Share

Chapter 57

“Sa wakas, nasolo rin natin ang buong resort,” bulong ni Skye kay Isabella habang naglalakad sila sa hallway ng resort.

“Umayos ka! Yung mga empleyado ninyo nakatingin sa atin. P’wede bang mag-behave ka muna? Isa pa, may lakad ka bukas kaya kailangan mo ng magpahinga.” Inirapan niya ito at nauna ng pumasok sa loob.

Isang malakas na halakhak ang narinig niya mula rito. Pagkatapos, nagmamadali itong sumunod sa kaniya.

“I’m just kidding! Halika, ililibot kita sa buong resort.”

Isang hallway ang kanilang dinaanan at pagdating nila sa dulo ay isang lugar na tahimik ang bumungad sa kanila. Kita roon ang kalmadong karagatan na kakulay ng langit sa pagka-asul.

“Sa lugar na ito maganda ang sunset, habang sa kabila naman ang sunrise.” Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. “Sinadya kong ipalagay ito dahil hindi natin alam kung ano ba ang gusto ng mga guest; kung mas maganda ba sa kanila ang sunset or sunrise.”

Tumango siya. “I think, this is a perfect scenery.”

Lumapit ito sa kaniya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status