Hindi namalayan ni Rheniel ang sarili na nasa harapan na pala siya ng pintuan ng banyo. At ang mga kamay niya ay nakaangat na sa hangin upang katukin sana ito. Ngunit hindi niya magawang ituloy ng muli na namang nanumbalik sa kanya ang sakit ng ginawa ni Brenda na pag-iwan sa kanya. Sumandal siya sa pintuan habang patuloy na nakikinig sa mga paghikbi ni Brenda sa loob ng banyo. Nakapikit siya at hinayaan na tumulo ang mga luha niya. Nanatiling nakatikom ang kanyang kamao. Naiinis siya sa sarili niya sa mga oras na ito. Mahal pa rin niya si Brenda. Hindi niya maikakaila iyon. Kailangan muna niya ng space. Ngunit ang tagal na ng space na binigay niya para sa kanyang sarili upang kalimutan ito. Ngunit bakit hindi pa rin niya magawa? Mabilis niyang pinahid ang luha niya at pinuntahan ang anak. Napagpasyahan niyang umalis na muna. Wala siya sa kanyang tamang pag-iisip. Baka kung ano pa ang masasakit na salita na lalabas sa dila niya kapag pilitin niya ang sarili na kausapin si Brenda.“I’m
Napaawang ang labi ni Brenda dahil sa narinig. Hinaplos nito ang malambot at nakaawang niyang mga labi. Alam niyang lasing lang ito kaya nito nasabi iyon. Ngunit bukas pag gising niya muli itong matauhan. Muli nitong maalala ang ginawa niya.Umiwas siya ng tingin at bahagyang tinulak ito. "Lasing ka lang Rheniel, kung kaya nakaya mong sabihin iyan." Tumalikod siya ng may nagbabadyang luha sa mga mata."Brenda, galit ako sayo…alam mo ba iyon?"Ramdam niya ang hinanakit sa boses nito."Ngunit mas galit ako sa sarili ko. Bakit? Dahil tangina nandito ka pa rin!"Natigilan siya ng marinig ito. Gusto niyang lumingon ngunit pinipigilan siya ng mga luha niya."Brenda, bakit mo ako iniwan noon?" Panunumbat nito sa kanya."I'm sorry, Rheniel." "Tangina, hindi yan ang gusto kong marinig!"Napapitlag siya dahil sa biglang pagtaas ng boses nito. Kahit nakatalikod siya ramdam niya ang galit doon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot."Rheniel, malalim.ang dahilan ko kung bakit kita iniwan noon." H
Isang linggo ang nakalipas nakapag desisyon na rin ang dalawa na ilabas si Gabrien sa ospital. “Ihinto mo lang diyan sa tapat ng pulang gate.” Tiningnan ni Rheniel kung saan nakaturo ang direksyon ng mga kamay ni Brenda. Nakita niya ang malaking bahay na hanggang tatlong palapag. Nakangiti rin na itinapat niya sa harap ng pulang gate ang kanyang mamahaling sports car. Sabay silang lumabas ng kotse. “Ako na ang magbubukas ng gate.” Nakangiting wika ni Rheniel sabay hawak sa pulang gate na akmang bubuksan ito. Nagtataka naman na binalingan ni Brenda ang kasintahan. Huminto siya sa paglalakad ng napagtanto kung saang gate ang tinutukoy nito. “Hoy! Trespassing yang ginagawa mo! Baka gusto mong ipakaladkad kita sa mga aso ko!” Napatingin silang dalawa sa itaas ng veranda kung saan nandoon nakatayo ang isang dambuhalang babae na nasa mid forties ang edad. Napapikit si Brenda sa pagkapahiya ng makita ang galit na galit na mukha ng ginang. “Sunshine?” nagtatanong ang mga mata ni Rhenie
Habang nasa biyahe, biglang nagpaalam si Brenda. “Ahmm, mahal, gusto ko lang sanang magpaalam.” “Magpaalam? Mukhang kinakabahan naman ako niyan. May pupuntahan ka ba?” sinulyapan siya nito habang nagdadrive. “Hindi, I mean gusto ko sanang magtrabaho.” Pagbibigay alam niya rito. “Huh? Bakit kanpa magtatrabaho? Alagaan mo na lang si Gab.” malumanay nitong sagot. “Eh, kasi..ganito kasi yun. Bago pa man tayo nagkitang muli, nakapag-apply na ako ng kumpanya. Nakakahiya naman kung hindi ako papasok bukas. Nagsabi na kasi ako na magsisimula na ako sa trabaho ko bukas.” paliwanag niya. “Sunshine, hindi naman sa ayaw kong magtrabaho. Gusto ko lang na walang nagmamay-ari sa oras at atensyon ng asawa ko kundi kami lang ng anak ko.” Nakasimangot na sinulyapan niya ito. “Hindi naman nila makukuha ang oras ko eh.” Katwiran pa rin niya. “No, ayoko pa rin. Hindi ako papayag na magtatrabaho ka. Kung gusto mong magtrabaho, gusto kong sa kumpanya ko. Gusto kong nakikita kayo ng anak ko.” “Hindi b
