THANK YOU MGA QUEENE'S SA PATULOY NA PAGBIBIGAY NG GEMS.
Nanghihina na umupo si Brenda sa plastic chair sa loob mismo ng silid ng anak niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na makita niya si Rheniel dito sa ospital. Ilang sandali pa pumasok ang mga nurses. "Excuse me, Ma'am. Kailangan po naming dalhin ang pasyente sa top floor. Ngayon isagawa ang blood transfusion." Pagbibigay alam ng nurse habang tinatanggal ang swero mula sa sinasabitan nito. Lumapit siya sa mga ito. "Pwede bang malaman.kung sino ang blood donor ng anak ko?" Naisipan niyang itanong upang makumpirma kung totoo ang hinala niya.Umiling ang dalawang nurse. " Hindi po namin alam Ma'am. Inutusan lang po kami na e-transfer ang bata sa top floor sa magiging bagong silid niya. Doon na lang din daw simulan ang blood transfusion.""Ah ganun ba? S-sige." Lumilipad ang isip niya habang kinukuha ang mga gamit nila ng anak niya. Kahit hindi sabihin ng mga ito sa kanya, malakas pa rin ang kutob niya na si Rheniel ang may pakana ng lahat ng 'to.Pagdating sa top floor, ma
Napahawak si Brenda sa kanyang dibdib habang nakatingin sa likuran ni Rheniel na unti-unting lumalayo sa kanyang paningin. Alam niyang nasaktan niya ito ng sobra. Nagdesisyon siya para sa sarili niya na hindi muna tinitimbang kung masasaktan din ba ito sa paglayo niya. Lalo na ngayon, hindi pa rin niya alam kung paano sabihin rito ang lahat ng mga nangyari sa buhay niya ng umalis siya sa tabi nito. “Kung alam mo lang Rheniel, mas pinili kong layuan ka, kaysa patuloy na madamay ang pamilya mo dahil sa pamilyang pinagmulan ko.” Hanggang ngayon, nakaabang pa rin ang tiyuhin niya-kapatid ng Daddy niya sa lahat ng mga galaw niya. Alam niyang walang panama ang kapangyarihan ng tiyuhin niya kung ikumpara sa kapangyarihan mayroon ang mga Crawford. Ngunit sapat na ang tinatawag na paghihiganti para sa mga ito. “Kapag nalaman kong bumalik ka sa pamilya Crawford, hindi kami natatakot mamatay at pumatay. Wala man kaming sapat na kapangyarihan upang lumaban sa kanila, ngunit masaya na kaming pumata
Sa kabilang banda, tulala si Brenda habang nakatingin sa anak niya. Hindi pwedeng iasa na lang niya kay Rheniel ang lahat ng mga gastusin sa loob ng ospital. Kailangan pa rin niyang may pera sa bulsa sakaling may mga gamot na kailangang bilhin sa pharmacy sa labas. Ilang sandali pa nakareceive siya ng mensahe na pwede na siyang magsimula bukas sa pagiging President’s Secretary with or without requirements. Gusto niyang sumigaw sa tuwa ngunit agad niyang pinigilan ang sarili ng ma realize ang sinabi ng assistant HR Manager kanina. Hindi ba at sinabi nitong hindi siya nakapasa? Bakit ngayon bigla na lang siyang sinabihan na magsisimula na siya bukas sa trabaho niya? Naeexcite siya bagamat kinakabahan. Sana nga magkaroon na siya ng trabaho upang hindi naman siya dehado kay Rheniel. Baka pati siya kasama pa sa pabigat. Kinabukasan hindi natuloy ang pag trabaho niya sa RB. Hindi rin kasi siya mapakali gayung nasa ospital ang anak niya. Isa pa baka isipin ni Rheniel na pinapabayaan niya an
Hindi namalayan ni Rheniel ang sarili na nasa harapan na pala siya ng pintuan ng banyo. At ang mga kamay niya ay nakaangat na sa hangin upang katukin sana ito. Ngunit hindi niya magawang ituloy ng muli na namang nanumbalik sa kanya ang sakit ng ginawa ni Brenda na pag-iwan sa kanya. Sumandal siya sa pintuan habang patuloy na nakikinig sa mga paghikbi ni Brenda sa loob ng banyo. Nakapikit siya at hinayaan na tumulo ang mga luha niya. Nanatiling nakatikom ang kanyang kamao. Naiinis siya sa sarili niya sa mga oras na ito. Mahal pa rin niya si Brenda. Hindi niya maikakaila iyon. Kailangan muna niya ng space. Ngunit ang tagal na ng space na binigay niya para sa kanyang sarili upang kalimutan ito. Ngunit bakit hindi pa rin niya magawa? Mabilis niyang pinahid ang luha niya at pinuntahan ang anak. Napagpasyahan niyang umalis na muna. Wala siya sa kanyang tamang pag-iisip. Baka kung ano pa ang masasakit na salita na lalabas sa dila niya kapag pilitin niya ang sarili na kausapin si Brenda.“I’m
