Maraming salamat sa pagbabasa 📚
[Kiara]Isang buwan na mula ng lisanin nila ang mansion ng mga Saavedra. Sa loob ng isang buwan na 'yon ay napansin niya ang pagiging tahimik ng anak n'yang si Kian. Palagi itong nakatingin muna sa malayo.Hindi man nito sabihin ay alam niya na namimiss nito si Grant.Pinahid niya ang luha na agad naglandas sa pisngi niya ng maalala si Grant. Hanggang ngayon ay parang dinudurog ang puso niya sa sakit. Dito muna sila nanirahan sa lugar kung saan lumaki si Aling Josia. Nang sabihin niya na magpapakalayo - layo siya ay nag suggest ito na dito muna sila tumuloy. Gawa sa buho at kawayan ang bahay ni Aling Josia. Hindi man kalakihan ay kumpleto naman sa kagamitan at kumportable silang mag ina.Natigil siya sa pagsampay ng makita ang paghinto ng mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay na tinutuluyan nila.Kumunot ang noo niya ng makita ang Kuya Kier niya na bumaba mula roon.Ano ang ginagawa ng Kuya niya dito? Saka paano nito nalaman kung nasaan siya?Pinunas niya ang kamay sa magkabilang g
Hindi si Kiara nakagalaw sa pagkabigla ng lumapit sa kanya si Aling Josia—Ang tunay n'yang ina!"Anak!" Bumuhos ang masaganang luha ni Josia... Ang ilang taon na pangungulila ay natapos na. Ngayon ay yakap na niya ang kanyang anak na napakatagal n'yang hinanap...Hindi namalayan ni Kiara ang dahan-dahan na pagpatak ng luha.Si Aling Josia pala ang kanyang tunay na ina! Simula ng malaman niya na ampon lang siya ay sumagi sa isip niya kung makikita pa ba niya ang tunay n'yang mga magulang. Ang daming tanong sa isip niya.May kapatid ba siya? Ano ang mukha ng mga magulang niya? Hinanap ba siya ng mga ito? O pinaampon siya dahil hindi siya mahal?"Aling— M-mama na po ba ang itatawag ko sayo?" May luha sa mata na lumayo siya rito.Sunod-sunod na tumango si Josia sa anak. "Ang sarap sa pandinig na tawagin mo akong 'Mama, anak." Hinawakan nito ang kamay ni Kiara. "Sobrang tagal kitang hinanap. Ang tagal akong umasa na makikita kita ulit anak. Hindi ako sumuko, kahit isang beses, naniniwala
Natigilan si Grant. Kanina pa niya pinipihit ang sendura ng pinto pero hindi niya mabuksan. Gustong pumasok ni Kian para puntahan ang Lolo nito, kaya naman ng sabihin nito sa kanya na hindi nito mabuksan ang pinto ay siya na ang nagbukas. Pero tulad ng sinabi ng anak niya ay hindi 'yon mabuksan. Mukhang hindi gusto ng mga ito na ma-istorbo.Hindi niya gustong magpunta sa hospital na ito kundi sinabi ni Kier na malubha na ang lagay ng ama nila.Oo nabigla siya. Hindi niya akalain na hindi niya tunay na ama si George.Napakabuti ng Papa niya. Wala itong pinakita at pinaramdam kundi pagmamahal sa kanila ng Mama niya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na hindi ito ang tunay n'yang ama. Ang nakakagulat pa ay siya pala ang tunay na kapatid nila Kier at hindi si Kiara.Humawak siya sa dibdib. Kumirot iyon ng maalala ang babaeng mahal niya. Sana ay dumating ang panahon na mapatawad siya nito.Dinukot niya ang cellphone ng marinig na may nag-message sa kanya. Nanlaki ang mata niya."Kiara
[Kiara]'Sorry, Kiara... Sana balang araw ay mapatawad mo ako'Tumulo ang luha niya habang binabasa ang sulat na iniwan ni Bea para sa kanya. Inamin ng kaibigan ang pakikipagsabwatan kay Grant para lang sa mahal nito—Ang Kuya Kier niya.Hindi niya mapigilan ang umiyak ng umiyak. Nawala na ang Daddy niya, hindi sa sakit kundi dahil pinaslang 'to ni Tanya, na Greta pala ang tunay na pangalan. Kapatid pala ng ina ni Grant si Tanya, ang babae na nakita niya sa Spain.Tapos ngayon wala na rin si Bea... Bakit sabay pang nawala ang isa sa mahalagang tao sa buhay niya? Yumakap ang Mama niya sa kanya. Napansin n'ya na parang wala sa sarili ang Kuya Kier niya simula ng mawala si Bea. Gusto tuloy n'yang isipin na mahal nito ang kaibigan niya kahit alam n'yang hindi naman.Nag alisan na ang lahat ng nakipaglibing, maliban sa kanila nina Dina at Klea...Natigilan siya....Naiwan din pala ang Kuya Kier niya."B-Bakit naman iniwan mo kami, Bea. Kainis ka, alam mo 'yon? Dahil lang ba sa hindi kaya
