Napabuntong-hininga nalang ako at umalis na sa pwesto. Mabuti nalang talaga at hindi ko sinama si Ytang. Siguradong magtatampo 'yun o worse magagalit. Pumasok nalang ako sa loob ng mansyon habang nililibot ang tingin sa paligid.
Ganoon pa rin naman ang itsura: May mga naglalakihang glass drawers at mga nakasabit na painting. Doon lang naman ako napaayos ng tayo nang makarinig ng mga yapak. Noong una, akala ko si lola na 'to, pero nang makitang hindi naman pala ay malungkot nalang akong nagbaba ng tingin.
"So, you're here?" blangkong tanong ni Isbelle. Ewan ko kung bakit kailangan niya pa 'yung sabihin kahit halata namang nasa harapan naman talaga niya 'ko. "I actually wasn't expecting you to come back here again."
"Nag-text si lola sa 'kin, 'te."
Mukha pa siyang nagulat sa sinabi ko. Samantala, natigilan naman ako nang ma-realize kung ano ang tinawag ko sa kaniya. "Sabi niya gusto niya raw akong makita." Humina ang boses ko, at kapwa kaming nag-iwas ng tingin.
Pumunta na 'ko sa kwarto ni lola. Nasa second floor lang naman 'to kaya madali ko nang natahak. Kumatok pa 'ko ng isang beses, at saka pumasok na, at doon ko siya nakitang nanghihinang nakahiga sa kama.
"La, okay ka lang po ba?" nag-aalala kong tanong kahit obvious na 'di na 'to okay. "Ano po'ng gusto niyo? Nakainom na po ba kayo ng gamot?"
"Lilipas din 'to," sagot niya sa mababang boses at umupo para makaharap ako. May tinuro naman siya na isang drawer. "Kunin mo ang isang biogesic. Nasa loob ng pink na pouch."
Sinunod ko ang sinabi niya at kaagad na nahanap ang gamot na 'yon. Hindi pa man ako nakakatayo nang biglang bumukas ang pinto, niluwa no'n si ate na parang nagulat din sa presinsiya ko. Grabe talaga siguro ang epekto ng pagtawag ko ng ate sa kaniya, parang 'di pa rin 'to nakaka-move on hanggang ngayon.
"You can go now, I can take care of her alone," utos niya sa medyo nahihiyang boses. Napangiti naman ako dahil doon. Parang achievement na kasi ang makita ang ngiti niya. Pakiramdam ko pa nga ay friends na kami kahit medyo may pagka-cold pa rin siya.
"Sige, 'te," nakanguso kong ani. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil doon, samantalang ako ay abot hanggang langit na ang ngiti sa labi. Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita bagkos ay tumalikod na.
"Frency," boses ni lola. Walang sali-salita ko nalang silang nilingon. "Pwede ba kung dito ka nalang muna? Kahit dalawang araw lang? Miss ka na talaga namin..."
Napaisip ako sandali, nasa isip na naman si papa, pero kailangan ko pa 'atang magpaalam sa kaniya, at 'eto na naman ang pakiramdam na magtatampo siya sa 'kin. Nakakalito lang. Miss ko na rin sila, pero ayaw ko namang maramdaman ni papa na mas gusto ko rito kaysa sa roon.
"Sige po," lutang kong sabi, at nagpilit ng ngiti. Siguradong maiintindihan niya naman ako. At kapag siguro mababanggit ko ang pangalan ni mama ay tiyak na lalambot ang puso niya. Ganoon siya. Marupok si papa, e'. Isang pangalan lang ang magpapahina sa kaniya.
Nagngitian kaming tatlo, at 'yung kay ate talaga ang pinakapeke sa lahat. Nasanay na rin naman ako kaya wala nang problema sa 'kin. Paglabas ko naman ng mansyon, wala na si Spencer at ang girlfriend niya. Marahil ay lumipat na sila sa ibang lugar. Kasi kung dito sila mag-uusap, may makakarinig.
