"Ano hong nangyari Doc?" tanong kaagad ni Vincent matapos nitong masuri si Celina."She just had a little contraction, normal iyan sa mga malapit ng manganak, have you done anything strenuous lately?" baling ng Doctor sa kanya."Uhm, we did have a little activity before this happened," saad niya."Well, please try to avoid that as much as possible, unless you're expecting an early labor," pangaral nito.Tumango na lang si Vincent sa Doctor bago ito umalis, pinagmasdan niya ang dalagang nakahiga sa hospital bed, mukhang maayos na ulit ang pakiramdam nito dahil sa aliwalas ng mukha.Nakahinga na siya ng maluwag nang makitang nappapadilat na si Celina, para kasi siyang mababaliw habang pinagmamasdan ang paghihirap nito kanina, hindi niya nagustuhan ang hitsura ng dalaga habang dinaranas ang matinding sakit habang papunta sila doon.Lumapit na siya dito para siguraduhing maayos na ito, wala naman nakitang problema ang doctor at ayos naman daw ang baby."Are you okay now?" alalang tanong n
Mabilisan ngunit hindi naging madali ang panganganak ni Celina, inabot lamang ng ilang oras ang paglalabor niya nang makarating sila sa hospital dahil na rin sa pangyayari. Pero parang naglahong parang bula ang lahat ng kanyang agam-agam matapos makita ang munti niyang anghel.Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nadarama niya ng mga sandaling iyon, dahil dito ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para lang protektahan at maalagaan ng maayos ang pinakamamahal niyang anak."Ang cute, cute naman niya!" nanggigigil na saad ni Luke."Baby, you're so adorable!" sabi ni Lucy habang nilalaro ang kamay ng munting supling."Hi baby!" bati ni Celina sa anak habang pinagmamasdan ito. Buong ingat niya itong buhat-buhat sa kanyang tagiliran.Hindi nila mapigilang pagkaguluhan at kulitin ang munting bata, halos magbangayan na nga ang magkapatid sa pag aagawan sa atensyon nito kahit panaka-naka lang naman ang pagdilat ng sanggol."Ayeee!" Nanggigigil na tili ni Lucy."Waaa, ang cute!"
Masayang pina-iinitan ni Celina ang anak sa sinag ng araw ng umagang iyon, tuwang-tuwa niyang pinagmamasdan ang paglalaro nito sa sariling mga kamay, pinipilit kasi ni Lucien na kainin ang mga mittens na nakasuot sa kamay nito."Nagugutom ka na ba baby? Huwag mo kainan yan," natatawa niyang sabi sa anak.Bigla niyang naaninag si Vincent na nakatingin mula sa balcony ng mansyon, tila nagtaasan ang kanyang balahibo sa panlilisik ng mga titig nito sa kanya, kaya minabuti niya na lang ang lumipat ng puwesto upang makaiwas dito.Nagtungo na lang siya sa garden para doon painitan ang anak, naalala niya kasing naroon ngayon ang ate Melinda niya at nagdidilig, bigla naman naglikot si Lucien habang naglalakad siya kaya naman tumigil muna siya para maiayos ang pagkakarga dito.Isang malakas na ngawa ang kumawala sa munting paslit kaya naman dali-dali niya itong hinele."Anong problema ng baby ko, ha?" pagpapatahan niya dito.Tumigil din naman ito matapos ang ilang minuto ng paghehele niya, pero
Hindi na pinansin pa ni Celina kung saan tumuloy si Vincent nang lumabas ito sa kuwarto, masama ang loob niya dito at wala na siyang pakialam sa kung ano man ang ginagawa nito o kung sino man ang kasama nito, matagal niya na iyong natanggap sa kanyang sarili.Kailangan niya na lang ituon ang kanyang pansin sa anak, wala na siyang iba pang dapat pang alalahanin, ang nais niya lang ngayon ay ang tuparin ni Vincent ang pangako nito na siya namang dahilan kung bakit nananatili siya sa mansyon.Dali-dali na lamang siyang lumabas ng silid upang pahanginan si Lucien kaya naman nadatnan niya ang mga amo ng kanyang ninang sa may veranda ng mansyon."Saan nanaman pupunta ang batang iyon!" saad ng senyor Leo nang mapansing umalis nanaman ang apo."He's been very busy lately, alam mo ba ang pinag kakaabalahan niya Leandro?" takang tanong ng senyora."Beats me mama, but I think it's probably just some girl again," sagot nitoHindi niya man nais makinig sa usapan ng mga ito ay tila nananadya ang pa
