Share

One more try

Hindi na pinansin pa ni Celina kung saan tumuloy si Vincent nang lumabas ito sa kuwarto, masama ang loob niya dito at wala na siyang pakialam sa kung ano man ang ginagawa nito o kung sino man ang kasama nito, matagal niya na iyong natanggap sa kanyang sarili.

Kailangan niya na lang ituon ang kanyang pansin sa anak, wala na siyang iba pang dapat pang alalahanin, ang nais niya lang ngayon ay ang tuparin ni Vincent ang pangako nito na siya namang dahilan kung bakit nananatili siya sa mansyon.

Dali-dali na lamang siyang lumabas ng silid upang pahanginan si Lucien kaya naman nadatnan niya ang mga amo ng kanyang ninang sa may veranda ng mansyon.

"Saan nanaman pupunta ang batang iyon!" saad ng senyor Leo nang mapansing umalis nanaman ang apo.

"He's been very busy lately, alam mo ba ang pinag kakaabalahan niya Leandro?" takang tanong ng senyora.

"Beats me mama, but I think it's probably just some girl again," sagot nito

Hindi niya man nais makinig sa usapan ng mga ito ay tila nananadya ang pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status