Dalawa na tuloy ang problema ko habang tanaw-tanaw ang napakaliit naming bahay. Bukas na ang mga ilaw, meaning nandito na sina papa at auntie. May natanggap din naman akong messages galing kay Ytang, pero 'di ko nga lang na-replyan kanina kaya tinadtad na tuloy ako ng sermon. Siguradong nakauwi na si Ytang sa kanila. Naku. Paghahampas-hampasin ako noon once na magkita kami. Ganoon 'yun, e'.
"Pa, pwede po ba kung sa mansyon muna ako magpapalipas ng gabi ngayon?" parang tuta kong tanong. Siya ang nagluluto ngayon kaya panay lang ang sunod ko sa kaniya. Nasa sala pa si auntie, kaya ginawa ko na 'tong timing para 'di niya marinig ang pag-uusapan namin.
"Pinapaalam pa ba 'yan?" dinig kong tanong niya. Noong una, akala ko galit 'to kasi nakayuko ako habang sinasabi niya 'yun, pero nang mag-angat ako ng tingin at nang ngumiti ito sa 'kin ay gumaan ang dibdib ko. "Sigurado akong miss mo na ang ate mo."
Hindi na 'ko nag-aksaya pa ng ilang segundo at kumaripas na ng tabo patungong kwarto. Kahit na alam kong may damit na 'ko roon sa mansyon, kumuha pa rin ako ng mga t-shirt sa kawawa kong drawer, at huli ay sinali ko na rin ang dalawa kong underwear.
Habang naglalakad sa madilim na daan, tinexan ko si Ytang. Balak ko kasing humingi ng favor, at 'yun ay ang makiusap na samahan niya 'ko sa mansyon para may kausap naman ako. Knowing Isbelle, robot 'ata 'yun.
"Omoo!" sigaw ni Ytang. Nilingon ko naman siya. May dala-dala na pala 'tong isang bag na halatang punong-puno. "Masyado mo akong ginulat sa text mo kanina, grabe ka!"
"Ikaw lang ang pwede kong matawagan ngayon. Alam mo namang busy sina Lowelyn at Joyce kapag ganitong oras," malungkot kong sabi, bigla na namang na-guilty. Ganito kasi 'yan, habang nag-uusap kami kanina ni papa, feeling ko may nakikinig sa 'min, feeling ko si auntie 'yun. Nag-aalala ako sa kaniya. Baka akalain niyang ayaw ko sa kaniya. 'Di naman totoo 'yun.
"Baka may beauty mask ang ate mo, hingi nalang tayo," usal niya sa ere at may hinalughog sa bag niya. "At lotion din pala. Ubos na ang sa 'kin."
"'Wag," mahina kong pigil. "Baka akalain niyang inaano natin siya. At isa pa, akala ko ba ayaw mo kay Isbelle?"
"Edi hindi na nga!" Tinaas niya pa ang dalawang kamay sa ere, sumusuko. "Kay mother mo nalang tayo hihingi, 'di ba naggagano'n din siya?"
"Nakakahiya. 'Yung lotion nalang ang hiramin natin," parang timang kong sabi. Actually, gusto ko ring makaranas na makasuot ng beauty mask. Gusto kong maramdaman 'yung feeling kapag naglalalagay ng ganoon sa mukha ko, pero kung kay Isbelle lang naman ako hihingi, 'wag nalang. "'Yung lotion nalang," pag-uulit ko.
"Inaway ako ng auntie mo kanina," nakanguso niyang sumbong na nagpaaayos ng tayo sa 'kin. Ano'ng ibig sabihin niya roon? "Bakit ba masyado kang nagtagal doon? Pero don't worry 'di niya naman ako sinapak."
"Sorry talaga, Ytang. Masyado 'ata akong nawili roon at nakalimutan kong tumatakbo pala ang oras," ani ko sa mababang boses at kinarga nang maayos ang dalang bag. Nagdala na rin ako ng mga pantalon, kaya medyo may kabigatan ang bag.
