Share

CURIOSITY KILLS THE CAT

HINDI PINANIWALAAN NI Shelley ang lahat ng kanyang paliwanag. Nanatili itong tahimik kahit nang matapos siya sa mga paliwanag niya. At pagkatapos ay nagdudumali itong umakyat sa second floor ng bahay. Nagkulong sa loob ng silid tulugan.

Malalim siyang napabuntunghininga. Dinukot mula sa bulsa ng suot niyang pantalon ang susi ng bahay ni Shelley na kinuha niya sa sabitan nito ng mga susi.

“Umalis ka na, Russell,” ang huling sinabi sa kanya ng babaing natutuhan na niyang mahalin, “paki-lock ang pinto sa paglabas mo.”

Kalmado ang tinig ng babae, ngunit dama niya ang sakit ng damdamin na ayaw nitong ipahalata sa kanya.

“Paano ko ba ipagtatapat sa iyo ang katotohanan nang hindi ka magagalit…masusuklam sa akin, Shelley?” Tanong niya na sa susing hawak nakatingin.

Naalala ang kinamulatang ina.

“Kumusta na kaya si mama,” tanong sa wala habang ibinubulsa ang susi, “nagsasama na siguro sila ng boyfriend niya.”

Umaahon na naman ang magkahalong sakit at pait ng damdaming kanyang naramdaman
Em Dee C.

Hello, Darling readers, Hope you're all having a great time. Read on. - Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status