Share

Chapter 4

"Okay ka na ba?" muli ko na namang tanong sa kaniya. Matapos ang nangyari kanina, nawalan na 'ko ng gana na mag-jogging, at siyempre ganoon din naman siya. Ewan ko nalang talaga kung bakit niya pa ako kailangang tanguan sa tanong kong 'yun, kasi halatang malungkot pa rin ang mga mata niya.

Kaya talaga minsan ay ayaw ko sa mga lalaki, kasi kung 'di naman arogante, masyado namang paasa. Though sa sitwasyon kanina, wala namang kasalanan ang lalaki na 'yun dahil natural lang naman na gawin niya 'yun sa girlfriend niya, pero para sa 'kin, mali niya pa rin.

"Jogging tayo ulit bukas, a'?" pag-iiba ko ng usapan, kinuha ko 'yung towel na nasa balikat niya at ako na rin ang nagpahid ng pawis sa noo niya. Para na kasing nawalan na 'to ng lakas para gumalaw. "Kapag nandito si Joyce, papagalitan ka n'on."

Sinubukan ko siyang takutin gamit ang pangalan ng kaibigan kong 'yun. Magaling kasi 'yung mag-advise, at talagang papagalitan ka kapag may mali nang nangyayari. Gusto ko rin namang hayaan nalang si Ytang para makapag-isip-isip siya, pero 'di ko naman kayang pagmasdan nalang siyang nasasaktan.

"Tanghali na ba?" walang gana niyang tanong. "Tara, umuwi na tayo." Tumayo na 'to, habang ako'y nanatili nalang na nakaupo, nakaangat ang tingin sa kaniya.

"Ano'ng meron sa kaniya at nasasaktan ka ng ganito?" mahina kong bulong, at naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa bato na nasa harapan ko, pero nakatabon nga lang ang palad niya sa mukha niya. "May girlfriend na siya, iba nalang ang i-crush mo.."

"Hindi niya 'yun jowa!" bigla 'tong tumawa, pero kagaya kanina ay wala pa ring humor sa boses nito. Hindi ko man siya maintindihan ay ramdam naman ng puso ko ang sakit na 'di 'ko mapaliwanag. "Baka kaibigan lang, alam mo na, baka close friend!"

"Baka nga, pero papaano kung girlfriend talaga?" clueless kong tanong. Nakita ko silang dalawa ng babae na 'yun no'ng isang araw, at sa paraan ng pagtitinginan nila'y malabong hanggang magkaibigan lang ang mga 'to. "Si Jake nalang kaya ang i-crush mo? 'Di ba sabi mo gwapo rin 'yun?"

Sa totoo lang ay 'di ko pa naman nami-meet nang personal ang lalaki na 'yun, pero nga dahil si Ytang na mismo ang nagsabi na gwapo rin 'yun ay naniniwala na 'ko.

"Ha?" tumawa 'to sa narinig, at nabuhay ang katawan ko nang marinig ang tunay na tawa sa boses niya. At least, napatawa ko siya sa pagiging clueless ko. "Ewan ko sa 'yo, masyado kang inosente, tara na nga!"

Siya ang umuna sa pagtayo at tinulungan niya na rin ako para sabay na kaming makauwi. Pagdating naman namin sa mansyon, maingay na sa kusina -- mga tunog lang naman ng naggagalawang maids. Akma na nga sana akong magmamartsa papunta roon nang namalayan kong 'di gumagalaw si Ytang. Siguradong ang dami niya nang iniisip ngayon, at sana pala'y 'di ko na lang siya pinasama rito para 'di siya nasasaktan ng ganito.

"Dali na!" pag-uudyok ko at hinila ang dulo ng shorts niya, kaya patawa-tawa siyang kumapit sa wall para 'di matumba. "Ano ba?! Tara na! Gutom na 'ko!"

"Ayaw ko," maarte niyang angal at akma na sanang lalayo nang todo na talaga ang paghila ko sa short niya. "Baka mainggit ang ate mo sa beauty ko."

"Ha?" nalilito kong tanong. Ito rin ang isa kong problema kapag kasama ko siya, pakiramdam ko kasi ay ako ang pinakatanga sa 'ming dalawa, dahil sa tuwing may sinasabi siyang kakaiba, 'di ko talaga maintindihan. Kagaya ngayon, feeling ko nag-joke siya, pero 'di ko naman ma-gets. In short : ako 'yung may problema.

"Feeling ko adobo ang ulam," nakangusong aniya at tinaas pa ang leeg para malaman ang nangyayari sa kusina. "Tara na nga, bakit ba kasi nahihiya ka pa riyan?" panunuya niya nalang, at sabay na nga kaming naglakad papunta sa dining table. Doon ako umupo sa tabi ni lola, 'tapos si Ytang ay nasa right side ko, panay pa nga ang irap nito habang nakamasid kay ate. Mabuti na nga lang at wala pang nakakamasid sa kaniya bukod sa 'kin.

