Share

KARMA

“HUWAG KANG MANGARAP na pakakasalan kita, Roman,” mariing pahayag ni Gemma Garcia sa lalaking nagpanggap na kanyang boyfriend sa harap ni Owen, “hindi ang katulad mo lang ang pangarap kong maging asawa!” panlalait pa niya.

Pumuno sa buong bahay ang malakas na halakhak ng lalake, na halos bumingi kay Gemma. Matagal ang halakhak na iyon. Umiinsulto. Nang-iinis.

Nagkakandaluha ang mga mata ni Roman ng tumigil sa pagtawa.

“Alam mo, ang galing mong magpatawa,”sarkastikong saad nito habang pinupunasan ng panyo ang mga matang nagluha, “paano mo akong magiging asawa, e, matagal na akong may asawa? Matagal na akong ikinasal!”

Namula ang mukha ng babae sa magkahalong galit at pagkapahiya.

“At hindi ko kailanman hihiwalayan ang asawa ko lalo pa’t kung ikaw lang ang ipapalit ko sa kanya,” pagpapatuloy ng head ng security force na nagbabantay sa mansiyon ng mga Rossel “kaya’t ang pagiging mistress lang ang magiging papel mo sa buhay ko. Kabet!”

Hindi nakahuma ang babae sa mga panlalait, pang-
Em Dee C.

Hello, Dear readers of "Loving The CEO 's Mistaken Identity". Enjoy life. Enjoy reading, - Thanks much -Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status