"Basta!" sabi ni Ytang at dinala na ang isa kong bag. Tuloy ay dalawa na ang bitbit niya. "Okay lang 'yun! Tara na!" At pinara niya na ang paparating na tricycle.
Patawa-tawa kaming sumakay at nag-usap na naman ng kung anu-ano -- napag-usapan din namin ang topic about sa opening ng classes at kung kailan kami bibili ng school materials. Bago tuluyang makapasok sa gate ay sinulyapan ko muna 'yung pwesto kung saan ko nakita si Spencer, nang makitang wala namang tao ay nagpatuloy na 'ko sa paglalakad.
"Mukhang maganda 'ata ang mapapanaginipan ko ngayon," biro pa ni Ytang at inupo ang dalang bag sa sofa malapit sa 'min, ganoon na rin nga ang ginawa ko. Hinintay ko nga na may bababa, pero mukhang busy naman 'ata silang lahat.
"Jogging tayo bukas, a'," rinig ko pang alok ng katabi ko. Sumasayaw-sayaw pa 'to sa harapan, kaya wala na akong ibang nagawa pa kundi tumango at ngumuso. 'Di ko alam kung kaya ko bang gumising nang maaga bukas, masyadong nakakapagod ang araw na 'to.
"Nasaan si mama mo?" tanong niya na naman at nagpalinga-linga sa paligid. "Baka magalit siya sa 'kin, a'. Naku, uuwi nalang ako!"
Ganoon nalang ang pagtawa ko nang marinig ang pagkabalisa sa boses niya na nagsasabing kinakabahan talaga siya ngayon. Mahina ko nalang siyang sinapak. "Hindi 'yun, para kang ewan," pagchi-cheer up ko sa kaniya, pero mukhang mas lalo 'tong nailang.
"May dala ka na bang jogging pants?" pag-iiba ko nalang ng usapan, nagsimula na rin sa paghalukay sa sariling gamit para malaman kung may dala ba 'ko para sa jogging kuno namin ng babae na 'to. "Nakadala ka?"
"Siyempre naman!" Ngayon ay bumalik na ang energy niya. May hinanap siya sa bag niya at saka winagayway ang isang gray shorts sa ere. "Opps, walang aangal!"
Napayuko nalang ako para maitago ang tawa. Kaya siguro ganoon nalang ang reaksyon niya kasi batid niya nang hihindian ko kaagad ang short na 'yun. "Hindi, a'," tangi ko kaagad, "bagay nga, e'!"
"Ikaw.. Ano'ng susuotin mo? May dala?" maliksi niyang tanong, pero 'di pa nga ako nakakasagot nang nilagay niya na sa mukha ko ang isang jogging pants -- amoy downy pa nga 'to. "Alam kong makakalimutan mo, kaya ayan!"
Share lang kami ng room ni Ytang, at buong gabi ay hindi ko na nakaharap pa sina mama at ate kasi marahil ay busy ang mga 'to. Si lola nalang ang nabisita ko at sandali itong inasikaso. Bagaman may private nurse siya'y mas masarap pa rin sa feeling na ako talaga ang mismong nag-aalaga sa kaniya.
Kinabukasan naman, 'di pa sumisikat ang araw nang hilain ako ni Ytang papalayo sa kotson, sinasabing kailangan ko nang maghanda para sa jogging namin.
"Inaantok pa po ako," angal ko at inunat ang dalawang braso. Para ma-relax ang sarili'y nagtatalun-talon muna ako. "Dapat last na 'to, a'. Gusto ko pang matulog!"
Pero nang makita ang malawak at tahimik na kalsada ay nagbago na agad ang isip ko -- ayaw ko nang matulog nalang at mag-exercise nalang dapat.
"Mas maganda 'tong nakakagalaw-galaw tayo 'pag umaga," sagot ni Ytang with matching patango-tango pa. "Para health conscious ang future anak natin someday."
