Share

Two

Kunot-noo kong sinundan si Riley na humahalo sa mataong hallway at may kausap na babae bago ito iniwan. Matalin ang tingin ko sa babae habang dumadaan sa harap nito. Naging mahirap sa akin ang habulin si Riley, kusa kasing tumatabi ang bawat nakakasalubong niya pero pagdating sa akin ay kailangan kong makipagsiksikan. 

Napairap ako dahil sa bilis ng lakad niya, bakit ba kasi ang tangkad ng lalaki 'yon? Ayaw ko mang aminin ay maliit ako para humabol sa malalaki niyang hakbang. Hindi ko na makita kung saan lumiko si Riley, ngunit hindi ako sumuko. Nang lumuwag na ang hallway ay malaya na akong nakatakbo.

Ni hindi ko alam kung bakit siya umiling nang makita ako at bigla na lang umalis. We are not close pero kahit na! Bakit kailangan umiling diba? May ginagawa ba ako na hindi niya nagustuhan? 

The bell rang, an indication that lunch's over,  babalik na sana ako sa classroom ng marinig ang announcement, "all students please proceed to the school grounds. The selection will begin in few minutes. I repeat. All students please proceed the the school grounds. The selection will begin in few minutes. Thank you!"

Right! Tiyak na papuntang school grounds si Riley, hindi lang dahil sa announcement pero dahil siya ang isa sa manguguna sa selection. He's the president of one of the clubs, eto pala yung event na inaasikaso niya!

Bago pumunta sa school grounds ay inayos ko muna ang aking sarili sa powder room. I put a light tint in my small lips, nagpolbo rin ako at inayos ang hati ng aking buhok lalo na ang aking bangs.

I confidently walk and look for Riley's club's booth. Ngunit bago ako tuluyang makarating roon ay naagaw ng isang booth ang aking pansin.

Photography Club.

I bit my lower lip and walked towards it. Titingnan ko lang. Iilan lamang ang pumapansin sa club, sa lahat ata ng narito ay ito ang natatanging dadalawa ang nakapila. There's two people who are entertaining the students.

Hindi ko alam na nag eexist ang club na ito, walang school activities na hinahandle ang Photography club. Pumila ako sa likod ng babae upang makinig sa sinasabi ng lalaking nagoorient. He explained the mission and vision of the club, pati na rin ang requirements at kailangan naming gawin para tuluyang maging miyembro.

".... the club president is on his way," he ended. Nilingon ko ang club ni Riley. Kita ko ang mahabang pila ng kalalakihan doon. I don't want to be judgemental pero ang mga babaeng naroroon ay maiikli ang buhok at naka pormang lalaki, at kung titingnan ay tigasin.

Pinagmasdan ko si Riley na kausap ang kanyang mga kasama sa club, ang pinakamalaki sa kanila ay nagpatunog ng kanyang leeg, habang ang iba naman ay nag latag ng malaking mat sa kanilang pwesto.

Binawi ko ang tingin sa club na iyon dahil may tumikhim sa unahan. I locked eyes with the arrogant-looking Clymer Fegalquin, his hazel brown eyes  darted into me, tila sinusuri kung bakit ako naroroon.

Wait don't tell me that he's....

"Good day, everyone. I am the Photography club's President....." 

What the heck?

Isang pagbagsak ang muling kumuha hindi lamang ng aking atensyon ngunit ng lahat. Ang mat na nakalatag sa club ni Riley ay naroroon ang malaking tao na nakadagan sa isang estudyanteng nakapila kanina. 

"I didn't know na ganyan pala ang batayan ng Martial Art Club," isa sa naka pila ang nagsalita. 

Binigyan kami ng isang form na kailangan i-fill up, iyon ay tila waiver na sinasabing sa Photography Club kami sasali. Agad akong nag fill up, kung kanina ay pinagiisipan ko pa ang pag-sali dito ay ngayon buo na ang loob ko. Bahala na gagawa na lang ako ng ibang paraan para makasama si Riley nang hindi sumasali sa club nila, hindi ako makakasurvive doon! That club is crazy!

Naghintay pa kami ng ibang sasali sa club bago kami dinala sa office ng journalism. The photography club has a partnership with the journalist ayon  kay Clymer, wala kasi silang makuhang photojournalist. Dahil sa kakaonting bilang ng Photography club members ay walang nagawa ang dating president upang tanggapin ang offer ng journalism.

Kaya hindi makilala ang Photography club! Everyone thinks that it doesn't exist dahil sa dyaryo lamang nakikita ang efforts ng club and it's mistaken as a work of the Journalist. 

"Do you have your cameras?" Clymer asked. "This will be your first task, lalabas kayo at kukuhanan ninyo ang nagaganap sa selection sa labas, kasama niyo ang mga na recruit na journalist," tinuro niyo ang mga baging miyembro ng Journalism.

Tumango kami at tuluyang lumabas. Kasama ko si Davey, yung journalist na partner ko. We went back to the school grounds, she is busy talking down notes while I'm taking pictures of the busy ground.

"Doon tayo sa MA club," hindi pa ako nakakasagot ay nanakbo na siya tungo roon. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil 'yon ang club ni Riley pero agad ding nawala ng hindi ko siya nakita roon.

Their recruitment is on-going. Davey talked the guy named Gavin, he is the Vice President. Siya rin yung malaking lalaki na halos baliin ang buto yung lalaki kanina. Kinuhanan ko ng litrato ang dalawnag babaeng naglalaban sa mat. Ayon kay Gavin, siya ay incharge sa pag-test ng lalaki at si Shannon, the girl in the mat, naman ang bahala sa babae. Wait, this Shannon girl, siya yung kausap ni Riley earlier! So she's part of his club kaya sila nagusap kanina. Hinintay pa namin ang turn ng isang lalaking sasali sa club upang kunan ito ng litrato.

"We need to find Riley Romualdez," sabi ng kasama ko.

"Why?" nilingon niya ako na parabg tinatabong kung bakit ako nagtanong.

"We need to get more information at dapat nagmumula iyon sa MA President," hinila ko siya ng matanaw si Riley papasok ng building. Mabilis naming tinakbo ang distansya, kaya nang marating si Riley ay habol ko amg aking hinga.

"Mr. Romualdez!" Davey shouted, parang media sa TV na naghahabol sa importanteng tao para isang ilang panayam. May future talaga to sa Journalism, baka balak maging parte ng media.

Agad akong umayos ng tindig nang lumingon si Riley. Ito ang unang pagkikita namin matapos niyang maibigay ang letter. Nagtagal ang tingin ko sa kanya bago ko sinundan si Davey.

Davey asked a lot of questions, pati ata history ng MA club ay natanong niya. Kinuhanan ko lang sila habang nakikinig sa mga isinasagot ni Riley.

Ilang sandali pa ay natapos ang interview and we asked if he could stand beside their booth along with their new members. Ako ako kumuha ng litrato, apat iyon at ang panghuli ay kay Riley lang nakafocus. I silently giggled pero matapos ibaba ang camera ay nasalubong ko ang titig ni Riley. Hindi ko mabasa ang ekspresyong nakaguhit sa kanyang mga mata.

"Thank you, Riley. Salamat sa cooperation ng club niyo," ani Davey

"Welcome. Salamat din sa pag feature sa amin,"

"Sige, mauna na kami," Davey waved bago ako hinila.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa loob ng aking bag habang naglalakad kami ni Davey palayo.

You have a new message from Clymer Fegalquin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status