Share

Chapter 11 - Malasakit

'Relax ka lang Cielo! Nakaya mo nga ng dalawang taon 'di ba? Ito pa kaya? Nakalimot lang siya, tatagan mo lang ang loob mo. Ikaw pa rin ang totoong mahal ni Warren.'

Pagpapalakas ko sa sarili habang hilam ang luha sa aking mga mata dahil sa nalaman ko.

Kumain na lamang ako para makainom na ng gamot. Talagang nilagnat na ako at masakit pa pati ang kasu-kasuan ko. Bumalik ako sa aking silid at nagpahinga, nais ko sanang matulog ngunit hindi na ako dalawin ng antok.

Nang bumuti-buti na ang aking pakiramdam ay lumabas na ako ng aking silid dahil kailangan ko na rin magluto ng hapunan. Hinahanda ko pa lang ang sangkap ng aking lulutuin nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Warren at saktong nagtama ang aming mga mata ngunit ako rin ang naunang mag-iwas ng tingin, ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Narinig ko ang mga yabag nito papalapit sa akin, ako naman ay nasa lababo naghuhugas ng mga gulay.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" bigla akong natuod sa kinatatayuan ko dahil nasa l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status