Sandali akong nalito, 'di alam kung ano ang sasabihin kaya napatango nalang ako. Ito talagang babae na 'to, ang hilig sa mga baby.
Sabay na nga kaming lumabas. Naka-short siya at sport bra, naka-jacket na rin, same lang lami ng suot pang-itaas, ang kaibahan nga lang ay naka-jogging pants ako.
Noong una ay naglakad-lakad nalang muna kami, hanggang sa marahan nang tumakbo. May kaniya-kaniya naman kaming headset kaya pareho kaming nalibang -- hihinto lang saglit kapag may nakitang kakaiba o kapag may napansing kakaibang halaman at kukunan 'to ng litrato.
Bagaman madalas naman akong narito sa lugar ni lola'y 'di ko pa rin tuluyang kabisado ang lugar, kaya nga ang makapag-libut-libot ng ganito ay napakaganda sa pakiramdam.
Dito rin ako pinanganak -- pero mahirap pa si mama noon -- kaya ang sarap talaga sa pakiramdam habang inaalala 'yung mga moments na naglalaro kami ni ate. Mukhang 'di na 'ata mangyayari 'yun, dahil kahit aminin ko man o hindi, pareho na kaming nag-mamature, kaya imposibleng magkaroon pa siya ng oras na mag-enjoy kasama ako. At sa kabilang banda, ayaw nga niya sa 'kin, 'di ba?
Nasa kalagitnaan ako ng madamdamin na pag-iisip -- muntik pa nga 'kong mapaluha -- nang makita ang isang grupo na binubuo ng mga lalaki at babae. Hula ko'y sampu silang lahat, at ang isang tao na nakakuha ng atensyon ko ay walang ibang kundi si...
"Tara, punta tayo roon!" atat kong bulyaw kay Ytang at pinatalikod siya para makaharap namin ang daan papalayo sa mga paparating na tao. Naroon siya... 'Tapos ay nakita ko siyang may kaakbay, at ang babae ay pamilyar sa 'kin. Parang siya 'yung kausap ni Spencer noong...
"Huh? Bakit?" nalilitong tanong ni Ytang at akma na sanang babalik sa direksyon na tinalikuran namin nang kaagad ko siyang tinulak, pero mas mabilis siya sa 'kin kaya nahuli na 'ko ng kilos. "Bakit mo 'ko iniwas sa kaniya?" tumawa 'to, walang humor sa boses, at dahil doon, na-realize kong nakita niya na sila.
"Pero salamat sa pagprotekta," imik niya at umuna na sa paglalakad, nakalaylay ang dalawang kamay.
"Baka friends lang sila, Ytang, cheer up ka naman diyan!" sabi ko at tinaas ang kamao sa ere para talaga mapagaan ang loob niya, pero batid ko sa sariling mahihirapan akong amuhin ang isang babaeng nagseselos.
Hindi ko maiwasang 'di sisihin ang sarili... Sana pala'y mabilis akong umaksyon kanina. Pero sa sandali naman na 'to, napagtanto kong hindi lang simpleng 'crush' o 'adoration' ang nararamdaman ni Ytang sa lalaki na 'yun, dahil kita ko sa mga mata niya ang lungkot na 'di basta-basta mapapaliwanag ng isang libong salita.
