Thank you for reading 📚 ❤️
Palinga-linga si Olivia habang hila-hila ang dalang maleta. Dalawang araw na ang nakalipas ng mangyari ang aksidente. Ngayon nga ay paalis na siya papunta ng England para doon magtago.Alam niya na malalaman ni Grant ang ginawa niya. Makapangyarihan ang pamilya ni Grant. Sa oras na mahuli siya ay tiyak na hindi na siya makakalabas pa ng kulungan. At tiyak siya na kahit ang pamilya niya ay walang magagawa para tulungan siya.Huminto siya sa paglalakad ng may kalalakihan na humarang sa daraanan niya. Takot na napaatras si Olivia ng ipakita ng may edad na lalaki ang hawak na lisensya kasabay ng warrant."Miss Cruz, arestado kayo sa salang attempted murder sa biktimang si Mrs. Graciela Saavedra. May karapatan kang manahimik at kumuha ng abogado." "Let me go!" Hiyaw ni Olivia habang pilit na nagpupumiglas ng hawakan siya ng dalawang pulis sa braso. "Wala akong kasalanan! It was an accident!" Patuloy na hiyaw niya kaya naman halos karamihan ng nakarinig at nakakitang mga tao ay nakatingin
[Kiara]'She's safe for now'Pareho silang nakahinga ng maluwag ni Grant sa sinabi ng doktor. Sigurado na matutuwa din si Kian kapag nalaman na ligtas ang Lola nito. Sa ngayon.Wala parin kasing kasiguraduhan kung kailan magigising ang ina ni Grant. Hinaplos niya ang buhok ni Kian na nakatulog nalang kaiiyak sa bisig ni Grant."Mahal, magpahinga ka na muna." Hindi pa natutulog si Grant. Pagkagaling nito ng office ay dinala agad nito si Kian rito. Kita niya ang pagod sa mukha nito."Ikaw ang magpahinga, mahal—""Mahal, wala naman akong ginagawa rito sa hospital kaya ayos lang ako." Putol niya sa asawa. "Ikaw ang kailangan magpahinga sa atin. Sabay-sabay mong ginagawa ang lahat, baka mamaya ay ikaw naman ang magkasakit." Nag aalala na siya kay Grant. Paano kung ito naman ang magkasakit?Hinaplos niya ang buhok ni Kian. "Matulog ka muna, Mahal. Samahan mo si Kian, sabihin mo sa kanya na ligtas na si Mama pagkagising niya." Tumango si Grant. Hinalikan siya nito sa labi bago umalis.Hin
[Kiara]"Mahal!" Agad na lumapit si Grant sa kanya at yumakap. Bakas ang tuwa sa mukha nito. "Si Mama nagising na!" Tumulo ang luha niya sa narinig. Ramdam niya ang tuwa ng asawa niya. Alam niya na masayang-masaya ito. Pero hindi niya mai-singit ang tuwa sa puso niya ngayon. Mas lamang ang takot at awa...Takot dahil baka kapag nalaman nito ang ginawa ng daddy niya ay mas lalo lang siyang hindi nito matanggap para kay Grant. Natatakot din siya na baka maging siya ay kamuhian ni Grant dahil sa ginawa ng ama niya.Naaawa rin siya sa ginang... Dahil alam niya ang pakiramdam ng gahasain.... Nakakatakot at masakit sa dibdib...Pero hindi maaari na hindi niya sabihin rito ang totoo. Hindi siya mananahimik.... Hindi niya pagtatakpan ang ginawa ng Daddy niya! Hinding-hindi!"Mahal, bakit namumutla ka?" Hinaplos ni Grant ang pisngi niya. "Halatang pagod na pagod. Ihahatid kita mamaya—"Matamlay siyang umiling. "Hindi na, Mahal. Gusto kitang samahan rito para samahan si Mama." Tanggi niya."W
Umawang ang labi ni Grant sa sinabi ng ina. "Ma, ano ang ibig mong sabihin? Hindi 'yan totoo!" Mapait na tumango ang ina ni Grant. "Totoo ang sinasabi ko, Grant... George is not your biological father.... Mahal na mahal niya ako kaya inako niya ang pinagbubuntis ko kahit na hindi niya naman ito tunay na anak." Parang sasabog ang dibdib niya sa lahat ng nalaman niya.Si Grant pala ang tunay na anak."K-Kaya hindi kayo pwede ni Kiara... Isang malaking kasalanan na nagmahalan kayo..." Humagulhol na sabi pa ng ina ni Grant.Kinalas niya ang pagkakayakap ni Grant sa hita niya."Wala kang dapat ikabahala, Ma.... Hindi naman ako isang Somana... Dahil ampon lang naman ako." Bumakas ang pagkalito sa mukha ng mag ina. Si Aling Josia naman ay halatang nabigla."I'm filing for annulment... Gusto kong maputol kung anuman ang ugnayan na mayro'n tayo, Grant... Gamitan mo ng koneksyon para mas mapadali ang proseso." Aniya bago lumabas ng silid na 'yon."H-Heart...." Natigil siya sa paghakbang ng m
