Share

71. Pag aalaga

Hirap na hirap siya habang inaalalayan si Grant na ipasok sa loob ng kwarto niya. Paano ba naman ay ang laki ng katawan nito. Lumabas uli siya para balikan ang tasa na iniwan lang niya sa tabi ng sasakyan nito.

Pagkabalik sa loob ng kwarto ay hinubad niya ang suot nitong medyas. Nakagat niya ang labi.

Kailangan n'yang palitan ito ng damit dahil pawis na pawis ito.

Mahina n'yang tinampal ang pisngi. Paano ay namumula siya! Daig pa niya ang isang teenager na nakita ang katawan ng crush niya!

Hinuburan niya si Grant. Dahil wala naman siyang damit ni Grant dito sa bahay nila ay isinuot niya rito ang paborito n'yang tshirt na napakalaki, na isang Hello Kitty character design. Gustong-gusto niya itong suotin kapag matutulog na siya noon, bukod kasi sa napakalaki ay presko pa.

Napangiti siya.

Mabuti nalang at nagkasya rito ang tshirt niya. Matapos bihisan ay agad na kumuha siya ng bimpo at binasa iyon. Kailangan n'yang punasan ang katawan ni Grant, para mabawasan ang taas ng lagnat nito.

An
SEENMORE

Pa-rate naman po kung nagustuhan niyo 🥰 Salamat po sa pagbabasa 📚

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status