"Okay ka na ba?" muli ko na namang tanong sa kaniya. Matapos ang nangyari kanina, nawalan na 'ko ng gana na mag-jogging, at siyempre ganoon din naman siya. Ewan ko nalang talaga kung bakit niya pa ako kailangang tanguan sa tanong kong 'yun, kasi halatang malungkot pa rin ang mga mata niya.Kaya talaga minsan ay ayaw ko sa mga lalaki, kasi kung 'di naman arogante, masyado namang paasa. Though sa sitwasyon kanina, wala namang kasalanan ang lalaki na 'yun dahil natural lang naman na gawin niya 'yun sa girlfriend niya, pero para sa 'kin, mali niya pa rin."Jogging tayo ulit bukas, a'?" pag-iiba ko ng usapan, kinuha ko 'yung towel na nasa balikat niya at ako na rin ang nagpahid ng pawis sa noo niya. Para na kasing nawalan na 'to ng lakas para gumalaw. "Kapag nandito si Joyce, papagalitan ka n'on."Sinubukan ko siyang takutin gamit ang pangalan ng kaibigan kong 'yun. Magaling kasi 'yung mag-advise, at talagang papagalitan ka kapag may mali nang nangyayari. Gusto ko ri
"Totoo nga," pangungumbinsi ko sa kanila. "Umiyak pa nga. Alam mo 'yung reaksyon na para kang binagsakan ng mundo? Nakita ko 'yan sa kaniya kanina.""Alam mo namang ang hirap paniwalaan niyan," blangkong sabi ni Lowelyn at nagkamot ng ulo. Kung sabagay, 'di ko rin naman sila masisisi. Saksi kaming lahat kung gaano kawalanghiya si Ytang, kaya ang hirap paniwalaan na umiyak siya dahil sa isang lalaki. "Saksi ka, Prens, na kahit kailan 'di natin siya nakitang umiyak kahit noong nabagsakan ang ulo niya ng timbang may tubig -- tumawa pa nga."Napaayos ako ng tayo. Minsan lang kung mag-seryoso si Lowelyn sa isang usapan, madalas kasi'y ginagawa niyang katuwa-tuwa ang mga bagay-bagay. Marahil ay pareho lang kami ng nararamdaman, na dahil sa nakasanayan naming parating malakas si Ytang ay imposible na para sa 'min ang umiyak siya. Pero, nakita ko talaga kanina ang reaksyon ni Ytang, at big deal talaga 'yun sa 'kin."Umalis nalang
Mariin niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinaplos ang buhok ko. Nanghihina nalang akong napahakbang papaatras at humiling na sana ay may makakita sa 'kin, kahit si Ytang man lang o si Lowelyn."'Di ko alam kung bakit mo 'yan tinatago," sabi niya sa nagtatakang boses, habang ako naman ay nag-iwas nalang ng tingin. "Kasi maganda naman, atmarami ang humihiling na ganiyan ang buhok, pero itatago mo lang, bakit?"Salamat nalang at hindi niya na 'ko tinanong pa. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang tumalikod na 'to at iniwan akong may kaunti pa ring kaba sa dibdib. Napahawak ako sa buhok ko. Bakit niya nalaman?'Patuloy lang ako sa pagsusuri sa sariling buhok nang mapansin ko ang dulo na nawawala na ang peke na kulay. Ito pala... Kaya pala nalaman niya. Bumuntong-hininga nalang ako at napatingala sa langit at balik na naman sa buhok. At least, siya lang ang nakapansin nito.