Napaawang ang labi ni Brenda dahil sa narinig. Hinaplos nito ang malambot at nakaawang niyang mga labi. Alam niyang lasing lang ito kaya nito nasabi iyon. Ngunit bukas pag gising niya muli itong matauhan. Muli nitong maalala ang ginawa niya.Umiwas siya ng tingin at bahagyang tinulak ito. "Lasing ka lang Rheniel, kung kaya nakaya mong sabihin iyan." Tumalikod siya ng may nagbabadyang luha sa mga mata."Brenda, galit ako sayo…alam mo ba iyon?"Ramdam niya ang hinanakit sa boses nito."Ngunit mas galit ako sa sarili ko. Bakit? Dahil tangina nandito ka pa rin!"Natigilan siya ng marinig ito. Gusto niyang lumingon ngunit pinipigilan siya ng mga luha niya."Brenda, bakit mo ako iniwan noon?" Panunumbat nito sa kanya."I'm sorry, Rheniel." "Tangina, hindi yan ang gusto kong marinig!"Napapitlag siya dahil sa biglang pagtaas ng boses nito. Kahit nakatalikod siya ramdam niya ang galit doon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot."Rheniel, malalim.ang dahilan ko kung bakit kita iniwan noon." H
Isang linggo ang nakalipas nakapag desisyon na rin ang dalawa na ilabas si Gabrien sa ospital. “Ihinto mo lang diyan sa tapat ng pulang gate.” Tiningnan ni Rheniel kung saan nakaturo ang direksyon ng mga kamay ni Brenda. Nakita niya ang malaking bahay na hanggang tatlong palapag. Nakangiti rin na itinapat niya sa harap ng pulang gate ang kanyang mamahaling sports car. Sabay silang lumabas ng kotse. “Ako na ang magbubukas ng gate.” Nakangiting wika ni Rheniel sabay hawak sa pulang gate na akmang bubuksan ito. Nagtataka naman na binalingan ni Brenda ang kasintahan. Huminto siya sa paglalakad ng napagtanto kung saang gate ang tinutukoy nito. “Hoy! Trespassing yang ginagawa mo! Baka gusto mong ipakaladkad kita sa mga aso ko!” Napatingin silang dalawa sa itaas ng veranda kung saan nandoon nakatayo ang isang dambuhalang babae na nasa mid forties ang edad. Napapikit si Brenda sa pagkapahiya ng makita ang galit na galit na mukha ng ginang. “Sunshine?” nagtatanong ang mga mata ni Rhenie
Habang nasa biyahe, biglang nagpaalam si Brenda. “Ahmm, mahal, gusto ko lang sanang magpaalam.” “Magpaalam? Mukhang kinakabahan naman ako niyan. May pupuntahan ka ba?” sinulyapan siya nito habang nagdadrive. “Hindi, I mean gusto ko sanang magtrabaho.” Pagbibigay alam niya rito. “Huh? Bakit kanpa magtatrabaho? Alagaan mo na lang si Gab.” malumanay nitong sagot. “Eh, kasi..ganito kasi yun. Bago pa man tayo nagkitang muli, nakapag-apply na ako ng kumpanya. Nakakahiya naman kung hindi ako papasok bukas. Nagsabi na kasi ako na magsisimula na ako sa trabaho ko bukas.” paliwanag niya. “Sunshine, hindi naman sa ayaw kong magtrabaho. Gusto ko lang na walang nagmamay-ari sa oras at atensyon ng asawa ko kundi kami lang ng anak ko.” Nakasimangot na sinulyapan niya ito. “Hindi naman nila makukuha ang oras ko eh.” Katwiran pa rin niya. “No, ayoko pa rin. Hindi ako papayag na magtatrabaho ka. Kung gusto mong magtrabaho, gusto kong sa kumpanya ko. Gusto kong nakikita kayo ng anak ko.” “Hindi b
Di nagtagal bumalik si Richard sa opisina niya dala ang files ni Brenda. Agad niyang binuksan ito. “Brenda Mijares Polido—Crawford.” dugtong niya habang lihim na nagbabasa ng buong pangalan ni Brenda sa Application nito. Nakangiti siya. Naimpress siya dahil sa katalinuhan ng future wife niya. Tinalo pa sya nito sa exam na ginawa ng Kuya Rhayan niya dahil Full marks ang resulta nito. Sumulyap siya sa gawi ng babaeng sekretarya kuno niya. “Kunin mo ang Employee ID niya.” Utos niya kay Richard. Halatang nagpipigil lang siya ng kanyang galit. May kababalaghan ba sa ilalim ng bawat departamento niya ng hindi niya alam? Namumutla naman sa takot ang mukha ni Cherrie ng maramdaman na pinagdududahan na siya ng presidente. Gusto na niyang tumakbo palabas ng opisina nito ngunit pinagbabantaan siya ng mga matatalim na titig ni Richard. Baka lalong madagdagan ang parusa niya kapag lumabas siya. “Ito po sir.” Binigay ni Richard ang ID. “Brenda M. Polido, Executive Secretary.” So, wife to be ng