Share

66. The real mother

[Kiara]

Isang buwan na mula ng lisanin nila ang mansion ng mga Saavedra. Sa loob ng isang buwan na 'yon ay napansin niya ang pagiging tahimik ng anak n'yang si Kian. Palagi itong nakatingin muna sa malayo.

Hindi man nito sabihin ay alam niya na namimiss nito si Grant.

Pinahid niya ang luha na agad naglandas sa pisngi niya ng maalala si Grant. Hanggang ngayon ay parang dinudurog ang puso niya sa sakit.

Dito muna sila nanirahan sa lugar kung saan lumaki si Aling Josia. Nang sabihin niya na magpapakalayo - layo siya ay nag suggest ito na dito muna sila tumuloy.

Gawa sa buho at kawayan ang bahay ni Aling Josia. Hindi man kalakihan ay kumpleto naman sa kagamitan at kumportable silang mag ina.

Natigil siya sa pagsampay ng makita ang paghinto ng mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay na tinutuluyan nila.

Kumunot ang noo niya ng makita ang Kuya Kier niya na bumaba mula roon.

Ano ang ginagawa ng Kuya niya dito? Saka paano nito nalaman kung nasaan siya?

Pinunas niya ang kamay sa magkabilang g
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status