Share

Chapter 18 - Anak

Nang matapos kaming magdinner ni Axel ay hinatid niya na rin ako pauwi, nagpasalamat din ako dahil hindi niya akon tinanong about Warren. Which is nakakapagtaka? Oo ayaw kong pag-usapan pero imposible 'tong si Axel dahil tandang-tanda ko pa noon na pinagbantaan niya pa si Warren noon nang maikasal kami na kapag sinaktan ako ay malilintikan ito sa kan'ya, pero based sa reactions niya kanina? Ay ewan!

"Good night, Cielo. See you," sabi ni Axel nang hinatid niya na ako malapit sa entrance ng condo na tinitirhan namin ni Warren.

"Good night. Mag-iingat ka," tugon ko. Ngumiti lang siya sa akin at mataman akong tinitigan.

"Ahmn...may sasabihin ka pa ba? Sabihin mo na," tinanong ko na siya pero agad naman siyang umiling kaya napakunot ang noo ko. Kilalang-kilala ko na siya kaya alam kong may gusto siyang sabihin.

"Ano nga kasi? 'Wag ako, Axel. Ano nga?" pagpupumilit ko pa.

"Matulog ka na, iyon ang gusto kong sabihin. Go ahead, pasok ka na." Inirapan ko na lamang siya dahil ayaw niya nama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status