Share

Chapter 14

Pagpasok niya sa loob namangha siya sa nakitang silid. Para kasi iyong ipinasadya sa kaniya. Ngayon lang siya naka-experience ng ganoon kagandang silid na sa mga magazines ng mga hotel niya lang nakikita.

Mabilis niyang ibinaba ang mga gamit sa tabi ng sofa at inikot ang paningin. Kulay light pink ang loob niyon, may isang malaking kama sa gilid at isang cabinet. Binuksan niya ang pinto na nakita niya, at mas lalo siyang namangha sa nakita roon. Napakalinis ng banyo na kompleto sa gamit mula sa towel at mga gamit pambabae.

Bigla siyang napaatras nang bahagya. Naisip niya na baka mali siya ng napasukang silid.

Humakbang siya palabas at muling dinampot ang mga gamit, pero natilihan siya dahil ang hawak niyang susi ay tugma sa silid na iyon.

Baka mali lang ang susi na naibigay sa kaniya!

Binuksan niyang muli ang pinto at lumabas.

“Isabella? Bakit po kayo lumabas at saan ninyo dadalhin ang mga gamit ninyo?” anang tinig mula sa labas ng gate.

Napalingon siya roon. Isang matandang babae
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status