Pinilig niya ang ulo. Bakit niya ba iniisip 'yon? Hindi naman mangyayari ang bagay na 'yon.Hindi magagawa ni Grant na gumawa ng malaking kasalanan sa kanya. Mahal siya ng asawa niya.Mahal na mahal."Kiara." Huminto siya sa paglakad at nilingon ang taong bumanggit sa pangalan niya."Tito Paul?" Tumayo ang tiyuhin ni Grant mula sa bench lobby na para bang hinihintay talaga siya. "Pwede ba tayo mag usap?" Nagtataka man ay tumango siya. Pumunta sila sa pinakamalapit na Coffee Shop. Matapos mag order ng Coffee ay agad na nagsalita si Tito Paul."Binanggit ni Ate Graciela na ikaw ang nakatapos ng tattoo design na matagal na n'yang pinipilit na mabuo at hinahanap." Naguguluhan man siya sa sinasabi nito ay nagawa niya pa rin magtanong. "Ano po ang ibig niyong sabihin, Tito Paul? Saka bakit hinahanap ni Mama ang tattoo design na 'yon?" Hindi niya maintindihan. Bakit gano'n nalang kahalaga 'yon sa biyenan niya?"Naaalala mo na ba kung saan mo 'yon nakita, Kiara?" Tanong nito imbis na sag
[Kiara]"Thank you, Mr. Ortiz." Matapos mai-close ang deal ay agad na nakipagkamay si Grant sa matandang kaharap."I should be the one thanking you, Mister Saavedra. Thank you for trusting our company!" Ngiting-ngiti na wika ng matanda. "You too have a nice day!" Ani pa nito bago sila iniwan mag asawa.Narito sila sa Madrid, ang Capital City ng Spain.Katulad ng gusto ni Grant ay sumama siya sa business meeting nito dito sa Spain. Napansin niya na madalas ay gusto ni Grant na palagi siyang kasama. Minsan nga kapag nasa Shop siya ay bigla nalang 'to susulpot at may dalang pagkain galing sa mamahaling restaurant. Kahit kapag nasa bahay ito kapag restday ay gusto nito na nakadikit lang siya rito.Kaya nga halos araw-araw siyang kinikilig.Tama nga ang sinabi ni Grant sa kanya noon. Clingy ito— na gustong-gusto niya naman.Matapos ang meeting ay naglibot silang dalawa. Syempre hindi mawawala ang picture taking."Mahal, isa pa!" Tumayo siya at nagpose ng nakahugis puso ang dalawang kamay ha
Saavedra mansion...."Si Tita Graciela?" Tanong ni Olivia sa kasambahay na si Lylia. "Nasa loob po— Teka lang po, Ma'am Olivia! Hindi po kayo maaaring pumasok—""Manahimik ka ngang bwisit ka!" Sikmat ni Olivia sa kasambahay. "Sino ka para pagbawalan ako? Kasambahay ka lang rito, di'ba?!" Nagyuko ng ulo si Lylia. "Utos po 'yon ni Senyorito Grant na huwag kayong papasukin sa loob—"Hindi na hinintay ni Olivia ang iba pang sinasabi nito. Pumasok na siya sa loob para kausapin ang ina ni Grant.Saka alam ni Olivia na wala si Grant kaya sinadya niya talaga na magpunta sa mansion."Tita Graciela!" Agad na lumapit si Olivia kay Graciela at b****o. "How are you?" "Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Graciela sa halip na sagutin ang dalaga.Natigilan si Olivia. Mukhang hindi ito natuwa ng makita siya."I'm here para pag usapan ang tungkol sa plano natin—""Olivia, wala na akong plano na paghiwalayin pa si Kiara at ang anak ko." Ani Graciela na kinabigla ng dalaga."What?!" Hindi makapaniwala
Palinga-linga si Olivia habang hila-hila ang dalang maleta. Dalawang araw na ang nakalipas ng mangyari ang aksidente. Ngayon nga ay paalis na siya papunta ng England para doon magtago.Alam niya na malalaman ni Grant ang ginawa niya. Makapangyarihan ang pamilya ni Grant. Sa oras na mahuli siya ay tiyak na hindi na siya makakalabas pa ng kulungan. At tiyak siya na kahit ang pamilya niya ay walang magagawa para tulungan siya.Huminto siya sa paglalakad ng may kalalakihan na humarang sa daraanan niya. Takot na napaatras si Olivia ng ipakita ng may edad na lalaki ang hawak na lisensya kasabay ng warrant."Miss Cruz, arestado kayo sa salang attempted murder sa biktimang si Mrs. Graciela Saavedra. May karapatan kang manahimik at kumuha ng abogado." "Let me go!" Hiyaw ni Olivia habang pilit na nagpupumiglas ng hawakan siya ng dalawang pulis sa braso. "Wala akong kasalanan! It was an accident!" Patuloy na hiyaw niya kaya naman halos karamihan ng nakarinig at nakakitang mga tao ay nakatingin
