Share

Chapter 6 - Boyfriend

“Ija, kailan ka babalik?” tanong ng lolo ni Warren kaya nakangiting lumapit naman si Cielo rito.

“Lolo, hindi pa nga ho ako nakakaalis. Iyong pagbabalik ko na agad?” pabirong sabi pa ni Cielo na ikinatawa naman ng matanda.

“Pagpasensyahan mo na ako. Ako ‘y natutuwa lamang sa iyo dahil napakamasayahin mo.

“Ay, iyon ba? Lolo, marunong din po akong magpaiyak. Gusto niyo po bang paiyakin ko kayo?” mas lalo lamang tumawa nang malakas ang matanda kung kaya ‘t nagsalubong ang kilay ni Cielo.

‘Bakit ba tawa nang tawa ‘tong si Lolo? Mukha ba akong clown?’

Si Warren naman ay palihim na natatawa at napapailing dahil sa usapan ng dalawa lalo na sa ekpresyon ng mukha ni Cielo. Lalong naningkit kasi ang mga mata nitong chinita.

“And now you're smiling, huh? Mukhang maganda nga ang pagdating ni Cielo sa bahay,” komento naman ni Wallace nang mahuli ang kuya na napapangiti habang nakatingin kay Cielo.

“Lo, sabihin mo nga. Bulong mo lang po sa akin,” sabi naman ni Cielo dahil bakit tawa nang tawa ang matanda.

“Ano iyon?”

“M-may nakikita po ba kayo na hindi ko nakikita rito? nahihintakutan na tanong muli ni Cielo. Walang humpay naman din ang pagtawa ng lolo ni Warren.

“Kung maryro'n nga? Anong gagawin mo?”

“Talaga, Lo? Pakisabi magpapa-autograph kung puwede? Tapos susubukan kong ibenta kay Boss Toyo,” sabi pa ni Cielo.

“Boss Toyo? Sino iyon?” nagtatakang tanong pa ng matanda dahil aalamin niya kung mabait ba itong boss o baka pinahirapan umano si Cielo.

“Ah… Bumibili iyon ng mga importanteng bagay or kakaiba. Mga antique, gano'n!”

“Ano naman ibibenta mo?”

“Iyong pirma po ng multo. May nakikita ka ba, Lo? Pahiramin natin. Unique kaya iyon!”

“Pasaway ka! Akala ko naman kung ano,” sabay tawa ulit.

Muling lumapit naman si Wendy sa kanila dahil kanina pa nito naririnig ang tawa ng lolo nila.

“Lo, mukhang bentang-benta iyong mga jokes ni Ate Cielo, ah?”

“Oh talaga, Lo? Mabenta ba? Naku! Sandali total ko muna lahat baka sakaling yumaman ako, makabili nga ng house and lot!”

“Bakit? Mag-resign ka sa Boss Toyo mo. Nariyan naman ang apo ko, wala ka nang dapat na alalahanin pa kun ‘di bigyan niyo lamang ako ng mga apo,” saad pa nito kaya bigla namang napa-ubo si Cielo.

“What's wrong?” tanong ni Warren. Bigla itong lumapit nang makitang ubo nang ubo si Cielo.

“Get some water, Wendy,” utos pa nito sa kapatid na agad naman nga kumuha ng tubig.

“Ewan ko, sinabi ko lang naman na bigyan ninyo ang ng maraming apo.”

“Here.” Inabot ni Wendy kay Warren ang Isang basong tubig at agad na pinainom kay Cielo.

“Are you okay now?” nag-aalalang tanong ni Warren. Hinagod nito ang likod ni Cielo kaya tila natuod naman si Cielo nang madam nito ang palad ni Warren sa kan’yang likod.

“O-okay lang ako. Baka mero’n lang naka-alala sa akin kaya gano'n!”

“Alam ko na kung sino?” sabi naman ng lolo ni Warren?”

“Sino po?” tanong naman ni Wendy.

“Si Boss Toyo.” Ngiti-ngiting sabi ng matanda. Kahit si Cielo ay natawa na rin lang at nakipag-high five pa rito.

“Who's, Boss Toyo?”

“Wala, secret lang namin ‘yon ni Lolo. ‘Di ba, Lo?”

Tumango naman ang matanda kaya tila nainis si Warren at hindi niya alam kung bakit?