Isang malambing at tulog na tulog na Vincent ang bumungad kay Celina pakagising, mahigpit itong nakayakap sa kanya, kaya naman nanatiling magkadikit ang mga hubad nilang katawan.Hindi alam ni Celina kung anong oras siya nakatulog ng gabing iyon, hindi niya din mabilang kung ilang ulit nilang ginawa iyon. Ang tanging naaalala niya lang ay ang mga ungol at sigaw niya dahil sa mga ginagawa sa kanya ni Vincent.Dahan-dahan siyang bumangon sa higaan. Kumuha na lang siya ng tuwalya para itakip sa katawan bago silipin ang anak, himbing na himbing pa din itong natutulog dahil na din siguro sa may aircon ang kuwarto.Inayos niya ang kumot ng anak bago tumuloy sa banyo para maligo. Hinayaan ni Celina na umagos ang tubig ng shower sa kanyang katawan, napapaisip siya kung tama lang ba ang ginawa niya kagabi, natatakot kasi siya sa kahihinatnan ng kanyang desisyon.Napatigil lang siya sa pagmumuni-muni nang may biglang pumulupot na mga kamay sa kanyang baywang, hindi niya napigilan ang mapatalon
Nagising si Celina sa katok sa pinto ng kanilang kuwarto, pupungay-pungay pa siyang tumayo ng higaan papunta dito."Lina! Lina!" tawag ng ninang Isme niya."Sandali lang po ninang!" saad niya.Bubuksan niya na sana ang pintuan nang bigla siyang mapatingin sa higaan, natutulog pa pala si Vincent ng walang pang itaas, bigla nagising ang diwa niya at nataranta sa kung anong dapat gawin."Lina! Buksan mo na itong pinto," utos ng ninang niya."Sa...sandali lang po!" utal niyang sagot dito sabay nagmamadaling tumakbo papunta sa kama."Vincent! Vincent! nandiyan si ninang," inalog niya ito pakabulong.Dumilat naman ang binata ng kunot na kunot ang noo, halatang naalimpungatan dahil antok pa ang mga mata nito, sabay silang napatingin sa pinto nang muling marinig ang katok doon."Lina! May problema ba? Lina!" halata na ang pag-aalala sa boses ni ninang Isme."Shit!" gulat na saad ni Vincent sabay agad na tumayo, hindi nito malaman kung saan pupunta.Dali-dali nitong kinuha ang t-shirt sabay na
Masayang nagtutupi si Celina ng mga damit, tulala at hindi pa din maka usad sa date nila ni Vincent ilang araw na ang nakakaraan. Panaka-naka siyang nananaginip ng gising, habang binabalikan ang masaya nilang alaala."Get dressed, we're going out!" doon lang siya nawala nang marinig ang boses nito.Biglaan pumasok ang binata sa kuwarto at seryosong-seryoso ang mukha. Nagtataka tuloy siya kung bakit nanaman ito ganoon."Vincent, may problema ba?" mahinahon niyang tanong, palakad-lakad kasi ito sa kwarto."It's nothing, just hurry up and get ready."Dama ni Celina ang kakaibang tensyon sa boses ng binata, tuwid na tuwi ang mukha nito habang naghahalughog sa loob ng silid.Halatang hindi mapakali si Vincent, lumabas din ito pakatapos ng ilang ikot sa kuwarto nila, nagmadali na siyang nagpalit ng damit, matapos noon ay isinunod niya na si Lucien at hinanda na ang mga gamit nito.Lumabas na siya ng kuwarto nang hindi bumalik si Vincent doon, nakasabay niya ang senyora sa pagbaba ng hagdan.
Apat na araw na ang nakalipas matapos matuklasan ni Celina kung nasaan si Vincent kapag wala ito sa mansyon, hanggang ngayon ay patago pa din siyang umiiyak dahil sa nadadama, sobrang ang kanyang pagsisisi ng mga panahon iyon.Sa isip-isip niya, kung naging matapang lang siya katulad ni Lucy, wala sana siya sa ganoong sitwasyon, siguro ay tahimik siyang namumuhay kasama ang anak.Subalit napakadami niyang pangamba na siyang pumipigil sa kanya, wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin na lang na talagang walang patutunguhan ang relasyon nila ng ama nito at pumapayag na lamang sa nais ng binata para makasiguradong magiging maayos ang kinabukasan ng anak.Dahan-dahan niyang hinahaplos ang mukha ni Lucien habang hinihele ito, sa anak na lang siya kumukuha ng lakas para makayanan ang hapdi at sakit na dinaranas niya ngayon, wala naman din siyang mapagsabihan ng sama ng loob dahil ayaw niyang lumikha ng gulo.Nagpapasalamat na lang siya at hindi pa din umuuwi si Vincent, kahit masakit sa