Share

70. Denying

[Kiara]

Rinig pa niya ang isang beses na pagtawag nito bago siya tuluyang makapasok sa bahay nila. Sumandal siya sa pinto at tinakpan ang bibig gamit ang kamay. Baka mamaya ay makita ni Kian ang pag iyak niya.

Sinasabi niya sa sarili na hindi na siya iiyak pero heto siya, nasasaktan pa rin... Gaano man niya gustong pigilin ang nararamdaman ay hindi niya magawa.

Masyado n'yang mahal si Grant.

Di bale, malapit na rin naman silang lumipat uli ni Kian sa bahay ng mama niya. Tiyak na hindi na siya pupuntahan do'n ni Grant.

Dahan-dahan siyang sumilip sa bintana para makita kung nasa labas pa si Grant. Hindi niya ito makita dahil sa halaman na nakaharang. Umusod siya pakanan para makita ang asawa pero—

"Anak."

Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. Mabilis na tumuwid siya ng tayo.

"M-Ma." Alanganin na sambit niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Ah, m-may sinisilip lang ako, hehe." Syempre hindi siya aamin na si Grant ang sinisilip niya—

"Pwede mo naman siyang papasuk
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status