Share

62. The Truth Revealed

[Kiara]

"Mahal!" Agad na lumapit si Grant sa kanya at yumakap. Bakas ang tuwa sa mukha nito. "Si Mama nagising na!"

Tumulo ang luha niya sa narinig. Ramdam niya ang tuwa ng asawa niya. Alam niya na masayang-masaya ito.

Pero hindi niya mai-singit ang tuwa sa puso niya ngayon. Mas lamang ang takot at awa...

Takot dahil baka kapag nalaman nito ang ginawa ng daddy niya ay mas lalo lang siyang hindi nito matanggap para kay Grant. Natatakot din siya na baka maging siya ay kamuhian ni Grant dahil sa ginawa ng ama niya.

Naaawa rin siya sa ginang...

Dahil alam niya ang pakiramdam ng gahasain.... Nakakatakot at masakit sa dibdib...

Pero hindi maaari na hindi niya sabihin rito ang totoo. Hindi siya mananahimik.... Hindi niya pagtatakpan ang ginawa ng Daddy niya! Hinding-hindi!

"Mahal, bakit namumutla ka?" Hinaplos ni Grant ang pisngi niya. "Halatang pagod na pagod. Ihahatid kita mamaya—"

Matamlay siyang umiling. "Hindi na, Mahal. Gusto kitang samahan rito para samahan si Mama." Tanggi niya.

"W
SEENMORE

Salamat po sa pagbabasa 📚

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
grabi ang skit nman yon pro ind nman cla magkaoatid ampon lng nman c kiara
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status