[Scene thirty-two years ago]"Ate, paano na tayo ngayon na wala na sina Nanay at Tatay?" Umiiyak na tanong ng labing tatlong taon na si Paul sa kapatid na si Graciela na labing pitong taong gulang naman."Shh, wag kang maingay... gusto mo ba na umiyak din si Greta kapag nakita niya na umiiyak ka?" Saway ni Graciela sa kapatid habang masuyong hinahaplos ang buhok ng sampong taong gulang na si Greta. Kamamatay lang ng mga magulang nila. Na-aksidente ang mga ito habang lulan ng tricycle. Bumangga ang tricycle sa isang malaking dump truck ng basura na ikinasawi agad ng buhay ng mga 'to.Bilang panganay ay pinakita ni Graciela ang katatagan, kahit ang totoo ay natatakot siya....Tama si Paul... Paano na sila? Sapat ba ang pagtitinda niya ng mga kakanin para buhayin ang dalawa n'yang kapatid? Wala silang kamag anak na mahingian ng tulong... Labing pitong taong gulang pa lang siya at tanging pagtitinda lang ng mga kakanin ang alam niya... Noong nabubuhay pa kasi ang magulang nila ay hindi
[Scene thirty-two years ago]Binaboy siya ng lalaki. Paulit-ulit. Kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi siya nito pinakinggan...Itinali siya ng lalaki sa kama... Duguan ang hubad na katawan at luhaan ang mukha.Nakikita din niya ang pangsingkot nito ng kulay puti na tila ba tawas na nabibili sa tindahan. Hindi rin nito inaalis ang maskara na suot."T-Tama na po! Maawa ka!" Paulit-ulit siyang nagmamakaawa pero bingo ito. Minsan naisip niya na mabuti pa na mamatay nalang siya... Pero kapag naiisip niya sina Paul at Greta ay gusto niya pang lumaban. Kailangan n'yang mabuhay para sa mga kapatid niya...Matapos gamitin ng marahas ay tulala siyang nakatingin sa kawalan. Rinig niya ang malakas na boses ng magkakaibigan. Halatang nagkakasiyahan ang mga ito.Ilang araw na ba siya rito? Lima? Anim?Takot na niyakap niya ang sarili ng makarinig ng yabag. "A-Ate..." Agad na tumulo ang luha ni Paul ng makita ang kalagayan niya. Lumapit agad ito sa kanya para alisin ang tali sa pulsuhan niya na
[Kiara]Isang buwan na mula ng lisanin nila ang mansion ng mga Saavedra. Sa loob ng isang buwan na 'yon ay napansin niya ang pagiging tahimik ng anak n'yang si Kian. Palagi itong nakatingin muna sa malayo.Hindi man nito sabihin ay alam niya na namimiss nito si Grant.Pinahid niya ang luha na agad naglandas sa pisngi niya ng maalala si Grant. Hanggang ngayon ay parang dinudurog ang puso niya sa sakit. Dito muna sila nanirahan sa lugar kung saan lumaki si Aling Josia. Nang sabihin niya na magpapakalayo - layo siya ay nag suggest ito na dito muna sila tumuloy. Gawa sa buho at kawayan ang bahay ni Aling Josia. Hindi man kalakihan ay kumpleto naman sa kagamitan at kumportable silang mag ina.Natigil siya sa pagsampay ng makita ang paghinto ng mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay na tinutuluyan nila.Kumunot ang noo niya ng makita ang Kuya Kier niya na bumaba mula roon.Ano ang ginagawa ng Kuya niya dito? Saka paano nito nalaman kung nasaan siya?Pinunas niya ang kamay sa magkabilang g
Hindi si Kiara nakagalaw sa pagkabigla ng lumapit sa kanya si Aling Josia—Ang tunay n'yang ina!"Anak!" Bumuhos ang masaganang luha ni Josia... Ang ilang taon na pangungulila ay natapos na. Ngayon ay yakap na niya ang kanyang anak na napakatagal n'yang hinanap...Hindi namalayan ni Kiara ang dahan-dahan na pagpatak ng luha.Si Aling Josia pala ang kanyang tunay na ina! Simula ng malaman niya na ampon lang siya ay sumagi sa isip niya kung makikita pa ba niya ang tunay n'yang mga magulang. Ang daming tanong sa isip niya.May kapatid ba siya? Ano ang mukha ng mga magulang niya? Hinanap ba siya ng mga ito? O pinaampon siya dahil hindi siya mahal?"Aling— M-mama na po ba ang itatawag ko sayo?" May luha sa mata na lumayo siya rito.Sunod-sunod na tumango si Josia sa anak. "Ang sarap sa pandinig na tawagin mo akong 'Mama, anak." Hinawakan nito ang kamay ni Kiara. "Sobrang tagal kitang hinanap. Ang tagal akong umasa na makikita kita ulit anak. Hindi ako sumuko, kahit isang beses, naniniwala