Di nagtagal bumalik si Richard sa opisina niya dala ang files ni Brenda. Agad niyang binuksan ito. “Brenda Mijares Polido—Crawford.” dugtong niya habang lihim na nagbabasa ng buong pangalan ni Brenda sa Application nito. Nakangiti siya. Naimpress siya dahil sa katalinuhan ng future wife niya. Tinalo pa sya nito sa exam na ginawa ng Kuya Rhayan niya dahil Full marks ang resulta nito. Sumulyap siya sa gawi ng babaeng sekretarya kuno niya. “Kunin mo ang Employee ID niya.” Utos niya kay Richard. Halatang nagpipigil lang siya ng kanyang galit. May kababalaghan ba sa ilalim ng bawat departamento niya ng hindi niya alam? Namumutla naman sa takot ang mukha ni Cherrie ng maramdaman na pinagdududahan na siya ng presidente. Gusto na niyang tumakbo palabas ng opisina nito ngunit pinagbabantaan siya ng mga matatalim na titig ni Richard. Baka lalong madagdagan ang parusa niya kapag lumabas siya. “Ito po sir.” Binigay ni Richard ang ID. “Brenda M. Polido, Executive Secretary.” So, wife to be ng
“Sunshine, anong ginagawa mo?” Mabilis na hinatak ni Rheniel si Brenda mula sa loob ng taxi. Mabuti na lang naabutan pa niya ito. “Akin na nga si Gab, mamaya itakbo mo pa ang anak ko eh.” Kinuha niya ang anak mula sa braso ni Brenda. Nakita niya ang pagtulis ng nguso nito habang nakatingin sa kanya.Imbes na mainis siya dahil sa ginawa nito, malakas na tawa ang pinakawalan niya dahil sa nakikita niyang reaksyon ng mukha nito. “Halika ka nga dito, pinakaba mo ako kanina.” Hinapit niya ang baywang ni Brenda at ginawaran ng halik sa labi.“Sino ba kasi ang hindi mainis. Ikaw naman pala ang CEO ng RB pinahirapan mo ako kanina.” Masama pa rin ang loob ni Brenda dahil sa paglilihim ni Rheniel.“Sorry na, hindi ko naman kasi akalain na may ganito pa lang mangyayari. Ang gusto ko lang naman sana sorpresahin ka, ngunit ako pala ang na sorpresa. Pero hinayaan naman kitang makabawi sa kanila di ba?” Hinalikan ni Rheniel ang noo niya. Ngunit parang hindi pa rin siya natunawan sa sama ng loob. Ki
“Sunshine, ano ang nangyari sayo?” Nag-alala ni nilapitan ni Rheniel si Brenda. Saka pa lang nakabalik si Brenda sa sarili ng maramdaman ang presensya ni Rheniel sa harapan niya. Mabilis niyang pinahid ang luha at nagpanggap na parang walang nangyari. “May problema ka ba? Kung tungkol sa nangyari na sagutan natin kanina, I’m Sorry. Hindi ko alam na nandyan pala ang buwanang dalaw mo–” “Wala na ‘yun. Halika na nagugutom na ako.” Agaw niya sa sinabi ni Rheniel. Hinawakan niya ang braso nito at inakay pabalik sa kanilang table. Buong akala niya nakauwi na ang kanyang pinsan, ngunit doon pa pala nakaupo malapit lang sa table nila. Bigla siyang kinabahan. “Ah, mahal, biglang sumakit ang tiyan ko. Pwede bang sa bahay na lang tayo kumain? Take-out na lang natin ang pagkain.” “Huh?” Bigla namang tumayo si Rheniel at binitawan ang kubyertos na hawak nito. “Sobrang sakit ba ng tiyan mo?” Pasimple siyang sumulyap sa gawi ng pinsan niya na ngayo’y matalim na nakatitig sa kanya. “Ahhh, oo, an
“Sir, nandito na ang ni-request mo.” Sabay silang napatingin sa gawi ni Richard na kasalukuyan nakalusot ang ulo sa nakaawang na pintuan ng opisina. Katatapos lang nilang kumain at kasalukuyan ng naghahanda para sa monthly meeting ng kumpanya.“Ang alin?” Nagtataka na tanong ni Rheniel.“Yung dugo na ni-request n’yo po mula sa blood bank.”Namumula ang mukha ni Brenda na tiningnan si Rheniel. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Saka pa lang naalala ni Rheniel ang kalokohan niya. “Ilagay mo na muna sa freezer.” utos niya kay Richard.Waring natatakot naman ito na pumasok sa kanyang opisina. “Oh, bakit ganyan ang mukha mo?” tanong niya rito.“Sir, wala naman kayong lahing bampira hindi ba?”“Tangina! Ano ba ang pinagsasabi mo?” inis niyang tanong rito.Mabilis nitong pinasok ang ilang bags ng dugo sa freezer. “Wala po sir, alis na po ako.” Kumaripas ito ng takbo palabas ng kanyang opisina.“Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at nag-order ka ng dugo sa blood bank?” naiinis na tanong ni Br