Share

KAILAN MO AKO MAMAHALIN?

NAGDIRIWANG ANG KALOOBAN ni Solenne.

“Ako ang panalo sa labanan nating tatlo,” taas ang mukhang ini-imagine niya si Joanne Javier at Domingo Sabado, “ bumangon siya mula sa kinahihigaang divan. Nasisiyahang humakbang patungo sa bar sa basement ng kanilang mansiyon, “alias Sandy Samedi ka pang Domeng ka, ha,” nakangiting hinugot ang isang bote ng mamahaling alak mula sa wine rack na nakakabit sa dinding, “kasi naman, Domeng, pakikipag-usap niya sa lalaking nasa kanyang imahinasyon, “masyadong give away ang alias na ginamit mo,” ang wika habang nagsasalin ng alak sa kopang hawak, “para namang hindi ko alam na ang Sandy ay pinaikling Sunday na ang ibig sabihin ay araw ng Linggo na sa kastila ay Domingo,“ marahan niyang sinimsim ang alak mula sa kopa. Iminumog iyon sa loob ng bibig. Ipinaikot sa loob ng kanyang pisngi at mga gilagid.

Ah, gusto niyang malasahang mabuti ang sarap ng likidong iniinom. Katulad ng sarap na kanyang nararamdaman sa inaakalang pagkapanalo niya sa pakikipaglaban
Em Dee C.

Hi, Dear readers of "Loving The CEO's Mistaken Identity". Share with me your ideas of how you think I should do with Solenne's dramatic and tragic love story. Waiting... - Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status