[Kiara]'She's safe for now'Pareho silang nakahinga ng maluwag ni Grant sa sinabi ng doktor. Sigurado na matutuwa din si Kian kapag nalaman na ligtas ang Lola nito. Sa ngayon.Wala parin kasing kasiguraduhan kung kailan magigising ang ina ni Grant. Hinaplos niya ang buhok ni Kian na nakatulog nalang kaiiyak sa bisig ni Grant."Mahal, magpahinga ka na muna." Hindi pa natutulog si Grant. Pagkagaling nito ng office ay dinala agad nito si Kian rito. Kita niya ang pagod sa mukha nito."Ikaw ang magpahinga, mahal—""Mahal, wala naman akong ginagawa rito sa hospital kaya ayos lang ako." Putol niya sa asawa. "Ikaw ang kailangan magpahinga sa atin. Sabay-sabay mong ginagawa ang lahat, baka mamaya ay ikaw naman ang magkasakit." Nag aalala na siya kay Grant. Paano kung ito naman ang magkasakit?Hinaplos niya ang buhok ni Kian. "Matulog ka muna, Mahal. Samahan mo si Kian, sabihin mo sa kanya na ligtas na si Mama pagkagising niya." Tumango si Grant. Hinalikan siya nito sa labi bago umalis.Hin
[Kiara]"Mahal!" Agad na lumapit si Grant sa kanya at yumakap. Bakas ang tuwa sa mukha nito. "Si Mama nagising na!" Tumulo ang luha niya sa narinig. Ramdam niya ang tuwa ng asawa niya. Alam niya na masayang-masaya ito. Pero hindi niya mai-singit ang tuwa sa puso niya ngayon. Mas lamang ang takot at awa...Takot dahil baka kapag nalaman nito ang ginawa ng daddy niya ay mas lalo lang siyang hindi nito matanggap para kay Grant. Natatakot din siya na baka maging siya ay kamuhian ni Grant dahil sa ginawa ng ama niya.Naaawa rin siya sa ginang... Dahil alam niya ang pakiramdam ng gahasain.... Nakakatakot at masakit sa dibdib...Pero hindi maaari na hindi niya sabihin rito ang totoo. Hindi siya mananahimik.... Hindi niya pagtatakpan ang ginawa ng Daddy niya! Hinding-hindi!"Mahal, bakit namumutla ka?" Hinaplos ni Grant ang pisngi niya. "Halatang pagod na pagod. Ihahatid kita mamaya—"Matamlay siyang umiling. "Hindi na, Mahal. Gusto kitang samahan rito para samahan si Mama." Tanggi niya."W
Umawang ang labi ni Grant sa sinabi ng ina. "Ma, ano ang ibig mong sabihin? Hindi 'yan totoo!" Mapait na tumango ang ina ni Grant. "Totoo ang sinasabi ko, Grant... George is not your biological father.... Mahal na mahal niya ako kaya inako niya ang pinagbubuntis ko kahit na hindi niya naman ito tunay na anak." Parang sasabog ang dibdib niya sa lahat ng nalaman niya.Si Grant pala ang tunay na anak."K-Kaya hindi kayo pwede ni Kiara... Isang malaking kasalanan na nagmahalan kayo..." Humagulhol na sabi pa ng ina ni Grant.Kinalas niya ang pagkakayakap ni Grant sa hita niya."Wala kang dapat ikabahala, Ma.... Hindi naman ako isang Somana... Dahil ampon lang naman ako." Bumakas ang pagkalito sa mukha ng mag ina. Si Aling Josia naman ay halatang nabigla."I'm filing for annulment... Gusto kong maputol kung anuman ang ugnayan na mayro'n tayo, Grant... Gamitan mo ng koneksyon para mas mapadali ang proseso." Aniya bago lumabas ng silid na 'yon."H-Heart...." Natigil siya sa paghakbang ng m
[Scene thirty-two years ago]"Ate, paano na tayo ngayon na wala na sina Nanay at Tatay?" Umiiyak na tanong ng labing tatlong taon na si Paul sa kapatid na si Graciela na labing pitong taong gulang naman."Shh, wag kang maingay... gusto mo ba na umiyak din si Greta kapag nakita niya na umiiyak ka?" Saway ni Graciela sa kapatid habang masuyong hinahaplos ang buhok ng sampong taong gulang na si Greta. Kamamatay lang ng mga magulang nila. Na-aksidente ang mga ito habang lulan ng tricycle. Bumangga ang tricycle sa isang malaking dump truck ng basura na ikinasawi agad ng buhay ng mga 'to.Bilang panganay ay pinakita ni Graciela ang katatagan, kahit ang totoo ay natatakot siya....Tama si Paul... Paano na sila? Sapat ba ang pagtitinda niya ng mga kakanin para buhayin ang dalawa n'yang kapatid? Wala silang kamag anak na mahingian ng tulong... Labing pitong taong gulang pa lang siya at tanging pagtitinda lang ng mga kakanin ang alam niya... Noong nabubuhay pa kasi ang magulang nila ay hindi