Thank you for reading 📚 Rate my story 🥰
[Kiara]'Sorry, Kiara... Sana balang araw ay mapatawad mo ako'Tumulo ang luha niya habang binabasa ang sulat na iniwan ni Bea para sa kanya. Inamin ng kaibigan ang pakikipagsabwatan kay Grant para lang sa mahal nito—Ang Kuya Kier niya.Hindi niya mapigilan ang umiyak ng umiyak. Nawala na ang Daddy niya, hindi sa sakit kundi dahil pinaslang 'to ni Tanya, na Greta pala ang tunay na pangalan. Kapatid pala ng ina ni Grant si Tanya, ang babae na nakita niya sa Spain.Tapos ngayon wala na rin si Bea... Bakit sabay pang nawala ang isa sa mahalagang tao sa buhay niya? Yumakap ang Mama niya sa kanya. Napansin n'ya na parang wala sa sarili ang Kuya Kier niya simula ng mawala si Bea. Gusto tuloy n'yang isipin na mahal nito ang kaibigan niya kahit alam n'yang hindi naman.Nag alisan na ang lahat ng nakipaglibing, maliban sa kanila nina Dina at Klea...Natigilan siya....Naiwan din pala ang Kuya Kier niya."B-Bakit naman iniwan mo kami, Bea. Kainis ka, alam mo 'yon? Dahil lang ba sa hindi kaya
[Kiara]Rinig pa niya ang isang beses na pagtawag nito bago siya tuluyang makapasok sa bahay nila. Sumandal siya sa pinto at tinakpan ang bibig gamit ang kamay. Baka mamaya ay makita ni Kian ang pag iyak niya.Sinasabi niya sa sarili na hindi na siya iiyak pero heto siya, nasasaktan pa rin... Gaano man niya gustong pigilin ang nararamdaman ay hindi niya magawa.Masyado n'yang mahal si Grant.Di bale, malapit na rin naman silang lumipat uli ni Kian sa bahay ng mama niya. Tiyak na hindi na siya pupuntahan do'n ni Grant.Dahan-dahan siyang sumilip sa bintana para makita kung nasa labas pa si Grant. Hindi niya ito makita dahil sa halaman na nakaharang. Umusod siya pakanan para makita ang asawa pero—"Anak." Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. Mabilis na tumuwid siya ng tayo."M-Ma." Alanganin na sambit niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Ah, m-may sinisilip lang ako, hehe." Syempre hindi siya aamin na si Grant ang sinisilip niya— "Pwede mo naman siyang papasuk
Hirap na hirap siya habang inaalalayan si Grant na ipasok sa loob ng kwarto niya. Paano ba naman ay ang laki ng katawan nito. Lumabas uli siya para balikan ang tasa na iniwan lang niya sa tabi ng sasakyan nito. Pagkabalik sa loob ng kwarto ay hinubad niya ang suot nitong medyas. Nakagat niya ang labi.Kailangan n'yang palitan ito ng damit dahil pawis na pawis ito.Mahina n'yang tinampal ang pisngi. Paano ay namumula siya! Daig pa niya ang isang teenager na nakita ang katawan ng crush niya!Hinuburan niya si Grant. Dahil wala naman siyang damit ni Grant dito sa bahay nila ay isinuot niya rito ang paborito n'yang tshirt na napakalaki, na isang Hello Kitty character design. Gustong-gusto niya itong suotin kapag matutulog na siya noon, bukod kasi sa napakalaki ay presko pa.Napangiti siya. Mabuti nalang at nagkasya rito ang tshirt niya. Matapos bihisan ay agad na kumuha siya ng bimpo at binasa iyon. Kailangan n'yang punasan ang katawan ni Grant, para mabawasan ang taas ng lagnat nito.An
[Kiara]Bakit ang bango? Bakit ang sarap yakapin ng unan niya ngayon? Siniksik niya ang ulo sa mabango at mainit n'yang unan. "Lola, akala ko po ba galit si Mi kay daddy?" Boses ni Kian."Shhh, wag kang maingay. Hayaan na muna natin sila." Boses ng mama niya. Narinig pa niya ang pagsara ng pinto. Hayaan daw sila? Sino sila? Siniksik niya ang ulo sa unan niya—teka, bakit may naririnig siyang tibok sa unan niya?Dumilat siya at tumingala.Nanlaki ang mata niya ng makita ang nakapikit na si Grant. Sa taranta ay napa-atras siya dahilan para malaglag siya sa kama."A-Ang sakit! Bwìsit!" Nakahawak sa balakang na umupo siya—pero agad ding napaatras.Paano ay gising na si Grant at masyadong malapit ang mukha nito sa kanya!"G-Good morning." Tabingi ang ngiti sa mukha na bati niya."Good morning, mahal. Ano ang ginagawa mo d'yan?"Isip, Kiara! "A-Ah.. kasi wala ng matutulugan kagabi kaya dito nalang ako sa lapag natulog.. H-Hindi kita tinabihan ha!" Kinagat niya ang dila. Baka mamaya ay m
