Share

Chapter 14 - Pag-asa

Para akong natuod sa aking kinatatayuan. Ano ba ang dapat na magiging akto ko sa lagay na ito? Ako ang asawa pero may kahalikan siyang iba't kayakapan. Kung tutuusin ay may karapatan akong sugurin sila ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Ilang segundo akong napako sa kinatatayuan ko at nang siguro'y naramdaman nila ang prisensiya ko ay bigla silang tumigil. Gulat ang rumihistro sa mukha ni Solenn samantalang ang magaling kong asawa ay walang ekspresyong tinapunan lamang ako ng tingin. Sa bagay, isa lamang pala akong hamak na maid niya rito. Kahit na para na akong kandilang nauupos ay pinilit ko paring maging matatag na tila hindi apektado sa anuman ang nadatnan ko.

"Ahmmn… P-pasensiya na po sa distorbo," hinging paumanhin ko sabay yuko. Naglakad na rin ako upang magtungo sa kusina o sa aking silid. Bahala na, basta sa hindi ko sila makikita.

"Honey, I think we should go out. Hindi ko alam na may kasama ka pala rito," may himig ng inis sa boses ni Solenn nang sabihin iyon kaya napasulya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status