Share

Chapter 16 - Axel Buencamino

Buong gabi akong umiyak, halos wala akong tulog. Pagmulat ng aking mga mata ay ramdam kong mugto pa ito, pero bigla akong nataranta nang makita ko kung anong oras na.

'Patay! Alas diyes na pala!'

Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay dali-dali akong naligo, kailangan ko pa rin kumilos dito sa bahay. Nang matapos ako ay agad na akong lumabas ng aking silid pero agad na napansin ko ang isang note sa table kaya kinuha ko iyon at binasa.

"Aalis na ako, at hindi rin ako uuwi mamaya. Pag-isipan mo ang sinabi ko sa iyo Cielo, palayain mo na ako." – Warren

Napasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, siya na mismo ang humihiling na palayain ko siya. May magagawa pa ba ako?

'Cielo, baka oras na rin na isipin mo na rin ang sarili mo! Dalawang taon ka nang nagdusa, ito na siguro ang oras na palayain mo na siya lalong-lalo na ang sarili mo. At Least, hindi siya tuluyang nawala at makikita mo pa rin naman siya. Ang mahalaga ay buhay siya 'di ba?' Untag ng isipan ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status