Share

Chapter 58

Nagising si Isabella sa malakas na tunog ng kaniyang cell phone. Patamad niya iyong kinuha at hindi na tiningnan kung sino ang tumatawag.

“Hi, babe! I missed you!” anang tinig na kilalang-kilala niya.

Ngumiti siya. “Missed you too,” namamaos niyang tugon.

“Hey . . . Are you alright? May sakit ka ba? Bakit ganiyan ang boses mo?” sunod-sunod na tanong ni Skye.

Umayos siya ng higa at sinapo ang ulo. Sa isang araw pa magsisimula ang kaniyang klase kaya puwede pa siyang magsiesta nang matagal sa kama.

“Babe?” untag ni Skye nang hindi siya sumagot.

“Ayos lang ako. Kagigising ko nga lang.” Tiningnan niya ang orasan. Mag-a-alas-nueve na pala.

“Alright. But make sure, okay? Parang ramdam ko hanggang dito ang katamlayan mo.”

“OA naman nito! Okay lang po talaga ako, Mr. Blue.” Niyakap niya ang malaking teddy bear na katabi.

“I am not. Well, siguro talagang missed mo lang ako. Hayaan mo, pauwi na rin naman ako sa isang araw kaya maghanda ka na. Magpalakas ka dahil uubusin ko ang lakas mo,” pilyo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status