Pagpunta ko sa bahay namin ay tahimik naman ang paligid. Mukhang nasa trabaho pa rin sina auntie at papa. Malapit lang naman ang workplace nila rito. Kargador si papa roon sa poultry farm sa bukid, at si auntie naman ay tagapaglinis.Mabuti na nga lang talaga kasi sabay silang aalis at uuwi. May mga araw naman na wala sila rito, lalo na kapag weekends. Day-off kumbaga.Nagpahinga na nga lang muna ako ng ilang oras dahil masyado 'ata akong napagod sa nangyari kanina. Bagaman marami pa ring katanungan sa isipan ay pinili ko na lamang na kalimutan ang mga 'yun.Hinintay ko sina papa at auntie para makapagpaalam na 'ko. Roon lang ako pumunta sa kusina nang makita si papa na magluluto na. Chance ko rin kasi nasa sala pa si Auntie na nagtatanggal ng medyas at gloves."Kumusta na ang ate mo?" tanong niya. Hindi ako nagkamali. Maririnig pa rin talaga ang kalungkutan sa boses niya. Anak niya rin kasi 'yun, ka
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang tanaw-tanaw si lola na tumatawa nang pagkalakas-lakas. Awtomatiko naman akong napatingin kina mama at ate at nakitang pareho silang walang alam.Lito rin silang nakatingin kay lola. Ilang minuto naman akong nag-isip, batid nang nagjo-joke lang si lola, ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit.Bakit ang saya-saya niya? Well, palagi naman siyang tumatawa, pero iba na kasi ngayon. Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan. At kung ano man ang dahilan na 'yan ay 'di ko talaga alam."Lola, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ni ate kay lola habang 'di naman inaalis ang tingin sa 'kin. Talagang kuryuso siya kasi panay ang taas ng kilay niya ngayon. Si mama naman, samantala, bumalik na sa pagiging cool, pero halata namang clueless pa rin sa nangyaya
***Wala pa rin si Isbelle hanggang ngayon. Gusto ko na tuloy tawagin ang pangalan niya at sabihin na i-enroll niya na 'ko. Kahit kasi nasaloob na ako mismo ng sasakyan ay pakiramdam ko ay nasa labas pa rin ako. Nakaka-awkward ang lugar na 'to.Masyadong high-class. Kahit saan ka tumigin ay wala kang makikitang naka-tsinelas. Lahat sila ay nakasuot ng heels o sapatos. 'Yung about naman sa grupo kanina na kaharap ko, ayun at nasa malayo na. Thank, God talaga at hindi ako nakita ni Spencer!'Di ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Marahil ay talagang kakaiba siya sa paningin ko kanina habang kasama niya 'yung mga tao na 'yun. Feeling ko hindi siya 'yung Spencer na nakilala ko. Feeling ko iba siya kanina.Doon lang ako napaayos ng upo nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Sinenyasan ako ni Isbelle na lumabas na, pero may '
"Hindi naman ako naligaw," mahina kong sagot sabay titig sa drink na nasa harapan ko. "Ikaw rin naman, puwede ka ring maligaw rito."Napatitig siya sa 'kin ng ilang minuto, at muli na naman akong nagbaba ng tingin. Sana naman ay tumupad ng usapan si Isbelle. Sana ay balikan niya ako rito. Kahit na galit siya sa 'kin ay 'di niya naman 'ata hahayaang umuwi ako nang mag-isa,'di ba?Kahit papaano ay nangako siya, kaya sana naman ay tuparin niya.Napatingin ako sa lalaki na nasa harap ko at nakita ang muli niyang pagbaling sa libro na nakalapag. Tuloy ay 'di ko maiwasang 'di isipin na ako ang dahilan kaya naudlot ang pagbabasa niya kanina. "Nagrereview ka? Ituloy mo na 'yan," imik ko at tuluyan na ngang ginalaw ang drink. Namalayan ko naman siyang nag-oorder na rin."Nagrereview? Sin
***Isang tango lang ang sinukli niya at tinalikuran na 'ko. Kahit na hindi ko naman siya kaharap ay nakikita ko naman ang reflection niya sa salamin ng makeup kit ko. Kahit na medyo nadidistract sa presinsiya niya ay nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.Pagkaraa'y natigilan ako sa sariling kinauupuan nang marinig na siyang tumugtog. Nilingon ko siya sandali at nang makita na naka-focus 'to sa pagpapiano ay napariin ang hawak ko sa isang eyeliner. Sa pagkakatanda ko, ito ang pinakaunang pagkakataon na narinig ko siyang mag-play ng piano. At inaamin kong nakakamangha siya."Siguro ay magaling ang mentor niya kaya ganiyan," sabi ko, medyo naging bulong na, natatakot na marinig niya ang sinabi ko kahit na malabo namang mangyari 'yun kasi ilang metro ang layo namin sa isa't isa. "Para siyang classic pianist. Parang wala na akong hihilingin pa kundi marinig siya