Share

OWEN GARCIA: THE DRIVER BODYGUARD

NAGUSTUHAN NI SOLENNE ang tikas ng lalaking balbas sarado na nakatayo sa kanyang harapan. Buo ang kumpiyansa nito sa sarili. Tiyak ang bawat galaw.

“Owen Garcia po.” Pagpapakilala nito sa kanya na sinabayan ng bahagyang pagyukod.

Hindi iniabot ng babae ang kamay niya nang ibigay ng kanyang kausap ang palad nito na para sa isang pakikipag-handshake.

Hindi niya gustong tinitingala ang sino mang kausap niya.

Kaya't kanyang isinenyas dito ang silyang nakatapat sa kinauupuan niya na uupuan ng lalake..

Ngumiti ng pasasalamat si Owen. Buong kapakumbabaang umupo sa silyang isinenyas sa kanya.

“Paano mo nalaman ang Email address ko,” pormal na tanong ni Solenne, “at sino ang nagsabi sa iyong nangangailangan ako ng personal driver?”

Si Joanne ang tinanong ni Owen ng mga personal na bagay tungkol sa pangalawang asawa ni Theodore Rossell noong yayain siya ng babae sa condominium nito. Ang plano ni Joanne noon ay lasingin siya ngunit naging mas mautak siya, kaya ito ang nalasing niya sa hali
Em Dee C.

Hello, Dear Readers of "Loving The CEO's Mistaken Identity" Read on! -Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status