Share

Chapter 17 - Say Yes

Axel : "Alam kong natatandaan mo pa ako, imposibleng makalimutan mo ang kahuwapohan ko."

Aba ang loko, masiyado pa rin naniniwalang guwapo siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang 'to!

Me : "Pasensiya na, wrong number ka siguro. Wala akong kilalang Axel, tapos guwapo ba kamo? Naku!" Natatawa pa ako nang i-send ko iyon sa kan'ya, palagi kasing asar talo ito sa akin dati.

Axel : "Ah gano'n? Lumabas ka riyan ngayon para malaman mo. Nasa baba ako, bilisan mo kung ayaw mong ako na sumundo sa iyo!" Namilog pa ang mga mata ko at binasa ko pa ulit ang reply ni Axel.

'Anak ng– Talaga ba? Gag* iyon ah!'

Me : "Seryoso? Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Umuwi ka na!"

Axel : "Uhuh! Ayaw mo ha? Hintayin mo 'ko!" Nataranta ako bigla kaya dali-dali ko na siyang tinawagan. Hindi nagbibiro ang loko.

"Hoy! 'Wag na, hintayin mo na lang ako riyan, magbibihis lang ako," ani ko rito. Narinig ko naman ang mahina nitong tawa kaya lalo akong naiinis. Humanda talaga 'to e
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status