Share

His plan

Dahan-dahang nagmulat si Celina, naroon ang ngiti sa kanya dahil ramdam niya pa ang sarap ng kanyang tulog.

Medyo pupungay-pungay pa ang kanyang mata, pinunasan niya ang mga ito bago tuluyang bumangon, nagtaka siya nang makita ang kanyang ninang na nakaupo sa kanyang tabi.

Batid niya na medyo namumula ang mga mata nito at humuhikbi-hikbi pa, maingat itong lumapit at umupo sa higaan para mas makalapit sa kanya.

"Lina, ayos ka na ba?" tanong nito habang hinahaplos haplos ang kanyang buhok.

"Opo ninang, may problema po ba?" taka niyang tanong.

"Lina, may hindi ka ba sinasabi sa akin na problema?" kita niya sa mata ng kanyang ninang na para bang nagmamakaawa ito.

Nagtataka tuloy siya sa inaakto nito ngayon, nag-iisip siya kung alam ba nito ang ginagawa nila ni Vincent, dahil iyon lang naman ang bagay na itinatago niya dito. ‘pero impossible naman na malaman ni Ninang iyon’ sagot niya sa kanyang isipan.

"Wala naman po ninang, bakit po?" tanong niya na lang sa kanyang ninang.

Biglang humigp
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status