Share

Chapter 2 - Rules

Masaya si Cielo dahil ngayong araw na isinasagawa ang operasyon ng kaniyang ina. Naroon na ito ngayon sa operating room kaya naghihintay siya ngayon kung anong oras iyon matatapos. 

Tumawag naman ang kaniyang ama at humingi ito ng pasensya dahil hindi makakapunta sa ospital upang damayan siya nito. Naiintindihan naman niya ang ama dahil sa sitwasyon nito sa piling ni Lucille.

Malaking pera ang ibinigay ni Lucille para iyon sa pagpapa-opera ng kaniyang ina. Ngunit lingid sa kaalaman nito ay binigyan pa siya ni Solenn ng pera galing sa sarili nitong bulsa para may magamit pa sila umano pagkalabas ng ospital at mapaghandaan ang pagkikipagkita nito kay Warren. 

‘Saka ko na nga muna iisipin ang tungkol sa kasala na iyon.’ 

Pumunta naman si Solenn sa suit ni Warren upang makipag-usap tungkol sa hindi na muna sila dapat ikasal. 

“Honey, sige na. 2 years lang naman ay babalik na ako. Tayo naman ang magpapakasal.”

“Why do you have to do that? Why do you have to leave, Solenn?” ayaw ni Warren ang iminungkahi ni Solenn sa kan’ya. 

“It's my dream, Hon. Aren't you happy for me? Promise, this will be the last time of leaving you. Pagbalik ko magpapakasal na tayo,” sambit naman ni Solenn sa pinalambing na boses. 

Naiinis si Warren dahil bakit kailangan pa magtrabaho ni Solenn, kaya niya naman itong buhayin at lahat ng nais nito ay kaya niyang ibigay. He hates people leaving. Same as her mother, nangakong babalik noon ngunit nagdaan ang mga araw, lingo, buwan at taon na hindi na ito bumalik. Hindi siya binalikan! 

Ayaw niyang maulit ang mga iyon. He loves Solenn so much that's why he asked her to get married but Solenn declined it. At gusto pa nitong magpakasal na muna siya sa iba, sa taong hindi niya kakilala para lang masulusyonan ang gustong mangyari ng lolo niya. 

“No! I won't marry someone else!” matigas na pagkasabi ni Warren kay Solenn. 

“Hon, mas mabuti na kilala ko ang taong pakakasalan mo. Alam kong pagbalik mo ay mababawi kita. Ayaw kong sa iba ka magpakasal dahil baka tuluyan ka namang mawala sa akin.” 

“Then, don't leave! Simple as that, Solenn.” 

Nagtatalo ang utak at puso ni Solenn. Naguguluhan siya sa sitwasiyon. Mahal niya si Warren ngunit hindi niya pa kayang bumitaw sa pangarap niya. Nag-uunahang magbagsakan ang mga luha nito dahil sa pagtatalo nila ni Warren. 

Ang makitang umiiyak si Solenn ay ang kahinaan ni Warren. Ayaw niyang umiiyak ito kaya agad na niya itong niyakap nang mahigpit. Lumalambot ang puso niya kapag ganitong umiiyak ang kasintahan. 

“Shhh… I'm sorry. Tahan na, Hon.” Pinahid ni Warren ang mga luha sa pisngi ni Solenn. 

“I love you, Warren. Ayaw kitang mapunta sa iba kaya sa step sister ko kita ipagkakatiwala. May kasunduan kaming dalawa at hindi siya puwedeng sumira,” natawa naman si Warren dahil may gano'ng usapan na pala. Nagawa na pala makipag-deal ng nobya at siya na lamang ang kulang. Bumuntonghinga muna siya bago tumango bilang pagpayag. 

Sa isip-isip. Si Solenn pa rin naman ang mahal niya. Maghihintay siya sa pagbabalik nito and after 2 years ay ikakasal na sila. 

“Really? Pumapayag ka na, Hon?” Ang bilis nagbago ng mood ni Solenn na kanina ay grabe kung umiyak at lungkot nito. Ngayon ay sobrang lapad ng ngiti nito sa sobrang saya. 

“Yes, but you promise. 2 years lang ay sa akin ka na.” 

“Sa iyo lang naman talaga ako, eh.” Agad na yumakap si Solenn kay Warren hanggang sa magtagpo ang kanilang mga labi hanggang umabot sa kanilang pag-iisa. 

Natapos na ang operasyon sa mata ng ina ni Cielo at kasalukuyang nasa ward na ito ngayon. Maghihintay na lamang sila ng ilang araw bago tanggalin ang benda sa mga mata nito. Ipinaalam na nito sa kaniyang ama na successful ang operation at natutuwa naman ito sa balitang iyon. 

Batid pa ni Cielo na mahal pa nito ang ina hanggang sa ngayon subalit hindi na puwede. Ang tanging koneksyon lamang ng mga ito ay dahil sa kan’ya. 

Masaya si Solenn kaya agad na niyang tinawagan si Cielo.

“Hello?” tinig ni Cielo sa kabilang linya. 

“Hello, Cielo!” 

“Solenn? Napatawag ka? May kailangan ka ba?” masaya ang boses nito kaya nagtataka si Cielo kung bakit ito tumatawag ngayon?

“I'm so happy! Warren and I have already talked about the upcoming wedding and guess what?” 

“A-ah… Ano raw?” 

“He agreed! Hayss… Warren really loves me! He's willing to wait for me, Cielo! I'm so lucky to have him. By the way, how's the operation?” 

Buti na lamang ay iniba ni Solenn ang topic dahil dahil sa totoo lang ay hindi pa nagsi-sink in sa utak niyang ikakasal na siya sa taong hindi niya pa nakikita. 

“Okay naman. Salamat. Hinihintay ko na lamang na magising siya para malaman kung walang naging problema,” saad niya. Ramdam niyang may kabaitan rin naman itong si Solenn at nahahawa lamang sa ina nitong si Lucille. 

“Great! I hope for her fast recovery. Ahm… Cielo?” 

“Hmmn? Bakit?” 

“I'm sorry ha? ‘Wag mo na lang pansinin si mommy. Basta from now on, okay na tayo ha?” nagulat si Cielo sa pahingi ng sorry ni Solenn. Ngunit sino ba siya para tumanggi? Gusto niya rin namang magkaayos silang dalawa at tanggap naman niyang hindi na sila ang priority ng kaniyang ama dahil mas legal na anak si Solenn.

“Talaga? Okay na tayo?” hindi mapigilan maluha ni Cielo, Masaya siya.

“And don't worry, kapag need mong makausap si dad or gusto mo siyang makita. Magsabi ka lang, akong bahala,” dagdag pa ni Solenn. Masarap sa pakiramdam na sa wakas ay magiging maayos na sila kahit papaano. 

“Talaga? Naku, salamat… Masaya ako dahil diyan, Solenn,” aniya pa. Natawa naman si Solenn dahil para umano silang mga bata na nagkaaway tapos biglang n*****i.

“Yup! But don't forget our deal,” biglang sumeryoso ang tinig ni Solenn. Kung kanina ay batid niyang masaya ito, ngayon naman ay tila yelo sa lamig ng boses nito ‘t tila nakaramdam siya ng konting kaba. “NEVER, EVER. BREAK MY RULES!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status