Isaac Walton: The Highest Bidder

Isaac Walton: The Highest Bidder

By:  Anning   Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
43views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Walang magawa si Carla kung hindi ang kumapit sa patalim. Mahigpit ang pangangailangan niya dahil nasa hospital and kanyang kapatid. It was only her last resort. Maganda siya, virgin, at lahat ng katangian na gusto ng mga lalaki ay meron siya. Kaya naman hindi kataka-taka na sa halagang isang daang milyon ay may bumili sa kanya. Pero ang hindi niya inaasahan na ang lalaking nagbayad ng ganon kalaki para sa kanya ay isang Bilyonaryo. A billionaire known for his nicknames beast, monster, and devil. But the question is, how long can Carla stand with him?

View More
Isaac Walton: The Highest Bidder Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
No Comments
3 Chapters
Chapter 1
Hindi na siya pwedeng umatras. Gagawin niya ito para sa kapatid niya. She's too desperate.Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ni Carla. One hundred million. Iyon ang presyo ng virginity niya. Wala naman siyang ibang mapagpipilian. Wala sila ni anong property o mahalagang kagamitan na maaaring ibenta o isanla maliban sa kanyang katawan.Agaw-buhay sa ospital ang kapatid niyang si Bryle. Habang nakikipagkarera ng bisikleta sa mga kabarkada nito ay aksidenteng nabundol ito at tumilapon ang yayat na katawan. Tinakbuhan ito ng nakabangga at ngayo'y kailangan niyang pasaning mag-isa ang pagpapa-opera sa kapatid upang hindi ito mamatay."Wala akong ibang maitutulong sa'yo malibang tiyakin na magiging maayos ang bidding," naalala niyang sabi ni Gia.Kababata niya ito at naging kaklase sa kolehiyo. Isang sem lang ang nakuha niya sa kursong HRM. Dahil sa kakulangan sa pera at sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang, hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral. Biro nga nito, parang tumapak
Read more
Chapter 2
"Talaga ba, anak?""Opo, nay! Papakyawin daw ng magandang babae ang paninda natin. At gusto niya rin daw mag-order para sa birthday ng mommy niya!""Aba'y mukhang hindi lang mabait itong anak mo, Carla. Suwerte pa sa negosyo mo!" 'ika ni Aling Petra."Tama po kayo.""Makakauwi na po tayo nang maaga, nay. Atsaka, di ba, po puyat kayo?"Natawa si Carla sa sinabi ng anak. Napakahusay talaga nitong mag-isip. Sa edad nito na apat ay matalino ito at madiskarte. Hindi ito nagiging pabigat sa kanya, sa halip ay ito pa ang nagiging katuwang niya sa pahahanap-buhay.Bukod sa naisalba niya ang buhay ng kapatid na si Bryle, ang anak niya rin ang isa pang magandang nangyari four years ago. At hindi niya pinagsisisihan ang nangyari noon kahit pa naging mahirap para sa kanya ang magpalaki ng bata na mag-isa at walang ama. Kakayanin niya lahat at hindi siya mapapagod na ibigay sa anak niya ang mga bagay na kaya niyang ibigay.Alam niyang magtatanong ang anak kung saan ang ama nito, pero alam din ni C
Read more
Chapter 3
"Ang laki pala ng bahay nina Ate Steffie!" namamanghang bulalas ni Fiona nang umibis ito ng sasakyan kasunod si Carla.Bagay na ikinangiti lang ng ina. Katulad ng sabi ni Steffie, ipinasundo sila nito sa driver para dumalo sa paanyaya sa kaarawan ng Mommy nito. "Ganyan po ba iyong tinatawag na palasyo, Nanay?""Medyo malaki pa riyan ang palasyo, anak. Pero tama ka, para ngang palasyo sa laki ang bahay na ito," at habang nakatayo sila sa harapan ng mala-palasyong bahay ay nakaramdam siya ng pangungunti. Masyadong alanganin ang bihis niya na simpleng bestida at flat na sandalyas. Mabuti na lamang ang anak niya ay maayos at mukhang mamahalin ang suot na damit. Iyon iyong huling damit na ibinigay ni Annika para rito. Hindi na baleng magmukha siyang yaya ng anak, ang mahalaga ay presentable ito."Ate Carla!"Natuwa si Willa nang makita si Steffie. Ang ganda-ganda nito lalo dahil nakaayos ito at ang ganda-ganda ng bihis. Para itong prinsesa sa mga fairy tale."I'm glad you made it," wika
Read more
DMCA.com Protection Status