[Kiara]Rinig pa niya ang isang beses na pagtawag nito bago siya tuluyang makapasok sa bahay nila. Sumandal siya sa pinto at tinakpan ang bibig gamit ang kamay. Baka mamaya ay makita ni Kian ang pag iyak niya.Sinasabi niya sa sarili na hindi na siya iiyak pero heto siya, nasasaktan pa rin... Gaano man niya gustong pigilin ang nararamdaman ay hindi niya magawa.Masyado n'yang mahal si Grant.Di bale, malapit na rin naman silang lumipat uli ni Kian sa bahay ng mama niya. Tiyak na hindi na siya pupuntahan do'n ni Grant.Dahan-dahan siyang sumilip sa bintana para makita kung nasa labas pa si Grant. Hindi niya ito makita dahil sa halaman na nakaharang. Umusod siya pakanan para makita ang asawa pero—"Anak." Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. Mabilis na tumuwid siya ng tayo."M-Ma." Alanganin na sambit niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Ah, m-may sinisilip lang ako, hehe." Syempre hindi siya aamin na si Grant ang sinisilip niya— "Pwede mo naman siyang papasuk
Hirap na hirap siya habang inaalalayan si Grant na ipasok sa loob ng kwarto niya. Paano ba naman ay ang laki ng katawan nito. Lumabas uli siya para balikan ang tasa na iniwan lang niya sa tabi ng sasakyan nito. Pagkabalik sa loob ng kwarto ay hinubad niya ang suot nitong medyas. Nakagat niya ang labi.Kailangan n'yang palitan ito ng damit dahil pawis na pawis ito.Mahina n'yang tinampal ang pisngi. Paano ay namumula siya! Daig pa niya ang isang teenager na nakita ang katawan ng crush niya!Hinuburan niya si Grant. Dahil wala naman siyang damit ni Grant dito sa bahay nila ay isinuot niya rito ang paborito n'yang tshirt na napakalaki, na isang Hello Kitty character design. Gustong-gusto niya itong suotin kapag matutulog na siya noon, bukod kasi sa napakalaki ay presko pa.Napangiti siya. Mabuti nalang at nagkasya rito ang tshirt niya. Matapos bihisan ay agad na kumuha siya ng bimpo at binasa iyon. Kailangan n'yang punasan ang katawan ni Grant, para mabawasan ang taas ng lagnat nito.An
[Kiara]Bakit ang bango? Bakit ang sarap yakapin ng unan niya ngayon? Siniksik niya ang ulo sa mabango at mainit n'yang unan. "Lola, akala ko po ba galit si Mi kay daddy?" Boses ni Kian."Shhh, wag kang maingay. Hayaan na muna natin sila." Boses ng mama niya. Narinig pa niya ang pagsara ng pinto. Hayaan daw sila? Sino sila? Siniksik niya ang ulo sa unan niya—teka, bakit may naririnig siyang tibok sa unan niya?Dumilat siya at tumingala.Nanlaki ang mata niya ng makita ang nakapikit na si Grant. Sa taranta ay napa-atras siya dahilan para malaglag siya sa kama."A-Ang sakit! Bwìsit!" Nakahawak sa balakang na umupo siya—pero agad ding napaatras.Paano ay gising na si Grant at masyadong malapit ang mukha nito sa kanya!"G-Good morning." Tabingi ang ngiti sa mukha na bati niya."Good morning, mahal. Ano ang ginagawa mo d'yan?"Isip, Kiara! "A-Ah.. kasi wala ng matutulugan kagabi kaya dito nalang ako sa lapag natulog.. H-Hindi kita tinabihan ha!" Kinagat niya ang dila. Baka mamaya ay m
[Kiara]Habang sakay sila ng kotse ay tahimik lang siya. Si Kian naman ay panay ang kwento sa Daddy nito. Halatang masayang-masaya ito na nakasama ang ama ngayon.Noong nakaraan kasi ay pansin niya na matamlay ito, hindi katulad ngayon. Lumabas na naman ang kadaldalan."Bye, daddy! Bye, Mi!" Kumaway si Kian sa kanila bago pumasok ng gate.Nang mawala si Kian sa paningin ay kinuha niya ang bag sa loob ng kotse ni Grant."Ihahatid na kita." Sinamaan niya ng tingin si Grant."Hindi na, Grant." Naiinis siya kapag naaalala ang nangyari kanina.Syempre nahihiya din siya! Iyon talaga ang number one na rason! Alam pala ng loko na tumabi siya sa higaan, tapos tinanong pa siya kung ano ang ginagawa niya sa lapag?"Magta-taxi nalang ako." Aniya. "Please, Mahal. Hayaan mo na ihatid kita." Nakataas ang kilay na tumingin siya kay Grant. Akala yata ay madadaan siya sa pa-mahal-mahal nito. No way! Hindi naman siya marupok, no!Few minutes later...Gusto n'yang kutusan ang sarili! Paano ay natagpuan