"Is that you, Arianne?" rinig kong tanong ni Lola, kaya si Ytang naman ay napangiti nang wagas na para bang walang bukas. "Ang taas-taas na ng buhok mo!"

Dahil sa compliment na 'yun, napanguso ang kaibigan ko, kasi pareho kaming hindi gifted when it comes to height. Akala niya siguro na sasabihin ni lola na tumaas na siya kahit papaano. Kahit nga ako, e', napikon, pero pinigilan ko nalang ang sarili para 'di mapahagikhik.

"Grabe siya," maluha-luhang sambit ni Ytang at pinahiran pa ang invisible tears sa mukha. "Pero thank you po!" Tumawa rin 'to kinalaunan.

Matapos ang pag-uusap na 'yun ay puro kamustahan lang ang naganap.

Sa awa naman ng Diyos, mabuti na ang lagay ni lola, maayos na rin 'tong nakakatayo kahit walang umaalalay sa kaniya, pero si mama naman, parang nanghihina, basta ay walang siyang sinasabi, 'tapos kapag ngingiti naman ay hindi sinsero. Siguro ay dahil sa panahon ngayon kaya siya ganito. Uso na kasi ang trangkaso.

Isang oras muna kaming nagpahinga ni Ytang bago nagpasyang bumisita sa bahay. Balak rin kasing umuwi ni Ytang, parang may kukunin 'ata, at isa pa makikipagkita rin kami kina Lowelyn at Joyce -- ewan ko nga lang kong papayagan ba sila kasi tanghali na.

"Oh, nasaan si Ytang, Prens?" pasigaw na tanong ng taong yumakap sa 'kin, kaya kaagad akong napatayo at saka nakita si Lowelyn na mukhang bagong ligo kasi basa pa ang buhok. "Gashong, alam mo bang tinakasan ko si mama?" pagshi-share niya pa at pumalakpak sa ere.

"Hala... Baka magalit si tita niyan!" natataranta kong sigaw. Masyado kasing istrikta ang mama niya, pero paminsan-minsan naman ay nasa-mood. Bagaman nasanay na 'ko na palagi siyang lumalayas, nakakapanibago pa rin. Natatakot ako, sa madaling salita. "Balik ka na roon!"

"Ayst!" reklamo niya at akma na sanang tatalikod nang pangiti-ngiti namang umiling na nagsasabing ayaw niya. Minsan talaga ay nakakalito sila, pero wala akong ibang magawa kundi magtiis, dahil batid ko rin namang nalilito sila sa 'kin paminsan-minsan. "Ang aking kamay is nahi-hurt na kaka-touch ng plato, I am so pagod na pagod!"

"Dapat ay pagpahingain mo 'yang mga kamay mo, Lowelyn!" nakanguso kong sagot at kinuha ang kamay niya at minasahe pa 'to nang marahan. Kung pagod naman siya'y kailangan niyang magpahinga, 'di 'yung lumalayas. Ayst, sana pala ay 'di ko nalang siya pinilit na makipagkita. Ako talaga ang nakapag-trigger sa kaniyang gumawa ng milagro.

"Kaya nga ako nandito para magpahinga!" Nagpipigil pa 'to ng tawa. "Kasi sa bahay, maraming utos doon, nakakasakit sa heart!"

"Hala, may sakit ka na sa puso?" Ito na nga ba ang sinasabi ko, e', masyado siyang busy sa ibang bagay pero 'di niya naman inaalagaan ang sarili niya. Masakit na nga ang kamay niya, pati puso rin pala. "Papaano na 'yan? Ano'ng gagawin mo?"

Sa tingin ko'y dapat na siyang magpa-check-up, kasi 'di biro ang ganiyang sakit. Delikado kapag lumala pa, kaya kailangan nang masuri ng isang eksperto. Si Ytang is brokenhearted, at si Lowelyn naman ay may heartache. May mas ilalala pa ba?

"Mas lalo mo akong sinasaktan!" sigaw niya pabalik at hinila ako para mag-akbayan kaming dalawa. Bagaman palagi 'tong nakangiti, dapat ay 'di niya gawing biro ang sariling sakit. Kailan pa ba kasi siya aaksyon? Kapag kailangan niya nang operahan? Naku, 'wag naman sanang mangyari 'yun, at baka'y ako pa ang unang mamatay.

"Joyce, dali!" masaya naming tawag sa isang babae nang makita namin 'tong nagpalinga-linga na parang may hinahanap. Lumapit 'to sa 'min at parang hinanap si Ytang.

"Nasa bahay, kinuha raw ang nakalimutan," sagot ko kay Joyce at napatango naman siya at ni-roll ang dalawang wire ng headset sa palad niya. "'Di ko rin maintindihan, bakit kailangan pang kunin ang nakalimutan na?"

"Charot!" reak kaagad ni Lowelyn. Ang layo naman ng sagot na 'yun sa sinabi ko, bahala na nga, baka'y may dinadala lang talaga siyang mabigat na problema sa buhay, kasi kahit masiyahin 'to, 'di naman nag-shi-share ng problema sa 'min. "Kasi nga nakalimutan kaya dapat kunin."