[Kiara]Habang sakay sila ng kotse ay tahimik lang siya. Si Kian naman ay panay ang kwento sa Daddy nito. Halatang masayang-masaya ito na nakasama ang ama ngayon.Noong nakaraan kasi ay pansin niya na matamlay ito, hindi katulad ngayon. Lumabas na naman ang kadaldalan."Bye, daddy! Bye, Mi!" Kumaway si Kian sa kanila bago pumasok ng gate.Nang mawala si Kian sa paningin ay kinuha niya ang bag sa loob ng kotse ni Grant."Ihahatid na kita." Sinamaan niya ng tingin si Grant."Hindi na, Grant." Naiinis siya kapag naaalala ang nangyari kanina.Syempre nahihiya din siya! Iyon talaga ang number one na rason! Alam pala ng loko na tumabi siya sa higaan, tapos tinanong pa siya kung ano ang ginagawa niya sa lapag?"Magta-taxi nalang ako." Aniya. "Please, Mahal. Hayaan mo na ihatid kita." Nakataas ang kilay na tumingin siya kay Grant. Akala yata ay madadaan siya sa pa-mahal-mahal nito. No way! Hindi naman siya marupok, no!Few minutes later...Gusto n'yang kutusan ang sarili! Paano ay natagpuan
[Kiara]Pagkabalik niya sa Shop ay hindi nawala ang tanong ng mama niya sa isip niya.Handa nga ba siyang patawarin si Grant?Bumuntong-hininga siya. Ang totoo n'yan ay hindi niya alam. Kapag naaalala niya kasi ang ginawa ni Grant ay nasasaktan siya ng husto. Pinagkatiwalaan niya ito. Minahal ng sobra. Tapos malalaman niya na ito pala ang taong sumira ng buhay niya.Ang sakit.Natigil siya sa pag iisip ng makita si Grant na nakatayo sa harap niya. "Ang sabi ko naman sa'yo wag mo na akong sunduin." Ang kulit naman. Kaya naman n'yang umuwi mag isa. "Iisa lang naman ang bahay na uuwian natin kaya bakit hindi pa tayo magsabay?" Todo ngiti na sabi ni Grant.Napasimangot siya. "Oo nga pala, no! Salamat sa'yo ha, ang galing mo kasi." Nakairap na sabi niya. "Anong ginawa ko?" Si Grant.Maang-maangan pa! E, pwede naman kasi itong tumanggi sa anak nila pero ang loko hindi ginawa!"Pwede ba, Grant, wag kang pa-kunwari d'yan. Kasalanan mo 'to, e!" Kinuha niya ang sling bag at nauna ng lumabas
[Kiara]Dilat na dilat ang mga mata niya. Hindi siya makatulog. Paano siya makakatulog kung kasama niya si Grant sa iisang kwarto. Oo, ilang beses na silang nagtabi. Ilang beses na nga silang naagtalik— Iyon na nga ang problema!Paano siya masasanay na malayo kay Grant kung ganito ang set up nila ngayon? Galit nga siya di'ba? Paano naman niya mapapangatawanan ang galit niya kung magkasama sila sa iisang kwarto at gustong-gusto niya na makatabi ito?!Oo! Inaamin niya! Gustong-gusto niya na katabi si Grant! Sinasabi niya lang na hindi siya marupok, pero anak ng tokwa! Sino ang niloloko niya?Umusod siya palapit sa kinahihigaan ni Grant. Hindi kalakihan ang kwarto niya kaya alam niya na hindi ito kumportable sa pwesto nito. Naglatag lang kasi ito ng makapal na comforter sa lapag. Pilit n'yang inaaninag ang mukha ni Grant.Kainis naman! Bakit kasi pinatay nito ang ilaw! Hindi tuloy niya makita ang mukha nito!Umupo siya sa kama—"Mahal?" Nagmamadali siyang humiga at nagtulog-tulugan
[Kiara]Tumawag ang mama niya sa kanya. Napaaga ang pagpunta nito sa mansion ng mga Somana. Si Kian ay susuduin daw ng mama Josia at mommy Kendra niya.Ibig sabibin ay sila nalang ni Grant sa bahay pag uwi nila!Dapat ba sumunod siya sa mama niya? Pero paano si Grant? Mag isa itong maiiwan sa bahay?'"Ang sama ko naman kung iiwan ko siyang mag isa." Aniya. 'Ang daming palusot! Ang sabihin mo gusto mo rin na makasama siya!' Kastigo ng utak niya.Mahina n'yang tinuktukan ang ulo. Sino nga ba ang niloloko niya? Saka wala rin namang masama kung sila lang ang nasa bahay.Mag asawa pa rin naman sila.Kinuha niya ang cellphone ng mag-ring 'yon. Si Grant ang tumatawag."Hello." Kunwari ay walang buhay ang boses niya. Pati boses nito gustong-gusto niya."Mahal, hindi kita masusundo ngayon. I have an emergency meeting—""Please naman help me!" Singit ng isang boses ng babae."Baka hindi rin ako makauwi—" Si Grant."Gagawin ko na nga 'yong gusto mo, di'ba? Oh my God! Thank you! I love you!" Bo