Mayamaya lang ay nagpaalam na sina Warren at Cielo.

“See you next time, Ate Cielo. Sana madalas mong dalawain si Lolo rito.”

“Sige, kapag hindi ako busy or kapag day-off ko na lang. Alam ko naman kahit ako lang mag-isa pumunta rito, eh,” tugon niya kay Wendy. Hindi niya kasi alam kung isasama ba siyang muli ni Warren.

“Let's go.” Agad nang sumakay si Cielo at kumaway pa itong muli kay Wendy. Nang makalayo na sila sa mansion ay tahimik na lamang muli si Cielo, kinakabahan siya dahil baka may nagawa na siyang hindi nagustuhan ni Warren.

“Thank you,” sabi ni Warren na kinalingon ni Cielo rito

“Para saan?”

“Dahil sa pagpapasaya kay Lolo. Kanina lang siya naging gano’n kasaya ulit.” Tanging ngiti na lamang ang naging tugon ni Cielo kay Warren.

Pakiramdam ni Warren ay matagal na silang magkakilala ni Cielo dahil magaan ang loob niya sa dalaga. Magalang rin ito at may kakulitan kaya hindi malabong magustuhan ng mga kapatid at lolo niya maliban sa kaniyang ina. Ramdam ni Warren na hindi gusto ng mommy niya si Cielo dahil mas close na ito kay Solenn. Gayun pa man ay magpapasalamat siya dahil tahimik lamang ang ina niya kanina.

“Ahm… Dito na lang, malapit naman na at konting lakad na lang,” sabi ni Cielo nang marating na sila kung saan siya umuuwi.

“It's okay, ihahatid na kita. Baka mapaano ka pa sa daan.” Tila kumabog naman ang puso ni Cielo sa sinabi ni Warren.

‘Ganito ba talaga siya? Kaya siguro maraming nagkakagusto rito.’

“Ay hindi na. Taga rito ako at halos lahat ng narito ay kakilala ko na kaya ayos lang. Mas nag-aalala ako sa iyo,” sabi pang muli ni Cielo.

“Nag-aalala ka sa akin? Bakit?” tila na amazed naman si Warren sa sinabi ni Cielo. Ano naman kaya umano ang ipag-alala nito sa kan’ya?”

“H-ha? I-ibig kong sabihin, baka kasi mapagtripan ka ng mga tambay rito o baka mamaya magulat ka na lang na flat na iyong gulong ng kotse mo.”

“Hindi naman siguro. Wait!” Napatigil naman sa paglalakad si Cielo nang may tinawag si Warren.

“Pogi!”

“Ako po?” Turo naman ng binatilyo sa sarili kung siya nga ba iyong tinawag na pogi.

“Oo, Ikaw. Halika rito.” Agad namang lumapit ang Bata at kilala rin iyon ni Cielo.

“Bakit po Kuya? Ikaw po iyong pogi eh!” Natawa naman si Warren.

“May pababantayan ako sa iyo, puwede ba?”

“Sige, po. Ano po iyon?” tanong pa ng bata.

“Pakibantayan iyong kotse ko at ito ang para sa iyo.” Kinuha ni Warren iyong wallet at inabot iyon sa bata.

“Hala! Salamat po, Sir. Ako po ang bahala,” tuwang-tuwa pa na sabi nito masaya rin si Warren dahil alam niyang malaking tulong iyon para sa Bata.

Wala nang nagawa pa si Cielo kun ‘di hayaan na lamang si Warren na ihatid siya. Habang naglalakad ay may lalaking lumapiit kay Cielo.

“Hi, Cielo. Hatid na kita?”

“May kasama ako na akong naghatid sa akin, Marco. Salat na lang,” tugon naman ni Cielo rito. Halos araw-araw ay talaga nagpi-prisintang ihatid siya nito kaya paulit-ulit din ang tangi niya.

Tumikhim naman si Warren upang makuha ang atensiyon ni Marco.

“Don't worry about her. She's with me,” sabi naman ni Warren.

“Bakit? Sino ka ba?”

“Ah, Marco. Sige na, una na kami,” singit naman ni Cielo dahil baka kung ano pa ang mangyari.

“Cielo sino ba ‘tong kasama mo?” tanong ni Marco na tila astig na pananalita. Nayabangan naman si Cielo!

“Siya ay–”

“I'm her Boyfriend. May problema ba?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status