Hoy, umuulan na, magsialisan na kayo!" muli ko na namang pigil sa kanila at sinubukang pumagitna, pero paulit-ulit lang na napapaatras dahil ang babayolente talaga nila: Wala kang makikitang pinakamahina at pinakamalakas. "Ytang at Lowelyn, tama na 'yan!"

Sa tingin ko 'y mawawalan na 'ata ako ng boses. E', wala na akong ibang maisip na tulong kundi ang sumigaw lang.

"Pabayaan mo na nga lang sila." Pawisan na si Joyce nang muli 'tong tumabi sa 'kin. Lutang ko siyang binigyan ng tubig, at walang sabi-sabi niya lang 'tong tinanggap -- bad trip na. "Nakakainis lang -- alam mo na -- sila ang umuna tapos sila pa ang mas galit?"

Kusa tuloy akong napatingin sa nakaaway ni Joyce kanina, at nakita ko nga ang babaeng 'di na maitsura ang mukha. Kawawa naman, sa isip-isip ko. Para siyang literal na binagsakan ng langit at lupa. Kawawa talaga. Mas okay pa tingnan si Joyce dahil nasa ayos pa ang buhok niya, pero parang nagka-hair cancer 'ata ang babae na 'yun.

"Okay ka lang?" walang lingun-lingon niyang tanong sa 'kin. "Wait, 'wag mo muna akong sagutin at may gagawin pa pala ako." Tumayo ito at, walang kibo nalang akong napatango. Bumalik 'to sa away at tinulungan sina Ytang at Lowelyn. Nakakapanibago lang kasi minsan lang siya maging ganito, marahil ay nagalit talaga siya nang labis sa babae na 'yun kanina.

'Di nagtagal ay may isang taong umawat sa kanila, habang ako naman ay tinanaw nalang silang nag-aasaran pa rin kahit may umaawat na sa kanila. Iritadong lumapit si Ytang sa 'kin, si Lowelyn naman ay nagpapadyak-padyak na sa iritasyon.

"Ano'ng nangyari sa 'yo, Joyce?" mayamaya'y tanong ni Ytang. "Bakit ka sumali kanina? Nasaktan ka ba?"

"Malamang, nasaktan, obvious ba?" sarkastikong sagot ni Joyce. Hala, bad trip talaga silang tatlo ngayon, ayaw ko na 'atang magsalita pa at baka ako pa ang mahiritan. "Nakita kong inaway si Frency kanina, tapos ang bruha ay 'di man lang lumaban pabalik!"

Pinanlakihan nila ako ng mata na para bang isang malaking kasalanan ang nagawa ko. "Hala kayo!" reak ko kaagad. "Nagulat lang ako, at isa pa, ayaw ko siyang masaktan!" pagtatanggol ko sa sarili. Nakakaawa pa naman din ang babae na 'yun, na kahit bayolente ay nakakaawa pa rin.

"Ayaw mo siyang masaktan?" 'di makapaniwalang tanong ni Lowelyn at humalakhak. Naku, mukhang malapit na 'atang mabaliw ang isang 'to. "Dapat sinapak mo!"

"Ano'ng pangalan n'on?" iritadong tanong ni Ytang, base sa mukha mukha niya ay may plano 'tong masama. "Charot lang naman!"

Sandali lang kaming nag-usap-usap, at habang ginagawa 'yun ay inaayos na rin nila ang mga sarili kasi tiyak na mapapalayas sila 'pag umuwi silang sabog na sabog ang buhok.

Ngayon ay mag-isa ko nalang nilalakad ang daan patungo sa bahay namin. Mukhang walang tao roon kasi nasa trabaho sina papa at auntie 'pag ganitong oras.

"Frency!" pamilyar na boses ang tumawag sa 'kin. "Wait muna!"

Paglingon ko ay nakita ko si Hershly. Kinakabahan tuloy akong napaatras; nagpalinga-linga para makita kung may makakatulong ba sa 'kin sa oras na saktan ako ng babae na 'to. Mayamaya'y nginitian niya lang ako na para bang 'di kami nag-away kanina. Nilagay pa nga niya ang kulay pink na buhok sa kaliwang balikat nang magkaharap na kaming dalawa.

"Kilala mo ba 'ko?" muling tanong nito, at nalilito naman akong napatango. Mukhang 'di pa niya 'ata ako tuluyang nakikilala, sina Lowelyn at Ytang kasi ang madalas niyang nakakalaban. "I am Marla Jane, but just call me Hershly, 'yan ang third name ko."

Bigla 'ata 'tong naging mabait, pero wala naman akong nakikitang pagpapanggap sa mukha niya. Ayaw ko naman na maging rude ngayong mabait naman ang pakikitungo niya sa 'kin. Sadyang may ganito lang 'ata na tao: Minsan maldita at minsan din mabait.

"Ang ganda ng buhok mo," sabi pa niya.

Kung 'di ako nagkakamali ay nakarinig ako ng hinala at inggit sa boses niya. 'Di ko alam kung papaano 'yun nangyari. "You are a blonde, aren't you?"

Mas lalo pa niyang tinitigan ang buhok ko, habang ako naman ay muli na namang napaatras. Bakit niya..? Bakit niya nalaman? Papaano? Ilang taon ko na 'yang tinago, pero sa isang tingin niya lang sa buhok ko ay nalaman niya na... Papaano?

"Papaano mo nalaman?" sa mababang boses na tanong ko. "Iwanan mo na 'ko." Matapos kong magsalita ay akma na sana akong tatalikod, pero napabalik lang sa dating puwesto nang hilain niya ang kanan kong braso.

"Why do you keep hiding that?" may something na sa tanong nito, para na 'tong nanghihinala, na dahilan para mas lalo akong mamanhid sa kinatatayuan. "You are not a brunette because you're a blonde."

Please, 'wag ka nang magsalita pa!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status