"'Bat di nalang kasi hayaan, 'di ba?" lito kong tanong, samantalang si Joyce naman ay patawa-tawa nalang na umiling at pumagitna sa 'min ni Lowelyn at inakbayan kami. "'Tapos ay hayaan nalang na lumapit ang bagay na 'yun.."

"Gashong," nakangising sambit ni Lowelyn. "Masyado ka na 'atang may something, Prens, kumusta na ang status ng puso, may laman na ba?" Nag-apiran silang dalawa ni Joyce, at ako naman ay napaisip sa kung ano ba dapat ang isasagot. May laman? Ang laman ng puso ko?

"May lamang dugo pa naman," nakangiwi kong sagot, at silang dalawa ay napahalakhak. Habang naglalakad ay naisipan lang naman ni Lowelyn na i-house raid si Ytang, pero 'di nga lang ako sure kung ma-susurprise ba ang isang 'yun.

May nadaanan kaming dalawang malalaking aso, mabuti na nga lang at kaibigan ko ang mga 'to kaya walang kagat kaming nakapunta sa bahay ni Ytang. Tahimik naman ang lugar kaya marahil ay siya nalang mag-isa. Parang spy na nagtago si Lowelyn habang kami naman ni Joyce ay walang kibo lang na nakatayo.

"Yey, long time no see, Ytang," bulong ni Lowelyn at may inoperate sa cellphone. Parang magvi-video na 'to base sa paraan ng pagpoposisyon niya sa cellphone. "Ano kaya'ng reaksyon niya? Sa tingin niyo?"

"Baka tatango," si Joyce. Napatingin naman silang dalawa sa 'kin kaya nag-isip na naman ako ng maisasagot.

"Baka tatalon!" sabi ko. "Ganoon 'yun, e'!"

Sinenyasan kami ni Lowelyn na tumabi sa kaniya, at ganoon nga ang ginawa namin. Ako ang nasa gitna kaya ako ang pinakanakakaawa, mabuti nalang at may kabaitan pa si Joyce at umurong pa para mabigyan ako ng space. Malaki pa naman talaga ang pwesto, sadyang trip lang 'ata naming pahirapan ang mga sarili.

Samantala, akma na sanang kakatok si Lowelyn nang tumigil muna 'to para ihanda ang phone. Humagikhik 'to, at nasali na tuloy ako kahit 'di 'ko gets ang balak niya. Well, surprise raw, pero knowing Lowelyn, medyo may pagkaano siya.

"Ano'ng binabalak mo?" mahina kong bulong. 'Di pa nga kami nagkikita ni Ytang ay naawa na 'ko sa kaniya lalo na ngayong galing pa siya sa matinding heartbreak, at isa pa, nakalimutan ko ring ipaalam sa mga katabi kong 'to na ganoon na nga ang nangyari, pero kahit 'ata sabihin ko ay wala pa ring silbi.

"House raiding tawag dito," bulong pabalik ni Lowelyn, nanlalaki ang mga mata na halatang may masama talagang balak. "Isu-surprise natin siya, para may ma-upload na 'ko sa YouTube channel ko -- inaamag na 'yun."

"Next day nalang natin 'to gawin," pag-uudyok ko kay Lowelyn. Wala namang problema si Joyce, sabay lang kasi 'to sa kung ano ang plano namin. "Kasi heart broken siya ngayon."

Napahinto silang dalawa, habang ako naman ay muli na namang naalala ang nangyari kanina. Bagaman kasi na sinabi na ni Ytang na okay na siya ay pakiramdam ko mabigat pa rin ang dibdib niya sa nakita. Ang lalaki na 'yun... Dapat ay sa ibang kalsada sila nag-jogging. Hayst, partly, pakiramdam ko kasalanan ko naman talaga.

"Si Ytang?" pagkaklaro pa ni Joyce na sa wakas ay nagsalita na rin. "Imposible 'ata 'yan, siya ang palaging nagpapaluha, e'. Naaalala niyo pa ba 'yung sinuntok niya noong isang araw? After niya 'tong ni-reject, sinuntok pa sa mukha."

Tinikom ko nalang ang bibig at inalala ang pangyayari na 'yun. Palagi kaming magkasama ni Ytang, kaya lahat ng ganap sa buhay niya ay alam na alam ko rin. Ang 'di ko naman makalimutan sa lahat ay 'yung kinuwento ni Joyce -- gusto ko na tuloy tumawa, umiyak at sumigaw.

Naawa ako sa lalaki kasi double pain ang natanggap, samantalang ang rason naman ni Ytang kaya niya raw ginawa 'yun ay dahil sa mukha raw 'tong manyak na gwapo. Yes, gwapo. Kasi kahit adik ang babae na 'yun sa mga gwapo (lalo na sa mga korean guys) medyo mapili rin siya when it comes sa ugali ng isang guy.

Pero kaagad akong natameme nang may isang lalaking sumakop sa isipan ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status